w8 Seeing her from afar

7.6K 152 3
                                    

KENNETH

Umaga pa lang pala ay may nag aabang na sa'kin na dalawang babaeng estudyante dito sa hallway at nang makalapit ako sa room,
"Sir pa sit-in,"

"Bakit?" Habang napapakamot ako sa ulo ko.

"Na-miss ka kasi namin, a na-miss namin yung isang meeting sir," narinig ko yun. Nagpapatawa talaga itong mga batang 'to at kalokohan na na-miss yung isang meeting.

Dapat dun ako sa harap na pinto papasok kaya lang ang kulit ng dalawang to. Para 'di na sila makasunod pa, sa likod na ako dadaan. Papasok na sana ako nang mapansin ko 'yung isang estudyante kong naka black na jacket at para siyang kumikinang sa ganda.

Hindi tuloy ako nakapasok agad, napatitig ako sa kanya at nagulat din akong napatingin siya sa'kin, kaya umiwas ako.
"Sir, sige na po sir," naku po nandito pa pala itong dalawang 'to.

"O sige, kaya lang walang upuan"

"Kumuha na lang kayo ng upuan sa kabilang classroom," dagdag ko.
Iyun na lang ang nasabi ko para tumigil na sila.

Bumalik ulit yung tingin ko sa magandang estudyante ko, hindi naman siya sobrang ganda pero andun yung parang ang lakas ng hatak niya. Ewan ko ba,

Ngayon nagbabasa na siya ng libro. Masipag itong batang 'to. Hinahalughog ko yung utak ko kung anong pangalan niya pero, di ko talaga maalala. Hindi ko na rin matiis na hindi mag-tanong o manghula pa ng pangalan niya kaya't..
"Ngayon lang kita nakita, sit-in karin ba?" sabi ko at ang isinagot ba naman 'secret'
Buti naisip ko yung attendance at nung tinawag ko ang pangalang,
'Levasco stephanie miel' nalaman ko na kung bakit ayaw niyang sabihin yung pangalan niya at kung bakit di siya pamilyar sakin.

Apat na araw na pala siyang absent? Mabiro nga ito,
"Ma tex nga yung magulang mo,"

"Sir wag please," Natawa ako sa reaksyon niya parang ang cute niya lang.

Nung nagsimula na kong magdiscuss hindi ko maiwasan mapatingin sa kanya.
Nakakainis at nakapagtataka sa totoo lang kasi may mas maganda naman sa kanya pero di ko talaga maiwasang mapatingin na para siyang magnet o para siyang kumikinang sa lahat ng nandirito. Anong meron?

Ito ba yung sinasabi ni brian na love at first sight? Teka, ano ba 'tong pinag-iisip ko? Kalakohan kasi ni brian ito e,

Nang matapos yung klase nagkatinginan uli kami at para ba akong nakuryente nung nakita kong nakatingin din siya sa'kin.

Pagkalabas nila napahawak ako sa buhok ko. Ay anu ba ken, wag kang loko dahil estudyante mo yan. Nagandahan ka lang at yun lang yun. Tama, yun lang yon. Nahawa na yata ako sa kalandian ni brian o baka dahil sa mga pinagsasabi niya sa akin kanina?

Makakain nga muna, i tinex ko si brian dahil alam ko kasing break niya rin ngayon at para may makasabay ako.

May natanggap akong message,
"Pre,maya maya na lang ako kakain. Tinatapos ko pa yung questions para sa quiz e. Ikain mo na lang ako,"

Ayos ano? Masipag na naman siya ngayon.
Sa mall sana ako kakain dahil may kalapit naman dito kaya lang magsasayang pa ako ng gasolina tsaka ng oras. Diyan na lang sa mas malapit na fast food at hindi ko rin naman gusto mag-canteen ngayon.

Pagdating sa fastfood agad akong pumila at mabilis naman akong nakaorder, nung kukuha na ko ng gravy ay napatingin ako sa taong pumasok sa salaming pinto ng fastfood, nanlaki yung mata ko dahil siya na naman? yung estudyante ko na namang si stephanie.

Dali dali akong tumalikod at pumuwesto ako sa pinakadulong lamesa, iyung hindi makikita. Kung tutuusin makikita niya pa rin ako dito pero, buti na nga lang at medyo malapad yung nasa harap ko. Ano ba yan, bakit ba ko nagtatago? Para yata akong tanga. Ay naku bahala na nga kung makita niya ako. Yan ay kung makikita niya ko.

Wala na siguro siyang klase. Pinanood ko lang siya na para lang nanonood ng telebisyon.
Medyo matagal yung nasa unahan niyang umoorder at mukhang naiinip na rin siya nang biglang may napansin akong batang gusgusin na lumapit sa lalakeng nasa likod niya na siraulo dahil hindi na naawa sa bata. Di ko talaga maintindihan kung bakit may mga ganyang tao, hindi porket mas angat sa iba ang antas mo sa buhay ay may karapatang ka nang manghamak ng tao.

Napahanga na lang ako sa sumunod na nangyari dahil ipinagtanggol ni stephanie yung bata at hinayaan niyang manatili yun dito sa loob. Maganda ang kalooban nitong batang ito.

Nagtaka ako nung pinigilan niyang umalis yung pulubi at yun pala ang dahilan binilhan pa pala niya ng pagkain, sinamahan niya pang kumain yung bata at ang lalong nagpahanga akin ay nung binigay niya yung jacket niya. Kitang kita ko kung paano niya muna tiningnan yung jacket bago niya ibinigay. Malamang mahalaga sa kanya yun.

Napangiti ako sa nakita ko, kahanga-hanga siya. Mas lalong gumaganda ang isang tao sa paningin ko kapag nakikita ko ang kabutihang loob.

Napatingin ako sa cellphone ko at heto na nga si brian.
"Pre saan ka tapos na ako, kakain na rin ako. Dun tayo sa alam kong resto na maraming chiks, ano g?"

Ano ba naman tong taong ito, kung kailan patapos na akong kumain at wala talaga siyang ibang alam kung hindi puro babae.

Tumingin uli ako kila stephanie, nawala na siya pero, nandun pa yung bata.

Ang bilis naman maglaho ng babaeng yun.
Nagtex na lang ako kay mokong na nasa fast food resto ako at hihintayin ko na lang siya dito.

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon