w14 Expecting too much

6.7K 132 5
                                    

Natapos na yung prelim exam namin at okay naman lahat ng subject ko maliban sa physics. Nakakalungkot lang ang resulta 45 over 100? Nag-aral naman ako, nagpuyat pa ako para doon.

At ngayon nakatapos na naman kami ng isang buwan at kakatapos lang din ng midterm exam.

Nasa room kami ngayon ibibigay na ni sir ken yung exams. Isa pa to si sir ken, bakit kaya parang biglang nag-iba yung ihip nang hangin? Ni hindi niya na ata ako nakikita kaya parang nawawalan tuloy ako nang ganang mag-aral.

Ang tanga ko kasi umasa kasi akong may gusto talaga siya sa'kin pero, akala ko lang pala yun. Sabi ko na nga ba malabong magkagusto sa isang katulad ko si Sir ken.

Kakaiba talaga itong physics dahil bumagsak na nga ko kay sir, bagsak pa yung grado ko. Lahat hindi pasado.

"Bagsak nanaman ako dito pustahan tayo Chelsea,"

"Dinodown mo kasi sarili mo e, dapat maniwala ka rin kasi na papasa ka." aniya.

"Nakakawalang gana kasi mag-aral" napayuko na lang ako sa desk ko.

"Alam mo pansin ko lang a, sa lahat ng subject natin nawawalan ka ng gana. Bakit ganyan ka steph may problema ka ba?"

Napaangat ako ulit, umayos ako sa pag-upo tapos diretso lang yung tingin ko kay Sir ken na ngayon ay nakaupo sa table niya at mukhang nirerecord yung mga exams.

"Hoy si sir ba?" nagulat ako sa tanong ni chelsea.

"Ha hindi," sabi ko.

"Ayaw pa umamin eh ganyanan na ba? sikretuhan na?" pagtatampo kunwari ni chels.

"Kasi ano e, ano kasi e ganito a---si ano---" hindi ko masabi nahihiya talaga ko.

"Ano gusto mo siya?" ok hindi na ako nakapagsalita pa. Natahimik ako.

Huminga na lang ako ng malalim
"Tama ba ako?" tanong uli sa akin ni chelsea.

Tumango na lang ako,
"Steph, alam mo naman na malabo diba?"

"Tsk oo alam ko na yun tsaka alam ko na imposible naman na magkagusto si sir sa'kin diba? Alam ko yan."

"E bakit ganyan inaarte mo? Ang arte mo sobra." tinatawanan na naman niya ko.

"Kainis ka, nakakahurt din nu"

"E akala ko ba hindi ka nag aassume? isa ka rin palang assumera," sabay tawa niya.

"Nagpadala kasi ako. Diba kahit ikaw naman napansin mo yun? yung mga titig niya, yung ngiti nya----"

"Yung pag-tawag niya sa pangalan mo. Yung paglapit niya sa'yo..." tumatango naman ako sa bawat sinasabi ni chelsea "Oo na sweet yun at nakakakilig pero, alam mo pa rin na professor siya diba?"

"Oo alam ko at ang guwapo pa niya," tinitigan ko na naman si sir ken.

"Ganyan pala kayong mga nbsb mag kagusto, makiri ka pa ata sakin e hehe."

"Ewan ko ba letse ngayon pa lang ako nagkaganito."

Umiiling lang si bruha at tumatawa.
"O sige yung totoo na talaga. Kahit ako napansin ko rin na merong something si sir sa'yo pero, kasi alam mo yung mga lalake mabilis magbago ng isip parang ganito, gusto ka nila ngayon tapos bukas hindi na kaya minsan matatawag mo talaga silang paasa at yung mga babae naman na uto-uto mabilis umasa."

My Math Professor [editing] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon