"Steph? Bakit nandito ka pa?"Steph's POV
'Di ko talaga alam kung didiretso na ba ako sa mga ka-grupo ko o babalik ako sa faculty. Ang ending dinala ako ng paa ko sa office. Wala lang. Parang wala akong malay na tumuloy dito. Siguro dahil sa sakit 'to. Masakit pa rin ng kaunti e. Naalala ko tuloy 'yung nangyari kanina. Nakakahiya talaga! Ang lapit! Sobrang lapit ng mukha niya! Muntikan na! Kung may langaw lang na dumapo sa ulo ko nun, matutulak na siguro ako papalapit sa labi niya. Hay.
Nakatitig ako sa kawalan nang marinig ko yung boses ni sir, "Steph? Bakit nandito ka pa?"
"Ginulat mo naman po ako sir," medyo tumahimik ata. Nakatitig lang ba siya sa akin? O talagang nag pause ang paligid? "A, Alis na po ba ako?" tumayo na lang ako agad. "Huh? Hindi," ang bilis nang sagot ni sir. Nakahawak pa siya sa balikat ko. Nakakakilig, nahiya rin talaga ako bigla, nakuryente ako grabe.
"Ayos na ba pakiramdam mo?"
"Opo," napatingin ako sa balikat ko na hawak niya. "Uupo na po ako ulit sir?" lakas ng loob lang na sabi ko. Natawa siya ng bahagya sabay tanggal niya ng kamay niya. Tinuro niya yung upuan kaya umupo na ako.
"Sigurado ka bang tutulungan mo 'ko? Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni sir habang tinutuloy na niya yung pag che-check sa papel.
"Opo, don't worry sir," sagot ko with "okay" sign pa. Nag smile siya sabay tingin niya sa relos niya. Malapit na pala mag alas dos."Maaga aga pa naman," umupo siya saglit sa lamesa niya tapos nag inat. "Kuwento ka naman tungkol sa buhay mo steph," sabi ni sir na nag iwan sa bibig kong nganga.
Nabobored siguro si sir, teka naghihintay siya sasabihin ko pero wala naman akong masabi. Teka saan ba 'ko magsisimula?"Kahit Ano," aniya.
"A sige po. 'Yung tatay ko po guro rin...." Tuloy tuloy na yung pag sasalita ko. naging kumportable ako sa pagke-kuwento. Parang matagal na kaming magkakilala. Nakita ko naman na may ganang makinig si Sir. Wala siyang palya sa pag kokomento sa bawat topic na napupuntahan namin, hanggang sa,
Napatingin siya sa orasan niya. "Kainis, ang bilis naman ng oras," may klase pala siya. Parang ayaw na magturo ni sir sa itsura niya.
"Alis ka na po ba sir?" ano ba naman yung tanong ko? syempre aalis na siya. Tanga mo talaga steph.
Tumango naman si sir sabay hawak sa balikat ko.
"Sige steph, alis na muna ko? Alis na muna ko ha? Ha? Ha?" ang kulit lang ni sir, paulit ulit siya tapos over sa pagpapaalam?
"Opo, opo, opo," sabay tawa ko na ikina-tawa niya rin. Nakakatuwa, parang ang tagal na maming magkakilala. Pero ayun, hassle dahil kailangan na niyang umalis.
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
RomanceHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?