Stephanie's POV
"Sir, hindi nga?" Nginitian niya lang ako. kumakabog na yung dibdib ko habang umaakyat kami.
Ang ganda ng hagdanan, may mga vases sa bawat baitang at modern na modern ang itsura dahil sa salitan na black and white na kulay.Pagkarating namin sa taas may pawang sala pa na may sofa rin at center table at sa kaliwa at kanan na hallway ay may tig dalawang kuwarto. Nakikita ko na rin yung terrace na sinasabi ni sir at grabe nakikita kong madaming halaman dahil salamin yung pintuan papunta dun.
Hindi kami tumuloy sa terrace dahil papunta kami sa kanang kuwarto ngayon, hindi ko nga lang alam kung saan sa dalawang pinto. Tumigil ako sa paglalakad at napabitaw din siya sa baiwang ko. "Sir, hindi nga?" sabi ko habang paharap siya sa'kin. "Oo nga." seryoso niyang sagot. Ano raw?
"Anong?" malulukot na yung mukha ko sa sinabi niya.
Ngumiti siya tapos diretso siyang nakatingin sa'kin. Parang hinagod niya ng tingin yung buong katawan ko. "Gagawa tayo ng baby." Pagkasabi niya nun muntikan na akong tumakbo kung hindi lang siya tumawa.
"Makukutusan na kita sir," ang sama ng tingin ko sa kanya.
"Sisigaw talaga 'ko," dagdag ko pa. Tumigil na siya sa pagtawa.
"Ito naman hindi mabiro." sabay akbay sa'kin. Iniisnab isnab ko lang siya. Jusko, bata pa ko at marami pa kong pangarap sa buhay nu,"Tara na?" aya niya sa'kin. Pinauna niya akong pumasok sa kuwarto niya. Madilim hindi ko masyadong makita yung paligid ang alam ko ala singko pa lang a,
"I can't give you the stars nor the moon but, i can show you and let you look at it whenever you want," napalingon ako sa kanya na nasa pintuan pa rin at hawak yung doorknob. Ngumiti siya sa'kin, ang sarap sa pakiramdam. Mahal ko na talaga siya,
Lumiwanag bigla at hindi ordinaryo. Yung kisame o parang walang kisame pero maaga pa e. Parang totoo, gusto kong hawakan kung totoo. Parang sa mall, yung mga bituin at yung buwan. "Ang ganda," sabi ko sa kanya habang papalapit siya sa akin. Nakatayo lang siya at halatang sa akin nakapako yung tingin niya.
"Thank you," sambit ko nang hindi lumilingon sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya kailangan gawin ito para sa akin. Kailan ba niya lilinawin? Pero masaya ako. Masaya kahit malabo.
Nakita ko na yung buong kuwarto niya. May computer sa study table at malaking kama na may makapal na kutson. May closet at may nakasabit na gitara sa may dingding. Malinis at walang mga nakakakalat na gamit o anumang damit na nakahambalang hindi katulad nung kapatid kong lalake na burara. Kaya pala hindi gaanong pumapasok yung liwanag dahil sa makapal rin na kurtina at kulay itim pa 'to.
Nagpaalam ako kung pwedeng umupo sa kama niya at pumayag siya. Grabe ang lambot. Ang sarap sigurong matulog dito. Nasa paahan ako nakapwesto banda nito at nakatingala nang maramdaman kong umupo rin siya sa kama katabi ko.
Narinig ko yung malalim na buntong hininga ni sir at, "May tanong ako, ano yung pinaka romantic na nagawa para sa'yo ng boyfriend mo?" nawindang ako sa tanong niya. Dahan dahan niyang sinabi pero,
"Wala po. Wala akong boyfriend since birth," Ang bilis kong nasabi yun kaya napatakip ako sa bibig ko. Ang daldal ko talaga kainis."Seriously," aniya. Lumingon na ako sa kanya dahil sumasakit na rin yung leeg ko sa pagkakatingala at tinanguan ko na lang siya bilang tugon ko.
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
RomanceHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?