w33 Friends

3.9K 96 9
                                    

CHELSEA's POV

Pitong araw na nakalipas, chapter three pa rin kami. Nakakaloko talaga 'tong si sir brian e, pinapahirapan kami talaga palagi sa thesis namin. Mali raw' yung ganito 'yung ganyan. Tanggalin' yung ganito yung ganyan. Halatang halata na kami yung pinag-iinitan kasi kapag may kasabay kami palaging ayos lang iyong gawa nila pero, kapag kami? Pasalamat siya wala ako sa mood magtaray nung mga nakaraang araw. Puro irap lang nagagawa ko.

Buti pa si Stephanie, patapos na yata sila. Ang saya pa niya kasi ang daming nangyayari sa love life niya which is good! Inspired ang bruhilda.

Well, balik sa reyalidad ng buhay naming pinagkaitan ng swerte dahil yata sa mga siraulong kasama ko na nag aaway away pa yata sa ambagan na nagaganap sa thesis namin. "Oy! Parang tanga? Piso lang pinagtatalunan niyo?" nagpapa print kasi kami ulit ngayon.
"O ayan na piso mo!" sabi ni Rizza kay Aiza.

"Tara na!" pag anyaya ko sa kanila. Papakita ulit namin 'to kay Sir Brian.

Pagkarating namin sa faculty kung nasaan siya may nakasabay pa kaming mapapa check din at "Sige, okay na 'yan." parang hindi niya man lang ata nabasa. Nagkakatinginan na rin yung mga kasama ko na pawang nahihiwagaan na. Naiinis ako pero nalulungkot at napapagod na ko.

Nakita kong napansin niya na kami bago pa kami lumapit. Pinauna ko na sila, sila na rin iyong pinaghawak ko nung mga papel. Kahit ganyan yung mga kasama ko naaawa na ako sa kanila. Pabalik balik kami, gastos dito gastos dun. Hindi naman mga imortal yung mga iyan para di mapagod. Nadadamay pa sila sa issue namin.

Tama na siguro yung inis at galit kung hindi lang ako yung nahihirapan. Lumayo ako. Umupo ako sa upuan na malapit sa pintuan ng faculty. Hindi na ko tumingin pa sa kanila. Siguro napansin na rin nila na ako yung dahilan kung bakit di kami umuusad sa ginagawa namin. Nakaka guilty na rin talaga.

Yung mga mata ko nakatitig lang sa isang lamesa sa faculty. Yung tenga ko kulang na lang humaba dahil sa gustong makarinig ng magandang balita. Hay naku! Chelsea! Wag ka nang umasa na tatanggapin niya yan. Masasaktan ka lang. Mapapagod ka lang. Mas masakit pa yata 'to sa pagiging broken hearted.





BRIAN's POV

Maganda yung araw ko ngayon dahil sinagot ako nung isa kong nililigawan na propesor na malayo layo naman dito sa pinagtatrabahuhan namin. Mahirap na baka mabuko kapag diyan diyan lang sa tabi. Jackpot kasi ang ganda! Kinahuhumalingan talaga yun nung mga katrabaho niya at malas nila ako ang nanalo.

Halos lahat nang nag-patingin sa akin ng thesis ngayon nakaalpas pero, ayan na sila. Ayan na siya. Dumating na yung kinaiinisan kong estudyante. Sa tanang buhay ko sa pag tuturo ngayon lang ako nagkaroon ng ganyang mag-aaral na hindi pa man nagsisimula ang klase gusto ko nang ibagsak dahil sa pagka pakialamera at pagkabastos.

Pag kaalis nung isang grupo naobserbahan ko na agad yung kakaibang kilos niya. Nagpapaawa ba siya? Ibinigay niya yung mga papel sa kasamahan niya at umupo siya dun sa upuang malayo sa amin. Ni hindi na tumitingin sa amin dito. Nag iba yata ang ihip ng hangin at hindi na nanlilisik yung mata niya. Bagay pala sa kanya na kalmado siya, yung hindi naka-busangot yung mukha niya. Mukha siyang anghel. "A, excuse me po sir?" napalingon ako sa nagsalitang lalake na nasa tabi ko na kasamahan niya. Hala ka! Natulala ako sa babaeng yan? Napansin na pala ko ng mga kagrupo niya at anong nasa isip ko? Mukha siyang anghel? Hahaha! Minsan patawa talaga ako.

"Sir, maawa naman po kayo sa'min." nagsalita yung may hawak ng papel sa kanila na totomboy tomboy. Kinuha ko yung dala nila at isa isang binuklat. Mga nagmamakaawa yung itsura. Yung si chelsea naman ganun pa rin ang posisyon, ni hindi na yata gumagalaw sa kinauupuan niya.

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon