Huwebes na tapos biyernes na naman bukas. Kapag paulit ulit lang talaga ang ginagawa mabilis lumipas yung oras, yung mga araw, yung isang linggo at yung taon.Kakatapos lang namin kumain ng hapunan kaya humiga na agad ako sa kama. Masama pero parang gusto talagang lumapat ng likod ko sa malambot na higaan,
"Hay" buntonghininga ko.
"Ate hindi mo ba gagamitin yung laptop? Pahiram sana ako" si sabrina.
"Sige huwag madiin yung pindot a hindi 'yan typewriter"
Balik ako sa pagkatulala sa kisame nang ayan na naman sumagi siya sa isip ko, kahapon kasi nakasalubong namin siya not once, but twice.
kakatapos lang ng klase namin dito sa building B. at sa building A. yung sunod naming subject. Grabe ang init! ito na ba epekto ng global warming?
"Ang init steph! wala ka bang payong?" ani chelsea.
"Wala, kung meron e di sana nilabas ko na"
"Ang sungit a. Ganyan ba talaga pag tatandang dalaga?"
"Tange, mainit kasi"
"Hala si sir" lumandi bigla yung boses ni chels, kaya napatingin ako kung sinong sir ba yung sinsabi niya. Madami naman kasi prof dito.
"Hi sir," ang maarteng si chelsea.
Pagkalingon ko medyo nabigla ako dahil halos katabi na namin siya at pabati pa lang sana ako ko kay sir ken pero,
"Hi miss stephanie" ngumiti sa'kin at dirediretsong naglakad.
"Ay wow! special mention ka? ako bumati, ikaw binati? crush ka talaga niyan ni sir"
"Para kang tanga" sabay ngiti ko.
"Kung ako sayo sunggaban mo na si sir"
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
RomansaHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?