w32 Waiting

4.4K 92 15
                                    


Steph's POV

Naghihintay, umaasa pero hindi darating. Hindi mapapasa'yo. Haha! Feeling na naman ako.
Feeling ko may ibang kahulugan na naman yung sinabi sa'kin ni sir.
Ganito talaga siguro kapag in-love, lahat na lang ng salita at kilos na gagawin ng taong gusto mo nagiging big deal sa'yo. Binibigyan mo ng kahulugan yung mga simpleng bagay.
Diyan nagsisimulang nasasaktan yung mga nagmamahal kasi umaasa lang sila sa wala. Akala nila meron pero wala.

Ito naman kasi si sir pinapakilig ako! May palapit lapit pa ng mukha. 'Yung way pa ng pagsasalita parang nang-aakit na 'di malaman. Okay, balik na sa ginagawa ko. Kailangan pagbalik ni sir tapos na.

Chelsea's POV

Babaero talagang hinayupak tong sir bryan na 'to. Guwapo sana siya e kaya lang nakakaturn off! Malamang lamang nahuli siya nung isa niyang syota. Bianca siguro yung pangalan nung isa, ang lakas kasi ng pagkakasigaw niya e. Maganda kaya yun? Sexy? Mayaman? Malamang sa itsura pa lang nitong brian na 'to chumu-choosy siya. Manyak nga lang. Sayang, ay hindi! wala pa lang sayang. Panget siya, panget! Di siya kailanman magiging guwapo sa paningin ko. Pero may hawig siya kay lee min ho pag suma-side view a.

"Ano? Tutulala ka lang diyan chelsea? Kakain na tayo!" sabi sa'kin ni aiza. Tama ba namang itapat yung bibig sa tainga ko tapos lalakasan pa yung boses?
"Sampalin kaya kita? Magkatabi na tayo sisigaw ka pa?" Tinawanan lang ako ni lokaret.

Matex ko nga si stephanie. Kukumustahin ko yung thesis nila at chichikahin ko na rin.
"Step! Musta? Tapos na kayo?"

"Uy! Ayos lang. Malapit na rin. Ginagawa na ng mga kagrupo ko. Magagaling e! Hahaha!"
Buti pa yung mga kagrupo niya. Kakainggit!
Di pa man ako nakakareply.
"Nga pala! May kwento ko sa'yo! Nakakakilig chelsea! Grabe!"

"Bakit anyare? Si sir ken?" reply ko.
"Oo chels! May ginagawa pa ba kayo? Tapos na ba kayo? Punta ka dito sa math faculty nandito ko e." sagot niya. Anong ginagawa niya dun? Sabagay, baka nagpapacheck pa rin sila. Pero ang tagal ah!
"Anong ginagawa mo diyan? Naku! May kwento rin ako tungkol kay unyango. Punta ko diyan pero kain lang ako. Hintayin mo ko."
"Okay. Hihi!" sagot niya. Parang ang landi ah!

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon