w28 Thes-is it

6K 139 25
                                    

STEPHANIE's POV

After two days, eto na naman kami. Kakatapos lang naming mag-survey sa Elementary School na malapit lang sa amin. Ang aga naming nagkita-kita para matapos lang ito. Thursday ngayon, wala akong pasok, sila ate Jacq at Alyn may pasok kaya't kami lang apat nila Erica ang magkakasama ngayon. Nakakapagod! Nagkasundo-sundo naman kasi kami na asikasuhin agad itong thesis para hindi na sumabay pa sa ibang mahihirap na major subjects namin.

Nasa jeep na kami ngayon, papunta na ng school at hulas na hulas na nga ako e, kuntodo ayos na ng pagmumukha sila erica at ako ay nag-pulbo na lang.

"Anong oras na?" tanong ni Erica.

"Alas dyis," sagot ni Rafael. Maaga pa pala.

"Didiretso na ba tayo kay sir?" tanong ko.

"Syempre!" sabay sabay nilang sagot. Nakakainis naman talaga! Naalala ko na naman 'yung sinabi ni Sir na ako ang mag-co-compute. Hindi pa ako ready at sure na dudugo ang ilong ko pero, dahil wala naman talaga akong magagawa at may parte naman ng utak at puso ko na gusto siyang makita ayan i-ti-nex ko na.

Good Morning po sir, si Stephanie Miel Levasco po ito. Tapos na po kasi kami mag-survey a, pwede po bang mag-pa check? Thank you po. Tex ko kay sir. Sa totoo lang kahapon pa 'yan nakahanda dahil ang tagal kong pinag-isipan 'yan.

Habang nag-hihintay ng tex kinakabahan ako at nagulat tuloy ako ng tumunog ang cellphone ko, Good Morning, anong ipapacheck-up? Puso po ba? Sige po dito lang po ako sa Building B, 302

"Hala!" sambit ko. Natawa at kinilig na naman ako. Si sir talaga palabiro masyado.

°°°

Pagkarating, agad agad na kaming pumunta sa nasabing room ni sir

"Uy a tulungan niyo ko mag-compute," paalala ko sa kanila. Nakangiti lang sila habang tumatango.

Nakabukas ang room 302 at nakita namin na ibat-ibang estudyante ang nandoon, may hrm, nursing at katulad din namin na educ at mukhang nag-the-thesis din sila. Mga nag-papacheck up? haha,

Dumiretso na kami sa pag-pasok at umupo muna sa upuan na malapit sa table ni sir. Hinintay muna naming matapos 'yung mga nauna.

"Ang guwapo talaga ni sir nu?" sabi ni Erica. Tinititigan niyang talaga si sir na mukhang tutunawin niya e. Naalala ko tuloy si Chelsea. Gumagawa rin sila ngayon ng thesis sa bahay naman ng kagrupo nila.

Dahil libre naman tumitig at busy naman si sir, ginaya ko na rin si erica. Grabe talaga! Napaka-swerte naman talaga nang iibigin ng taong 'to. Napabuntong hininga ako at nagulat ako nang bigla siyang napatingin sa akin kaya mabilis kong itinuon sa iba ang mata ko.

"Stephanie?" Nakatingin ako sa ibang estudyante at mababali na nga ata ang leeg ko pero, hindi ako lumilingon. Boses ba 'yun ni sir? Hallucination ba ito?

"Steph!" nagulat ako at napalingon na ko sa taong sumigaw sa kaliwang tenga ko. Si Lenard pala at tinuro ang nasa harap. Nakatingin si sir ken sa akin at pawang tinatanong ako ng Ano na? kaya't ngumiti nalang ako.

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon