w49 It's the end

4.1K 60 21
                                    

STEPHANIE's POV

"Bilis ng araw nu?" basag ko sa katahimikan namin ni Chelsea. Ano ba! Bakit ang tahimik? Diba dapat nagsasaya kami dahil nakapagtapos na kami. Hindi umiimik yung katabi ko sa higaan ko. Kanina pa kami ganito simula nung dumating siya kaninang alas nuebe ng umaga.

Natapos na. Nagtapos na rin ung paghihirap namin sa thesis, sa paggawa ng assignments and projects, sa pag-akyat at pagbaba sa building ng school at sa pakikinig sa lecture ng mga professor. Sige Stephanie tingnan natin yung mga magagandang bagay na nangyari. "Ang lungkot nung graduation nu?" hay sa wakas nagsalita rin siya, akala ko maghapon na lang siyang titig sa kisame e. Tama siya malungkot.

Nakaupo na kami alphabetically sa kanya kanya naming upuan at isa isa na ring tinatawag sa taas ng stage yung mga kapwa ko estudyante.

Kitang kita ko siya mula rito. Alam mo yung pinipilit mo yung sarili mo na magmukhang ayos lang, pinipilit mo yung sarili mong hindi lumingon sa kanya pero yung peripheral vision mo sobrang linaw na kahit simpleng galaw lang niya pansin na pansin. Umaasa ka pa rin Stephanie at nakakinis na saglit lang kaming nagkasama pero ganito ako ka apektado na ang tagal mawala nung feelings ko para sa kanya na kahit alam kong may mali siyang nagawa sa'kin, ramdam ko pa rin, nandito pa rin siya. Dapat magalit ako ng todo dahil alam ko naman na nagamit ako, na siguro gusto niya lang maging masaya, na gusto niya lang makadama siguro ng atensiyon na matagal niyang hindi naramdaman kay Bianca, na sa madaling salita ay naging rebound ako nung mga oras na yun. Malungkot lang siguro siya nun tapos kinailangan niya ng taong magpapasaya sa kanya, at pansamantalang naging ako yun.

"Ate, ikaw po si Stephanie diba?" tanong sa'kin nitong katabi kong babae. Tinuro niya yung stage at,"Ay ako na pala!" patakbo tuloy akong umakyat. Binagalan ko na at naglakad na lang ako ng normal nung nasa itaas na ako para makipagkamay sa Dean at ibang professor na nandun.

Pababa na ako sa hagdan nang mapalingon ako sa kanya, halos mapatigil ako sa reaksiyon niya at para bang gusto kong lapitan siya. Bakit nginitian niya ko ng ganun? Bakit parang malungkot na ngiti. Para bang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi. Pero,

Tama na steph. Tama na.

Nakwento ko yung nangyari noong mga oras na yun kay Chelsea at sinabi niya sakin na tigilan ko na yung ilusyon ko at yung pag justify nung mga maling nagawa sa'kin ni ken. Kahit madaling madali na siya nun para umalis dahil tinatawag na siya ng magulang niya ay napagsabihan niya pa rin ako, iba talaga siya.

Kanya kanya kaming alis after nung graduation. Kanya kanyang lakad.

Nagpunta lang naman kami ng mall para kumain at doon mag celebrate. Pinilit kong ngumiti nung araw na yun para maipakita naman kila mama na masaya ako. Ayokong magdrama. Ang saya nila nung araw na yun para sa'kin, para sa mga mangyayari sa buhay ko sa mga susunod na araw at sa pag alis ko.

"Paano nga raw pala yung lisensiya mo steph?" tanong sa'kin ni Chelsea. Sinabi ko sa kanya na habang nag wowork ako dun ay mag aaral ako at pag handa na, tsaka ako babalik saglit ng pinas para makapag exam. Although hindi ko naman din na kailangan dahil makakapagturo na ako agad dun, gusto ko pa rin maging Registered teacher dito sa pinas. Iba pa rin kasi kapag may lisensiya.

"Alam mo ba? Ay! Wala." Tiningnan ko ng masama si Chelsea kasi di niya tinuloy yung sinabi niya.

"Ano nga? Yung mga ganyanan mo talaga," sagot ko.

Ngintian niya lang ako "Masaya 'ko para sa'yo best friend," nalungkot naman ako. Nagyakapan na kami. Hindi ako sweet na kaibigan pero this time 'di ko mapigilan na hagkan si Chelsea. Ang layo ng pupuntahan ko at 'di na naming magagawa yung mga giangawa naming madalas na tawanan, gala, kalokohan. Hindi na rin kami makakapagusap ng oras oras dahil siguradong magiging busy na ako at siya rin. Bakit ganun? yung mga pinangarap nating matapos na, paminsan pag andun na ikina-lulungkot pa rin natin. Ang weird talaga ng buhay.






Makalipas ang dalawang araw..

"Mag ingat ka dun ah," malungkot na tono ni Chelsea. "Tawagan mo 'ko pag 'di ka busy tapos size 6 lang yung paa 'ko" aniya. Natawa ako, kahit kalian talaga siya. "Hayup," yun lang nasagot ko. Ayaw kong magsalita kasi ganito pala kapag nasa harap ka na ng entrance ng NAIA at ibinababa na nila yung maleta ko.

"Tara na,"aya sa akin ng tita ko. 

Ito na 'to. SIguro ito na yung time para mahalin ko ulit yung sarili ko. Ito na yung time para magsimula ulit at kalimutan yung masasakit na nangyari.

Agad kong isinend sa kanya yung message ko. Thank you sa lahat. Salamat sa magagandang ala-ala, Mag-ingat ka palagi.

Walang hinanakit. Sana maging masaya sila. Maging masaya siya. Yun na lang yung hiling ko.





CHELSEA's POV

Naiiyak ako pero, pinipigilan ko dahil mahirap na, baka maglupasay ako dito. Makuhanan pa ko ng video ko. Pero ang totoo talaga ayaw ko rin malungkot lalo yung bruha dahil kitang kita ko sa mata niya na mangiyak ngiyak na siya nung nasa van palang kami.

Hinintay na lang naming silang makapasok at ayun na. Nag aya na yung tatay ni steph na umuwi. Pagkasakay na pagkasakay sa sasakyan cellphone agad para maimesssage ko siya,

Nakaalis na siya Chelsea? Natanggap kong message galing kay sir brian. Pang ilang tanong niya na ba to? 2days ago ko pa siya minessage about dun para maiparating niya kay sir ken at maiparamdam sana na AYUN NA YUNG BABAENG SINAYANG NIYA at pinaglaruan niya. Sa sobrang inis ko sa kanila kaya nagawa ko yun.

Alam mo sir? Nagkamali talaga ko na sinabi ko pa sa'yo yung pag alis ni Stephanie e, Ang kulit mo! Reply ko.

Hindi ka nagkamali. Tamang tama yung ginawa mo. Naweirdohan ako sa sagot niya pero 'di ko na pinansin. Hindi na rin ako sumagot dahil baka masopla ko pa kapag inatake ako ng topak ko.





BRIAN's POV

Nandito kami sa isang bar sa taguig,

"Ano pre? Iiyak ka na lang diyan?" mas pinili niyang uminom kaysa puntahan yung dapat puntahan. Pinalipas niya yung dalawang araw tsk tsk,

"Pare si bianca lang yun, bakit kasi natatakot ka sa kanya?" tanong ko. Wala e, para kong nakikipag usap sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya pero, ang alam ko at nakikita ko ay minalas na naman talaga yung kaibigan ko. Sabagay, sa tagal tagal niya ring nananahimik ay baka mayroon akong hindi naiintindihan. Baka mahirap nga talaga.. baka nga hindi ganoon kadali.

Hindi talaga biro ang magmahal.

Hindi nga naman pelikula yung buhay nila na hahabol at maayos na ang lahat, dahil sa realidad hindi ganun. Walang ganun. Hindi mo mape-predict yung kasunod na mangyayari at hindi mo alam kung magiging tama ba yung gagawin mo. Kung may masasaktan ka ba o mapapasaya sa mga susunod na kilos mo. Hindi naman kasi palaging aayon ang mundo sa gusto mong mangyari.

Napaisip tuloy ako. Kahit mahal niyo pala ang isa't isa, kapag nakielam yung mundo at pinaghiwalay kayo tatablan at tatablan pa rin kayo. Totoo rin siguro yung kasabihan na "Hindi lahat ng oras dapat lumaban. dapat alam mo rin kung kailan ka susuko," at "Hindi lahat ng pakiramdam mong tama ay tama."

Guro siya, Estudyante niya si Stephanie.

Malinaw at hanggang doon na lang siguro.


My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon