Ilang araw na lang at babalik na ulit ako ng seminaryo.
Habang nandito pa ako, sinasamantala ko na, makasama ko ang pamilya ko at ang pilit na ilapit ang sarili kay Leomer parang noong dati. Pero parang mahirap na mangyari iyon dahil sa mga nakaraan namin.
Biglang tumawag sa akin si Adryl. Dahil pupunta kami ng Baguio ngayon para dumalo ng First Profession ng mga kaibigan kong mga Friars doon.
"Aries! Nasaan ka na?! Nasa Terminal na Ako ng Bus dito sa Pasay! Pumunta ka na dito dali!"
Sabi niya sa akin sa tawag...
"Oh sige sige, hintayin mo lang ako, Pupunta na ako dyan."
Sabi ko sa kanya sabay tapos na ng tawag.
Kaya umalis na ako agad para pumumta na sa Pasay sa isang terminal ng Bus. Kung saan ako hinihintay ni Adryl.Pagkadating sa Terminal.
Agad kaming nagkita ni Adryl..."Bakit ang tagal mo dumating?"
Tanong ni Adryl sa akin.
"Sorry, Traffic kase ehh."
Sagot ko.
"Ugh! Agahan mo umalis sa susunod!"
"Huwag ka kaseng masyadong nagmamadali. Bukas pa naman yung profession eh!"
"Kahit na! Pinaghintay mo pa rin ako!"
Pagkasabi niya nun inaya ko na siyang bumili ng ticket papuntang Baguio...
5 hours later...
Medyo mag-gagabi na ng makarating kami ng Baguio.
Naisipan naming dumaan muna ng Baguio Cathedral para manalangin..Tapos nun dederetsyo na kami sa Novice house namin dito para doon manatili. Ipinaalam namin kay Fr. Abe de la Paz ang superior ng Novice House na darating kami.Pagkadating namin doon...
Agad kaming sinalubong ni Fr. Abe na mukhang nag-aalala.
Agad niya kaming pinapunta sa isang kwarto. At laging gulat ko kung sino ang nakahiga sa loob ng kwartong iyon..."R-Richmond?!!!"
Kaawa awa ang lunos niya.
Parang nabungbong siya, may mga sugat at mga pasa..."Fads paano niyo siya nakita?!"
Tanong ko kay Fr. Abe.
"Nakita ko siya sa isang hukay na malapit doon sa high way. Di lang kalayuan dito sa monasteryo. Bigla akong naawa, kaya kahit medyo may kabigatan siya inalalayan ko siya at tinulungan. Ewan ko kung bakit puro siya sukat at pasa. Kaya dinalian ko na lang na dalhin siya dito. Para maagapan siya agad. Lalo't kaawa awa talaga ang itsura niya nung matagpuan ko siya. Ginamot na namin siya kahit kaunti."
Paglalahad ni Fr. Abe sa amin.
"Kawawang bata..."
Sabi ni Adryl.
"Pa-paanong nakarating siya dito?... Tapos papaanong naging ganito ang kalagayan niya?"
Palaisipan kong Tanong...
"Oo nga! Mukhang kawawa talaga siya. Tignan mo, butas butas ang pantalon niya."
Sabi pa ni Adryl.
"Mukhang ganyan na yata talaga ang istylo ng pantalon na iyan. Iyan ang uso ngayon eh."
Sabi ko sa kanya.
"Hanggang ngayon nga hindi pa siya nagigising. Hindi pa rin namin siya pinapaalam sa mga pulis at sa ospital."
Dagdag pa ni Fr. Abe.
"Anong oras niyo pa siya nakita Padre? Di namin inaasahan na makikita ko siya dito?!"
YOU ARE READING
One Call Away
ДуховныеSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...