w17 The Reason Behind

6.3K 111 2
                                    

Sunday:

Kakatapos lang namin magsimba. Pagkatapos ng dalawang buwan ngayon lang ulit. Ako nga lang namilit sa kanila sa sobrang katamaran at pagod na rin siguro kaya ngayon lang. Kumpleto kami nila nanay kaya masaya.

Grabe ang daming tao. May mga kuntodo make-up mga hindi naman nakikinig sa homily puro at pagpapacute sa mga lalake lang. Mabuti na lang hindi ako gano'n. Nagdasal ako ng sincere na sincere.

Nagpaalam na rin ako kila Nanay. Magkikita kasi kami ni chelsea sa school at duon niya ako susunduin. Magrereview kasi kami sa bahay nila, at ito yung unang beses kong makakapunta sa kanila. Sobrang layo nga kasi namin sa kanila, kaya ayun. Binigyan naman ako ni Tatay ng 150 baon daw tapos humingi pa ng pasalubong yung dalawa kong utol, malamang may mabili ako nito. Mga baliw lang.

Bumiyahe na ako. Sakay na naman ng jeep at pumwesto na naman ako sa dulo, sa likod. Favorite ko kasi dito umupo pero, pag masikip na, no choice. Sa ngayon maluwag e hehe. Nagbayad na rin ako kaagad ng pamasahe dahil makakalimutin kasi ako baka makapag 123 pa ko ng di oras.

Maya maya may dalawang mag syota na sumakay. Bagay sila ang gwapo nung lalake ang ganda naman nung babae.

Umupo sila sa kabilang upuan kaharap ko. Hindi ko maiwasang tingnan dahil super holding hands sila, kaya di ko tuloy maiwasang mainggit at mag-alala kasi 20 years old na ako pero hindi pa rin ako nagkakaboyfriend.

May nanligaw naman sa kin dati pero, sige nga sasagutin mo ba yung mukhang di naliligo? tsaka mabaho pa sa imburnal yung bibig e di namatay ako nun. Sabi nga ni kristsuper at nicolehyala, 'magdasal ka para mabuhay ka tsaka magtoothbrush ka para mabuhay naman ang iba.

"Yung mga Dirim University," Naku nandito na pala ako. Pagkababa ko, tinitingnan ko yung harap ng gate kung nandun na si Chelsea, at ang bruha ay wala pa ata.

Nang makalapit ako ay ayun nga na confirm kong wala pa nga.
Nagtex siya at ang sabi niya,
"Steph lapit na ako, medyo traffic lang."

Nagreply naman ako kaagad na nasa harap ako ng gate at tutubuan ako ng ugat pag tumagal pa siya.

Infairness wala pa namang isang minuto nakarating na siya.

"Tara na" aniya, sumakay na kami kaagad ng bus papunta sa kanila. Ang tagal ng biyahe at naubos na ata yung laway ko kakakwento.

"Si sir ken naman pag usapan natin." sabi ni chelsea.

"Hala, parang tanga," sabi ko na nga ba mapaguusapan namin siya. Lagi naman e, kailan ba hindi?

"Oo bakit? Paano kapag nanligaw sa'yo si sir?"

"Parang natanong mo na iyan dati."

"Iba yung dati. Iba yung ngayon. Ano na?"

"Next question." pero nakangiti ako.

"Ang arte mo, naiisip mo ba pag naging kayo ni sir?" ano na naman pinagiisip nito.

"Utak mo talaga,"

"Siguro kapag nasa biyahe kayo, ipapacompute niya sa'yo yung velocity, yung acceleration tapos yung distance tapos pag nag-kiss kayo Law of.. wala hehe" baliw to, pero natawa din ako sa sinabi ni chels dahil pwede yun a. Siguro gano'n siya sa girlfriend niya. Ang sakit sa ilong nun pero, ok lang kung katabi mo naman si sir ken habang nagcocompute.

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon