Natatawa pa rin ako hanggang ngayon sa naikwento sa akin ni chelsea nung nag-enroll kami.
Ang wild talaga and speaking of chelsea, "Uy ano na nasaan ka na? baka mauna pa ako sa'yo sa room a," tex ni Chelsea.
Unang araw na kasi ng klase namin. Nakakainis di ko man lang nafeel yung sembreak, e paano kung saan-saan ako nagpupupunta pero worth it naman kasi nakuha ko na lahat ng kailangan, nbi clearance na lang ang kulang at passport. Nagpa-schedule na rin ako sa website ng DFA para mabilis at pagkakuha ay diretso pasa na ng requirements.
Maasikaso ko yun dahil three days lang ang pasok namin. Monday tuesday, wednesday. Kaunti na lang kasi yung subject kaya nakakatuwang tingnan yung registration form.
"Stephanie, anong oras na?" si nanay.
"Opo! aalis na po!"
Nanghingi na ako ng baon at dire-diretso nang umalis.
Nasa jeep ako pero yung utak ko nasa puso ni, hay naku wish mo lang stephanie. Sige lang mangarap ka, libre ang mangarap.Pagkadating, tsaka ko sinuot yung i.d ko dahil si guard kasi mahigpit sa first day of class haha.
"Nandito na ako, saan ka na? tex na naman ni chels. Ang aga talaga niya sa unang klase.
Di na ko nagreply dahil ang lapit ko na nu. Sa building B 2nd floor, 201 room, at ang subject ay nakakalokang research.
Pagkapasok ng room, ayun na ganun pa rin ang lugar tulad nung dati.
"Oa makatext?" bungad ko agad kay Chelsea."Hehe, wala kasi akong kausap e," aniya
Umupo na ako, "O wala ka bang balita sa prof natin ngayon?" tanong ko. Malay ko ba kung si sir ken na naman. Hehe umaasa.
"Wala e, wala nga kong kakilala dito."
"Ganun ba? Walang chismaks?" tumango lang siya at nagpout pa, pacute?
"Steph makapal ba yung make-up ko?" natawa ako sa tanong niya. Ang lakas talaga nang impact nung nangyari sa kanya sa mall.
"Ayos na yan, maganda ka na," sabi ko.
Kumuha pa ng salamin si bruha at tiningnan yung mukha niya. Napapailing na lang ako. Sabi ko sa kanya wag siya paapekto sa sinabi nung kung sino man yun, tapos ayan siya.
Tumulala na lang ako sa harap nang,
"Good morning sir!" mga estudyante sa labas na naghahagik-gikan.
Sino kaya ito, hindi kaya si Sir ken ito?"Good morning guys," hala ka, pumasok na yung professor namin.
"Ang guwapo!" sabi ko. Grabe yung balat, yung malayo pa lang alam mo nang makinis siya.
"Ha? talag---o hindi!" sinulyapan ko si chelsea na nagpuputol putol na naman yung salita dahil nakakakita ng guwapo.
BINABASA MO ANG
My Math Professor [editing]
RomanceHave you ever been in love with someone who is impossible to love you back?