First day of class, pasok na naman sa school, nakakapagod na mag-aral. Kailan kaya ako magiging mayaman? Kung may sarili sana 'kong kotse.
Nandito ako ngayon sa jeep papunta sa Dirim University. Kaloka ang usok ah! Mabuti na lang may music si Manong. Medyo luma nga lang yung tugtog pero wagas, ang sarap mag emote.
Like a shooting star to where you are, are we too late, am i too soon.. Medyo luma na yung kanta ng hale pero iba pa rin yung effect.
Mabilis akong bumaba sa jeep at swerteng nauntog pa ako sa ilaw pero, dedma, five minutes na lang kasi start na ng klase. Habang tumatakbo ako papuntang building A. Nag-vibrate yung phone ko.
"Hoy! Bruha nasaan ka na? Nandito na ako sa Room" si chelsea. Natawa ako dahil ang aga niya pumasok, isa yung himala.
Pagkarating ko sa room as usual haggard na, pawisan na parang nagbuhat ako ng bigas.
Sa likod na pinto ako ng classroom pumasok dahil duon kami madalas umuupo ni Chels.
"O anyare naligo ka ba?" bungad sa'kin ni Chels. 'di ako sumagot sa sobrang hingal kaya umupo na lang ako agad sa upuan na ni reserba niya para sa'kin. Katabi ko yung pintuan dulong dulo sa likod.
Tumingin ako sa harap. Ang ingay ng mga estudyante parang hindi mga 4th year college buti na lang wala pa rin yung professor.
"Badtrip wala pa pala, sinayang ko yung pawis ko, nagmadali pa ako, sana nag elevator na lang ako," sabi ko habang nagsusuklay ng buhok.
"Elevator pa? 3rd floor lang? Ay, oo nga pala may chismaks ako sa iyo. Aniya.
"Ano? May bagong jowa ka na naman?"
"Gaga! Kakabreak lang namin ni Leo nu? Tsaka magfofocus muna ako sa pag aaral,"
Wala lang sa'kin na malaman na break na sila dahil di na bago yun sa kaibigan kong to. Si Chelsea pa ba? Makapagpalit ng Boyfriend, unlimited. Iba talaga pag malakas ang appeal. Makapal lang mag make up yung kaibigan kong yan pero maganda siya.
"Sabi mo lang yan, isang pikit lang sigurado may ka-holding hands while walking ka na naman, "
"Sows, kaysa naman walang love life tapos mababa yung grades." sagot niya sa akin. Medyo masakit sa bangs yun ah.
"Aray a, duguan ako a, tumagos sa puso yun ah"
"Joke lang. Basta eto na nga," aniya.
"Ano nga? Ka-ek-ekan mo, ikwento mo na," naiinis na 'ko ang tagal. Ganyan talaga yan pag magkekwento, madalas puro.. Eto na nga...eto na nga.
"Guwapo daw yung prof natin ngayon," sabay hawak sa buhok tapos parang winawasiwas. Napa ismid ako.
"So? yun lang pala? Pati ba naman prof chels? Sabagay 'di na ko nagtataka kasi lahat mg guwapo na makita mo kinikilig ka, pati nga dun sa nagtitinda ng fishball diba?"
"Ikaw talaga steph ang oa mo," isnab sa akin ni chels.
"Hehe, ikaw naman 'di ka na nasanay, syempre wala sa bokabularyo ko yung mga lalake, ewan ko ba, di yata ako tinatablan ng kilig,"
"Psycho ka e, tsaka sinabi ko lang naman sa'yo nu, hindi naman natin lalandiin yung gwapong prof, tititigan lang natin hehe"
"Malandi ka talaga," sabay tawa ko.
Pagkatapos ng walang katapusan naming chismisan, eto na ba yun? Eto na yung sinasabi ng maganda kong kaibigan.
"Good morning class, sorry i'm late," isang napakagwapong tinig ang nagpalingon sakin sa harap ng board.
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
RomantizmHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?