Chelsea's POV
Kanina pa kami ditong tanghali sa canteen gumagawa ng thesis. Ilang pagmumukha na ba ng mga estudyante yung nakita ko? Inabot na kami ng alas k'watro, nangangalumata na yata ako pero at least natapos namin yung questionnaire at makikita na naman namin yung ugok na yun. Kailangan sapian ako ng anghel para hindi ko siya masungitan.
Si rizza na yung inutusan kong mag-text kay sir brian dahil sa huling usapan namin nung baliw na yun. Pabor naman ako nu, anong akala niya?
Pagkatanggap namin ng reply niya nag decide agad kaming puntahan siya."May hindi ba kayo sinasabi sa amin hmm?" biro ni rachelle sa amin ni aiza habang naglalakad kami papunta nga doon sa Building A kung nasaan si Sir Brian.
"Si sir," tinakpan ko yung bibig ni aiza. Ang daldal. E paano ba naman, puro pangaasar yung lumalabas sa bibig nitong tomboy na 'to. Anong akala niya? Kinikilig ako sa mga pinapakita nung brian na yun? Echusera."Wala yun chelle, si sir brian kasi na wrong send sa'kin tapos itong si aiza masyadong advance yung utak." paliwanag ko kay rachelle.
"Talaga? Sana ma wrong send din sa'kin si sir." aniya. Hindi na ako nagtaka, madaming nagkakagusto doon sa panget na yun.
"Naku, hindi mo gugustuhin chelle," agad agad kong sagot. Nagtanong pa siya pero nginitian ko lang. Si gayuma boy e.Ang tagal din niyang on and off sa pagpasok dahil inaatake raw siya madalas ng hika. Nahihiya nga raw siya kasi wala raw siyang naiambag masyado sa thesis. Nakakatulong naman siya nuon sa pag rereresearch at nakasama na rin namin siya mag pa check kay sir pero bilang lang. Ang sabi ko sa kanya Walang problema. Tama na yung may normal akong kasama sa grupong 'to natawa naman siya.
Pagdating namin sa room 202 saktong lumabas na yung estudyante niya. Nauna si rachelle at sinundan ko at nasa likod naman sila aiza. Nandun pa rin si sir naka-headset at pa cellphone-cellphone.
"Sir," napalakas ba yung tawag ko? Halatang nagulat e. Tinanggal niya yung nasa tainga niya at ano 'to? Hindi talaga ako titingnan?
"Hi sir," lumapit agad si rachelle kay sir dahil siya yung may hawak nung mga ginawa namin.
"Hello," aniya. Ano 'to? Bakit may smile? Bakit 'pag ako ang lumalapit wala, I mean si aiza na madalas na inuutusan kong mag pacheck bakit hindi siya ganyan?
"Diba ikaw yung nag submit sa akin ng excuse letter nung isang araw? Are you okay now? Hindi ka na ba inaatake ng asthma?" napatalikod talaga ako pero, hindi ako umaalis sa pwesto ko na siguro anim na metro rin ang layo sa kanila. Bakit may tanong na ganyan? Bakit masyado yata siyang concern? Nagkrus talaga yung magkabilang kamay at braso ko.
"Hindi na po sir, okay na po ako." grabe siya! Kailangan talagang magpabebe rachelle?
"Good. And you look beautiful by the way," ano? Anong maganda? Saan? Napalingon na talaga ako.
"Nagmamadali po kami. Pagod kami at gusto na naming umuwi," medyo mataray yung pagkakasabi ko. Alam kong sobrang taas ng kilay ko ngayon na feeling ko aabot sa pluto.Napatingin silang lahat sa akin. "I think, hindi naman nagmamadali si rachelle, right?" tinanong niya talaga si chelle at todo ngiti naman itong babaitang 'to. Tahimik lang yung iba naming kasama at palingon lingon lang sa kung sino'ng nagsasalita.
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
RomansaHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?