w18 Last Sweet Moments

6.6K 145 10
                                    

Lunes na at last meeting na namin ito sa physics. Halo-halo yung nararamdaman ko, natutuwa kasi natapos na rin sa wakas pero, nalulungkot dahil 'di ko na siya makikita.

Naglalakad ako ngayon papasok sa gate nang may pumasok na sasakyan. Kulay pula, pick-up ata ang tawag dito. Ang ganda ang kintab,

Pumasok siya sa parking lot ng Building A. Tanaw ko pa rin naman yung kotse kaya binagalan ko pa yung lakad ko para makita kung sinong may-ari dahil malay ko ba, baka classmate ko.

Nagulat ako si Sir Ken, Naglakad na ako ng mabilis kasi ayoko siyang makasabay, nahihiya ako. Nakita ko papunta na rin siya sa ground floor, nagdalawang isip pa ako kung mag eelevator o hagdan.
Narinig ko na yung mga bati sa kanya ng mga estudyante.

Sige maghahagdan na lang ako. Sinilip ko pa siya bago ako tuluyang makaakyat kasi pag naghagdan siya kakaripas ako ng takbo pero, mukhang mag eelevator siya at parang makikisingit.

Umakyat na ko at 3rd floor pa kami.

Para kong tanga. Ewan ko ba, bakit ba ako umiiwas? Kasi naman sobrang nahihiya ako e. Ayos na yung malayo wag na siya lalapit baka mahulog na naman ako, hindi naman niya ako masasalo.

Hingal na hingal na ako, pawis na pawis. Pag kinwento ko to kay chelsea sigurado pagtatawanan ako nun.

Nasa 3rd floor na ko sa hallway papuntang room, bumukas yung elevator pero di ko pinansin. Sigurado naman ako nauna na yun si sir.

"Naks, wala na siyang mantsa sa likod," boses sa likod ko. Hala ka!

Lumingon ako "si.. sir hehe" nagulat ako! Ayan na naman, heart attack,

Magkasabay na kami ngayon sa paglakad pero may espasyo.

"Miss stephanie, galingan mo sa quiz a,"

"Opo sir, salamat po." naguusap kami na hindi tumitingin sa isat isa.

"Mamimis kita," ano raw? Namimiss niya ko? hindi ako nakapagsalita, parang namula yung buong balat ko, napalunok ako pero, patuloy kami sa paglakad.

Magkahiwalay kaming pumasok sa room, sa likod na pinto ako at duon naman siya sa harap

Pagkapasok pa lang ni sir ay nagsasalita na siya."i'll give you time to review,"' ako naman diretso upo.

Wala pa si chelsea at yung classmates namin na katabi namin ni chelsea ay ang ingay ingay.

"Uy alam mo ba expelled daw yung syota ni Sir rey tapos si sir tanggal na." sabi ni full bangs. Syota ni sir rey ieexpellel?

"Talaga? Buti nga sa kanya, pumapatol kasi siya sa teacher. Paano nahuli?" si side bangs. Estudyante yung syota ni sir?

"Nahuli raw sila na naghahalikan sa faculty tapos ayun, inispyan pala ng ex nung girlalu, vinideohan at sinuplong sa kinauukulan."

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon