w43 Undecided

3K 67 18
                                    

Stephanie's POV
Sige ken, okay lang. naisip ko kasi, kaibigan niya yun. Mga kaibigan niya at tsaka, bakit ko naman siya pipigilan? Ano ba niya ako? Hindi naman kami o kung magiging kami man hindi pa rin maganda na ilayo ko siya sa kanila o sa kanya pero,

Malaki yung tiwala ko sa kanya e paano kaya yung bianca? Hmm hindi naman na siguro. Ang tagal na nilang wala. Hay jusko ano ba stephanie?

Are you sure? tanong niya.
Siguro, sagot ko agad.
E wag na lang. natatawa tawa pa siya habang sinasabi yun.
Hindi baliw, ayos lang talaga. sabi ko. Ayos nga lang ba? Ang plastik ko.
Sigurado ka? Hindi ka nag seselos? pang inis yung tono niya. Syempre oo naman.
Hindi. Friend mo na lang naman siya ngayon diba? hindi ko mapigilan magbago yung tono ng boses ko. Halata na yata masyado.
Maybe, huh! Bakit maybe?
Anong maybe? Tanong ko agad.
It's hard to be friends with someone who, basta. Bakit hindi niya tinuloy? Anong ibig niyang sabihin? Bakit?
Okay, i promise to text you every once in a while tomorrow. Aniya.
Okay. Sagot ko. Parang nawala ako sa mood. Nagtatampo ako sa kanya kasi, feeling ko may hindi siya  sinasabi sa'kin. Ayaw ko muna magreply sa kanya. Sana marealize niya, sana siya na lang makaisip na wag tumuloy. Hays, gaga talaga ako, ang gulo ko. Pinayagan ko siya tapos ayaw ko naman talaga.

Sinabi ko na lang sa kanya na nag-aaral ako ngayon dahil may long quiz kami sa isang subject ko next week. Bakit hindi niya man lang naramdaman na naiinis ako? Nag okay, aral mabuti babe. lang siya? And then Bye, love you. Lang? Hindi man lang niya napansin na nagtatampo ako? Inis!

Bawat minuto tinitingnan ko yung phone ko kung may text ba siya o missed call man lang. Hindi kaya kausap na niya yung bianca? Tama na nga kakaisip, mababaliw na ako.

Nakatulog na ako at nagising ulit pero wala pa rin siyang text.  Malapit na pala akong empty battery sa inis ko tinulugan ko na lang ulit at hindi ko na i-chinarge.

Naalimpungatan ako nang,
"Ate! Baba ka dali," yung kapatid kong si sabrina.
"Ayaw ko, inaantok pa 'ko," dumapa pa ako sa kama at sinubsob ko yung mukha ko sa unan.
"O e di sige, sa akin na lang yung chocolates dun." napatingin agad ako sa kanya.
"Dala ni tatay?" tanong ko.
"Hindi, nakalagay pangalan mo e, tapos with flowers pa. Sino si babe? Ayiee," napatayo talaga ako agad.
Tumakbo agad ako pababa ng hagdan at nakatingin sila mama sa akin na para bang may malaki akong kasalanan. 
"Manliligaw mo nak?" tanong ni mama.
Ano nga bang sasabihin ko? Sige na, "Opo?" siya ba talaga nagdala nito? E sino pa bang tatawag sa akin ng babe?
"Parang hindi ka pa sigurado a," sabi ni tatay. Pangiti ngiti lang ako.
Iniabot sa akin ni tatay yung isang round boquet na roses na siguro nasa isang dosena yata 'to, ayaw kong bilangin dahil mahina ako sa bilangan. May kasamang dalawang box ng ferrero rocher na may nakataling ribbon na gold. My gosh, mamahalin pa talagang chocolate a. May nakadikit na sticky note nga duon sa taas at nakasulat ang Babe, ngiti ka na.
"Boyfriend mo yan te nu?" napalingon ako kay sean.
"Hindi pa, a hindi pala." nadudulas dulas na ako.
"Sabihin mo sa manliligaw mong yan, hintayin ka niyang maka-graduate bago siya pumorma." sabat ni tatay. Tinawanan ko lang kasi, saktong sakto lang yung sinabi ni tatay.

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon