w37 Home

3.5K 87 13
                                    

Ang laking teddy bear na siguro mga three feet yung taas niya. Kulay brown at ang ganda talaga parang mamahalin. "Kaya mo bang buhatin?" sabi nitong Lalaking may dala.

"Sir, hindi naman po kailangan," sa sobrang hiya ko, hindi ko alam kung kukunin ko ba o, "Gusto mo at gusto ko," hindi na ako nakaimik. Sinubukan ko na siyang buhatin at nakangiti talaga ako habang tinitingnan ko yung kabuuan nito.
"May gusto rin yata siyang itanong," habang natatawa tawa pa siya.

"Ano?"

"Pakiulit daw yung sinabi mo kapag may nagbigay sa'yo ng teddy bear." natawa talaga ako at hindi ako makapagsalita. Niyakap ko na lang yung bear tapos itinago ko duon yung mukha ko.

"Madaya." sabi niya. Wala talaga akong masabi. Sobrang pula ko na ba ngayon?

"Sige na, hindi na raw kailangan ng sagot pero mamaya may sasabihin pa ulit si teddy," parang patampo pa yung boses ni sir.

Tiningnan ko siya habang nakangiti "Thank you, sobra," sa mata ko siya nakatingin ng diretso na nangingiti ngiti pa. Parang gusto ko siyang yakapin.
"Wala 'yun," parang nakiliti ako nung hawiin niya yung buhok ko sa tainga. Grabe, parang kami.

"Alis na tayo?" anyaya niya.
"Uwi na?"
"Hindi pa po, may sasabihin pa si teddy," aniya. Natawa ako kasi para siyang bata. Tama kaya ako o baka pinapasaya niya lang ako. Baka alam niyang gusto ko siya at naawa siya sa'kin at sasabihin niyang tama na yung pagtitig ko sa kanya. Kung ganun, sobra naman yun, big deal? Hindi hindi, baka pinagtitripan nga lang niya ako. Naku naman! Overthinking!

"Ay! Nakalimutan ko, pwede ka bang gabihin?" napatapik siya sa ulo niya. Bakit anong oras na ba at gagabihin kami? Tiningnan ko yung orasan ko. Alas dos pa lang naman.
"Okay lang po siguro sir," alam naman kasi nila mama na thesis yung ginagawa ko kuno.

"Good," sabi niya.
"Tara?" sunod na sinabi niya. Gusto ko sanang magtanong kung saan ba talaga kami pupunta at kung anong gagawin namin duon. Kinakabahan ako a, tumayo na kami sa kinauupuan namin.

"Don't worry," aniya. Hala, halata na ba sa mukha ko yung kaba ko? Hindi ako nagsalita. "Ako nga ang nag aalala e," dagdag pa niya na kinunutan ko lang uli ng kilay.

"Sige na sir, pero hindi mo naman siguro ako papatayin?" patawa kong tanong. Dinaan ko na lang sa biro yung kaba ko.
"Sira," natatawa rin niyang sagot sabay tapik sa noo ko. Tinuloy tuloy ko pa yung biro kong tanong habang naglalakad kami papunta sa parking lot ng mall. Tawang tawa siya sa mga hula kong pabiro. Grabe, ang saya ko na napapasaya ko siya.

Sabi niya sa'kin sobrang kalog ko raw pala at ang sarap ko raw kasama at kausap. Syempre kinilig na naman ako.

Nakita na namin yung sasakyan. Inilagay niya muna sa backseat yung teddy bear na bitbit niya tapos akala ko doon na rin ako uupo pero doon ulit raw ako sa tabi niya umupo. "Excuse ha miss," aniya. "Ay," medyo gulat ko dahil siya na naman yung nagsuot ng seatbelt ko at hinayaan ko na rin siyang gawin yun. Nakalimutan ko rin kasi dahil medyo naging busy ako sa cellphone ko at habang ginagawa niya 'yun grabe yung titig ko sa kanya na hindi ko lang alam kung napansin niya ba. Napaka gentleman niya talaga. Paano mo kaya hindi magugustuhan yung taong ito?

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon