EPILOGUE

101 3 0
                                    

EPILOGUE NA MAY KUNTING KWENTO :)

1 year later...

Mga Kinahinatnan...

Lumipas ang Isang Taon...

Naging Parish Priest na si Fr. Juarez sa Immaculate Conception Parish sa Las Piñas. Bagong Pari na ang na-assign sa St. Joseph the Worker Parish sa Katauhan ni Monsiniour John Neil dela Cruz Valleta na isang liturgist priest at close sa Obispo.

Si Sem. Aries naman, isang taon na lang ang kailangan niya kasama si Adryl. Pati ng iba pang mga Sememarian para maging isang Postulant, mula sa isang pagiging pangkaraniwang Aspirant sa kanilang Seminaryo.
Habang si Sem. Stephen ay naging isang Contemplative Friar doon sa tagong Monasteryo sa Baguio
Si Bro. Vince kasama si Bro. Christopher, ay ipinadala sa mission sa Indonesia.
Habang si Bro. Gus kasama sila Bro. Tom at si Bro. Mac, ay in-assign sa Cebu para sa kanilang practical training.
Habang si Benedict Lucas ay masayang namumuhay sa Antipolo. At pinili niyang maging isang Single Blessedness. Kumuha siya ng Education para maging isang teacher. At kasalukuyan rin siyang katekista sa isang parokya nila sa Antipolo.

Si Sr. Ashton ay kasalukyang pinagbabayaran ang kanyang mga ginawa sa kalungan...
Habang nakapag-piyansa naman sila Leomer at si Peter ng kani-kanilang mga magulang. Sinusubukan nilang baguhin ang kanilang mga buhay sa pamamagitan ng pagiging maayos at malapit nila sa kanilang pamilya.

Nagtayo naman ng isang Charity Foundation ang mga magulang ni Richmond. At tila binalik ni Walter ang pagtulong na ginagawa ng Papa niya noon. Bumalik ang paniniwala niya sa Diyos, at nagbalik loob sa kanyang pananampalataya.

Si Nay Marci naman ay tuluyan nang umuwi na sa Kanila. Para makasama na niya ang kanyang Pamilya. Hindi na niya tinanggap ang alok ng mga Ricafort na bumalik ulit sa kanila.
Nag-Resign na lang siya sa pagiging kasambahay sa mga Ricafort at tinanggap rin naman nila ito...
Habang si Joan ay binigyan ng Scholarship ng mga Ricafort, para makapag-aral siya ng kolehiyo sa Southwourth University.

Habang sila Anne at Reyven naman ay nanatiling mga mabubuting Kaibigan...
Kinalaunan rin nagpabinyang si Reyven bilang isang Katoliko kasama ang kapatid niyang si Matthew at ang Amain niyang si Sr. Henry. Kaya bago pa man tuluyang pumanaw si Sr. Henry, dahil sa sakit nito. Ay nakatanggap siya ng huling sacramento sa Simbahang Katolika... At hindi rin nagtagal, bumalik na rin lahat ng mga ala-ala ni Matthew...

Itinuon na lang ni Alvin ang kanyang pagiging Martial Artist. Lumalaban siya sa mga tournament at lagi siyang nagwawagi. Unti unti ay nakikilala siya bilang isa sa pinakamagaling na Martial Artist.

Nililigawan rin ni Reyven si Anne... At bukas naman si Anne para dito... Hindi pa rin kase nawawala ang pagmamahal ni Anne kay Richmond...
Pero, Aalis si Anne sa Pilipinas. Isasama kase siya ng Papa niya sa London dahil sa kanilang business. Doon rin pag-aaralin si Anne, at doon rin igagamot si Anne dahil sa sakit niya sa puso.

Pagkatapos ng isang Misa noong Isang Araw ng Linggo...
Muling sinuyo ni Reyven si Anne ng bigyan niya ito ng isang Boquet of Roses. Tinanggap naman iyon ni Anne, kaso pumunta ito ng Grotto at inilagay doon ang bulaklak na binagay sa kanya...

"Siguro mas dapat siyang alayan ng ganyang kagandang mga bulaklak... Pasensya na Reyven ah..."

Sabi ni Anne.

"Ok lang, dito mo lang pala ilalagay akala ko itatapon mo sa basurahan yung binigay ko sayo eh!"

Sabi naman ni Reyven...

One Call AwayWhere stories live. Discover now