w27 The Lucky Charm

5.8K 141 10
                                    

STEPHANIE

Hindi ko nagawang i-tex si sir ken dahil mamaya kasi mapahiya pa ako at baka tanungin niya pa ako ng Bakit? Wala pa ako'ng masagot. Na touch lang naman ako kaya parang gusto ko na mag reply pero, o sige oo na gusto ko lang talaga siyang ma itex.

Dibale masaya ako kasi natapos na ang nakakapagod na linggo. Nakuha ko na lahat ng requirements at nakapag-apply na ako ng passport at baka next week okay na yun. Buti na lang at si ate jacq ang tumatrabaho sa thesis namin.

Ngayon, monday na naman at research ulit. Hinihintay namin si ate  jacq, ang tagal niya a bakit kaya?
"Baka wala siyang nagawa kaya nahiya siyang pumasok" ani Alyn.

"Magkaklase kami ni Ate Jacq sa isang subject ang sabi niya mayroon na raw siyang gawa e," tugon naman ni Ericka.

Hanggang sa mapatingin kami sa pinto. Dumating na siya, hulas na hulas at napayuko sa sobrang pagod si Ate Jacq.

May dala siyang folder at lumapit ka agad sila Lenard at Rafael para tulungan sa bitbit niya.

"Nagpaprint ako e" aniya.

"Hala akala ko ba may printer kayo?" tanong ko.

"Naubusan kami ng ink," hinihingal pang sabi niya.

Nakakaawa naman si Ate Jacq. Iniabot niya sa amin yung folder at nakita ko na yung chapter one ngunit nagulat kami dahil may chapter two na!

"Hala ate ang galing mo!" nasabi ko.
Tinuro niya yung folder at si Sir Brian na abalang abala sa pag-tetex.

"Ipa-check?" tanong ko. Tumingin pa ako sa ibang ka-grupo ko kung sinong may gusto pero nginitian lang nila ako.

"Ako lang? Alyn samahan mo 'ko" halatang napilitan at ngumuso pa.

Pagkalapit namin, naunahan kami ng isang grupo, sila Chelsea pala at siya mismo yung lumalapit kay Sir para mag-pacheck.

"Sir" maamong pag-kakasabi niya.

"Yes?" Ni hindi man lang siya tinitingnan nito.

"Ayos na po ba yung Title namin?" Ano raw? Title pa rin sila? Sabi sa akin ni Chelsea Chapter One na sila a.

"Make it more specific," tugon ni Sir.

"Ano ba yan!" napatakip ng bibig si Chelsea na para ba'ng nabigla rin siya na napalakas yung sinabi niya.

Dahan-Dahang sumulyap si Sir Brian sa kanya at napatingin rin siya sa akin.

Bumuntong-hininga muna siya. "Go back to your previous title, okay na yun" aba kalmado si Sir.

Unti-unti naman ngumiti si Bruha. "Do you mean po, ipagpatuloy na namin yung nagawa naming una?" aniya.

"Oo nga," medyo may pag-ka inis yung tono ni Sir.

Pagkatalikod ni Chelsea. "Hay salamat jus ko may puso rin pala siya!" ang lakas ng boses ni bruha. Pakiramdam ko naman sinadya niyang lakasan kaya't tiningnan tuloy siya ng masama ni Sir.

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon