w7 Kindness

7.9K 152 4
                                    

"A stephanie pala ang pangalan mo at ang dami mo na palang absent, tsk..tsk"

Tumingin sa'kin lahat ng classmate namin. Nag-seryoso na si chelsea at ako naman bittersweet ang ngiti.

"Ma-tex nga yung magulang mo," napanganga ko sa sinabi ni sir kaya,

"Sir wag, please," napatayo na ko sa upuan ko, tapos si sir napahagikgik lang sa reaksyon ko. Natawa na rin yung mga classmates ko pati yung mga katabi ko, sino pa nga ba?

"O sige hindi na basta wag nang a-absent ok?" ani sir.

"Opo sir, promise po" napaupo na ko, at napa-buntonghininga.

"O ligtas ka na," natatawa pang sabi ni bestfriend.

Inisnaban ko na lang siya. Nahulog na ang puso ko, kaluluwa ko. Akala ko mabubuking na ko nila mama.

Pagkatapos nun katulad ng dati, discussion na naman at as usual ang hirap pa rin talaga ng subject na ito. Bakit kasi na imbento pa yang mga law of motion na yan? si Newton naman kasi e.

"Parang tinitingnan ka ni sir," sabi sa'kin ni chels. Napansin ko nga din yun. Dati ni buhok namin di niya inaaninag ngunit ngayon parang gusto niyang makipagtitigan at naiilang na talaga ako, promise.

"Kasi nga nalaman niyang madami akong absent," sagot ko kay chels.

"Crush ka siguro ni sir, " yung sit-in na naman na nakisali.

"Ha? sus hindi nu, baka pinagtitripan lang ako niyan ni sir," Iyon naman talaga naiisip ko kaya nga umiiwas na lang ako ng tingin. Mamaya mapagtripan niya 'kong mag recite at maiyak pa ko diyaan sa harapan.

"Naku, chance mo na to." ani chels, baliw talaga.

"Ano ba kayo, iba ang pinagtitripan sa crush. H'wag nga kayong asyumera"

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon