2 years later...
Richmond
Nagpunta ako sa St. Joseph Parish para sunduin ang aking girlfriend na si Anne Lewis.
Nag-duty siyang choir dahil linggo nang umagang iyon. At ang araw na iyon ay ang mismong araw kung kailan naging kami! At sa araw na ito ay mag-dadate kami! Dadalhin ko siya sa isang espesyal na lugar at naghanda ako para sa kanya doon.Nang matapos ang misa, agad ko siyang pinutahan sa puwesto nila sa loob ng Simbahan. May dala akong mga bulaklak doon para sa kanya. Pagkarating doon sa puwesto niya. Agad kong binigay ang mga bulaklak kong dala...
"Anne!"
Sabay Pagkabigay ko ng mga bulaklak na dala ko sa kanya.
"Para sa iyo ohhh!"
At nag tilian ang mga kasamahan niya ring mga choir....
"Ayieee.... Si Anne ohhh..."
Nakita kong namumula si Anne.
"Namumula ka nanaman..." sabi ko.
At lalong lumakas ang tilian.. Na halos nag-Echo na sa Buong Simbahan.
"Ano ba Richmond! Bakit dito pa? Nakakahiya ohhh."
Mahinang sabi niya.
"Sus! Hayaan mo sila..."
Kinuha niya na agad ang bulaklak pero pagkatapos niyang tanggapin, pumunta siya sa estatwa ni Mama Mary at doon nilapag sa ibabaw nun ang mga bulaklak na ibinigay ko sa kanya. At nang bumalik siya...
"Uy... Bakit mo iniwan doon yung mga binigay ko sa iyong mga bulaklak?"
"Appreciated naman yun Richmond. Binigay ko lang naman kay Mama Mary eh, Masama ba?"
Ewan ko kung ano ang dapat maging reaction ko doon. Pero, hayaan mo na nga!
Pagkatapos mag-paalam sa mga kasamahan niyang choir. Aalis na kami... Sana... Nang mapadaan bigla ang Parish Priest namin doon sa puwesto namin. Kilala ako nun, siya si Fr. Juarez. Sacristan niya ako dati. (Bago pa maging kami ni Anne!) Kaya binati niya ako..."Oh Richmond! Napadaan ka yata?!"
Parang pabiro pa sa akin ni Padre...
Di ako nakapag salita. Nag-mano na lang ako sa kanya...
"Parang may date kayo ni Anne ah?"
Sabi pa niya sa amin.
Nahiya kaming dalawa ni Anne. At parang gusto na naming umalis. Pero parang may gusto pang sabihin sa amin si Fr. Juarez. Maya maya lang ay umalis na si Fr. Juarez. Nagpaalam ulit si Anne sa mga kasamahan niyang mga choir at umalis na kami sa simbahan. Sinakay ko siya sa aking motor.
Pinuntahan namin ang isang Park kung saan ako sinagot ni Anne. Pagpunta doon, agad kong tinakpan ang mga mata niya. Dinala ko siya sa isang parte ng Park na tago. Mayroon doong isang wishing well. Naghanda ako roon ng table. Kung saan kami magdadate at kakain ni Anne. May mga nakakalat rin na mga rose petals sa buong paligid namin at sa mesa rin namin. Sobra kong pinaghandaan ang lugar na iyon para sa aming dalawa. Nilagyan ko ng mga ilaw ang paligid at mga dekorasyon. Nangingibabaw halos ang Blue sa mga decorasyong nilagay ko mula sa mga tela na naka-bitin sa itaas namin at sa mga bulaklak. Dahil yun ang paboritong kulay naming dalawa. Tinangal ko ang mga kamay ko sa mata niya ng makarating kami doon. At na-surprise siya sa lahat ng nakita niya. Ginawa ko yun lahat sa kanya! Sa tulong na rin ng mga Ka-groupo at mga tropa ko sa FIVEtastics. Nandoon sila dala nila ang mahaba at malaking banner na may nakasulat na...
"I Love You Forever!"
Dahil dito rin sa lugar na ito una kaming nagsabihan ng "I Love You" sa isa't isa. Kaya napaka-espesyal ang lugar na iyon sa amin.
YOU ARE READING
One Call Away
DuchoweSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...