Chapter 28: Si Ben: The Bestfriend

45 1 0
                                    

Naglakad ako papauwi sa amin. Sa paglalakad ko napadaan ako sa Simbahan. Kaya napunta na lang ako saglit, wala naman yatang masama kung maparoon ka lang kahit saglit...

Pumasok muna ako sa Simbahan,
nang di ko alam kung anong gagawin ko dito.
Huh, pakiramdam ko dito muna ako. Para tanungin pa Siyang mabuti... Na-conconfuse pa kase ako sa ngayon ako ano nga ba ang dapat ko talagang gawin.

Pagkatuloy ko sa loob nandoon si Ben na nasa unahang pew nakaupo. Mukhang magdarasal siya. Dahil madasalin talaga si Ben at dito mo lang siya palaging nakikita.
Hindi na ako nagdalawang isip na lumapit sa kanya para kausapin...

"Huy Ben!"

"Huy ka rin Richmond!"

Ganting sabi niya.

"Kamusta ka?! Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo, ayos ka lang ba?!"

Bungad sa akin ni Ben

"Yun, ok lang naman ako. Ikaw kamusta ang tagal nating di nagkita at nagkausap. Malapit ka na bang pumasok ng seminaryo?" 

"Next week Rich, papasok na ako ng Seminaryo!"

Nakangiti niyang sinabi sa akin. At feeling ko na masaya siya dahil doon...

"Talaga?! Magpapari ka na?!!!"

Sa pagkasabik kong sabi sa kanya, napalakas na lang ang boses ko.

"Oo! Kaya nga nandito rin ako para kunin kay Fr. Juarez ang Recommendation later niya, kasama kase iyon sa requirements ng seminaryo."

Sabi niya sa akin...

Sa tagal kong hindi siya naka-usap ngayon ko lang ulit siyang nakitang ganito kasaya.
Gustong gusto niya yata ang pangarap niyang iyon....
Ang maging Pari...

Simula raw nung grade 2 siya ay gusto niya na talagang magpari. At simula rin nung maging classmate ko siya nung grade 3. Marami siyang alam tungkol sa mga bagay bagay na espiritual. At kasama ko rin siyang mag-sacristan noon.

Sa school kasama ko rin siya sa boyscout, at sa Marian Cenacle group ng aming school. Hanggang high school classmate pa rin kami at kilala na ako nun bilang heartthrob at nandyan lang palagi si Ben. Sa lahat ng oras siya ang maaasahan at malalapitan ko. Kahit medyo magkalayo kami ng gusto at ng personalidad.

Kung siya, Mabait, "Pari", Matalino, Simple, tahimik, masunurin, artist,...
Ako naman, malakas ang trip, "Artista", mayaman, matalino naman rin, maingay, cool...

Hanggang sa nakilala ko si Anne. nandiyan siya hanggang sa nadiscobre ako sa pag-aartista at siya naman ay nakapasa sa seminaryo. At next month ay papasok na talaga siya...
Kung masaya siya doon masaya na rin ako para sa kanya, kaso...

"Edi iiwan mo na ako niyan?..."

May pagkalungkot-lungkotan kong sinabi sa kay Ben.

"Huh... Ganun talaga Rich eh... Minsan may mga bagay na nangyayari dahil may dahilan. Pero hindi naman kita iiwan eh magkikita pa rin tayo. Hindi lang tayo magkikita ng madalas o lagi tulad ng dati pero magkikita at magkikita pa rin tayo kahit papaano."

"Paano yun?..."

"Basta!"

"Mamimiss kita, Father..."

"Ako rin naman eh..."

Seryoso!...
Mamimiss ko talaga si Ben ng sobra! Actually namimiss ko na nga siya dahil malayo na kami sa isa't isa ngayon, dahil sa mga ginagawa ko. Medyo matagal tagal na ko na rin siyang hindi na nakakasama. Di tulad noong mga nag-aaral pa kami, parang di na kami mapaghihiwalay. At higit pa sa lahat para ko na rin siyang kapatid. Dahil marami rami rin kaming pinagsamahan. Bilang mga matatalik na Kaibigan. At malawak na ang mga naging karanasan namin sa isa't isa. At sa sobrang bilis ng panahon, unti unti na niyang tinutupad ang mga pangarap niya. Kahit iyon pa ang magiging dahilan para magkaroon ng hangganan ang palagi naming pagsasama.

One Call AwayWhere stories live. Discover now