w12 The Result

6.6K 132 2
                                    

Monday na and it is physics again,
"Ate gising ka na, tintanong ni mama kung may pasok ka raw,"

"Ay lagot!" tumayo agad ako at tumingin sa oras 6:45 na! 'Di ko na pinansin si sabrina.

Binilisan ko na kumilos. Mabilis naman akong nakaligo at nakapagbihis, hindi na nga lang ako nakapagpatuyo ng buhok at hindi na rin ako nakapag-almusal dahil nagpaalam na ako para umalis kaagad.

Sumakay ng jeep pero badtrip lang kasi patay gutom sa pasahero si manong driver. Bawat kanto ginagawang sakayan, tigil kami ng tigil.

Buti na lang may sounds ulit nakakabawas ng stress. Tumutugtog yung time-in ni yeng constantino, saktong sakto a.

Alas syete na badtrip pa kailangan ko nang magmadali at mag ti-time in pa. Mala-late na naman ako sa pasok kong ito, siguradong sabon ang aabutin ko sa aking prof na guwapo na hindi ko kayang abutin hanggang tingin na lamang ba ako sa aking prince charming.
Ayan nakagawa na tuloy ako ng sarili kong lyrics.

Sapul na sapul ako sa huli, hanggang tingin lang ako. Nakakasad.

Nakababa na ko. Takbo na naman papunta sa room at nung malapit na ko ay naririnig ko na ang boses ni Sir pati yung mga classmates ko. Ang ingay nila at sakto papasok na ko, maganda yan para hindi nila ko mapansin.

Dahan dahan akong pumasok. Binibigay na pala ni sir yung quiz nung nakatalikod siya pero malapit lang siya sa upuan namin.

"Uy steph, kanina pa kita tinetex a"

Buwisit ang ingay ni chelsea, napatingin tuloy si sir.
"O miss stephanie, akala namin di ka papasok? Na kay Miss Riyeymundo na yung papel mo" saad ni sir. Ngumiti na lang ako na parang ewan.

Pagkaupo ko,
"Bakit may dalawang sobrang upuan dito?"

"Ewan ko, baka naki- sit- in na naman yung dalawa? Teka, kanina pa kita tinetex akala ko tuloy di ka papasok"

Tiningnan ko yung cellphone ko at okay, sampung text galing kay chelsea.

"Bakit ang dami mong message? Baliw lang?" sabi ko.

"E paano si sir tinatanong ka sa'kin kung papasok ka, ayiee,"

Hindi ko tuloy naiwasan mapangiti. Adik lang kasi itong si Chelsea.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Ewan ko. Namiss ka siguro, sabi ko nga sa kanya papasok ka kasi nagbabagong buhay ka na,"

Napailing na lang ako. At talagang sinabi pa ni chelsea yung ganun? Parang timang talaga.
Bakit kaya niya ko hinahanap? Natutuwa na naman tuloy ako.

"Oo nga pala yung quiz ko?"

Tumawa si Chelsea bago iabot sakin yung papel ko. Tinakpan ko muna at dahan-dahan kong titingnan yung score ko baka kasi mahimatay ako sa taas ng numero.

"Haha parang tanga 'to, tingnan mo na," ani Chelsea.

"Teka excited?" Sagot ko.

Pagkakita ko ng score ko uminit talaga yung tenga ko papunta sa mukha ko, malamang namumula ko sa hiya, jusko! Five?
Tinupi ko na agad dahil nakakabadtrip yung result.

"Tawa ka na naman, baliw ka," si chelsea kasi nababaliw na naman imbis na palakisin loob ko, inaatake na naman siya ng kaaningan.

Nang matapos ibigay ni sir yung mga papel, nagpunta na siya sa table niya.

"Guys natutuwa ako dahil maraming nakapasa sa inyo. Nakakadisappoint nga lang yung mga bagsak na sobrang baba ng nakuha," saad ni sir.

"Aray ko! tumingin talaga sa'kin si sir nung sinabi niyang mga bagsak."
As usual tinawanan lang ako ni chelsea.

"So hahayaan ko muna kayong mag-review. Mag self study, ok ba yun? Yung mga matataas paki tulungan niyo yung mga bagsak okay?"

Dinidiin talaga ni sir yung word na bagsak at sibrang sakit sa kalooban a,
"Ilan ka ba?" tanong ko kay Chelsea.

"Isa," sabay tawa.

"Haha funny" sagot ko.

"Perfect ako" aniya. Kaya kinuha ko yung papel niya sa desk niya at aba! Halimaw nga! perfect nga si bruha,
"Dapat nag accountancy ka na lang,"

"Ayoko nun, tara turuan na kita."

Lumalim na lang ang hinga ko dahil ang boring, ayaw ko nang ganitong turuan portion.

Pero nakakahiya talaga yung score ko.
Ganito, Ganyan, Dapat ganito, Dapat ganyan, May ganito, May ganyan, ang sakit sa utak nang pinagsasabi ni chelsea.

"Kuha mo ba?" tanong niya.

"Hinde e," ngumiti ako.

"Ay, Aatakihin ako sa'yo, diyan ka nga muna at bibili lang ako ng inumin."

"Teka, sama ako,"

"Wag na, nakatingin si sir, baka mapagalitan tayo," tumingin ako sa harap. Hindi naman at mukhang busy nga sa paglalaptop. "ibibili na lang kita, ililibre kita dahil perfect ako." ang yabang nito ni chelsea.

"Sige pabor, bilisan mo a,"

"Oo magreview ka diyan," at tuluyan na siyang nakalabas.

Nag-review reviewhan na lang ako. Walang magawa at boring talaga.

Napansin ko na lang tumayo si prince charming at umalis sa table niya. Nakipagkwentuhan na naman sa mga matatalino sa harap, akalain mo may mga utak pala yung mga maaarteng yan.

Sila kasi yung palaging nagrerecite tsaka nagsosolve sa harap ng problem pero, wapakels matalino naman ako sa history nu.

Binura ko na lang sa isip ko yung paligid ko at kinuha ko yung headset ko, nag-music at tumutok sa libro.

Ang tagal ni chelsea, malamang cokefloat na naman binili niya.

Maya-maya may naaninag akong umupo sa bakanteng upuan na nasa kaliwa ko.
Lang hiya ang bango a, yung mga sit-in siguro 'to. Tumingin ako, slow motion pa yung pagkakalingon ko.

Nanlaki mata ko! Si sir?

"Sir!" medyo malakas pagkakasabi ko.

"Paupo muna a, malamig kasi dito," halata nga ang ganda nang pagkakaupo niya at malapit na siyang humiga. Tumawa na lang ako at bumalik kay libro.

"Naiintindihan mo ba yan Miss Stephanie?" narinig ko yun a, kaloka.

Lumingon ako sa kanya, ngumiti at,
"Medyo po," alangan namang sabihin kong hindi diba?

"Ako rin kasi meron akong di maintindihan e," aniya.

"Hindi mo maintindihan sir?" anong sinasabi nito ni sir.

Diretso parin yung tingin niya sa harap at tumango siya.
"Oo kung bakit lagi kit... isip" tapos tumingin siya sakin.

"Po? hindi ko narinig!" tinanggal ko yung isa kong headset.

"A wala. Sige magreview ka na diyan," sabay pagtayo niya at alis, nagmamadali rin siyang lumabas ng room.

Ang weird ni sir, may problema ba yun?

"Uy eto na cokefloat mo," si chelsea pala.

"Salamat," at pag ngiti ko.

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon