Richmond
Kunting kunti lang ang oras namin para kanila Peter at Andrew dito sa Baguio. Pero hindi pa roon natatapos ang lahat.
Dahil hindi pa kayang patawarin ni Peter ang Mama nila na nagbalik na sa kanila ngayon...Samantala...
Binisita namin bigla ang Monasterio sa Baguio. Kung saan ako dinala noong ma-aksidente ako. Tila ba naging espesyal ang lugar na ito sa akin.
Pumunta kami sa Chapel nila doon para kausapin ang Panginoon.
Maya maya nag-aya si Fr. Juarez na mag-CR at sumama na rin si Tita Teresita. Nagpaiwan lang muna ako saglit doon. sa chapel.
Pagkatapos ng ilang minuto pag-iisa sa chapel. Nagulat ako kung sino ang biglang tumabi at lumapit sa akin.
Si Bro. Adryl! Na mukhang matagal na siyang nandito.
Nandito pa rin kaya sila simula nung manood sila ng profession?"Bro. Adryl, anong ginagawa niyo po dito?!"
May pagkagulat kong itinanong sa kanya... At dahil nandoon siya inaasahan ko na nandoon rin si Bro. Aries kasama niya...
"Nandito ako dahil may retreat kaming mga semenarista dito ng three days. At pangatlong araw na namin dito ngayon. Nauna na kaming pumunta dito ni Bro. Aries dito para abutan yung first profession."
"Ah, ganun po ba si Bro. Aries po?"
"Eh, nauna na siya sa akin... Sa katunayan nga ako na lang ang naiwan dito. Nagpaiwan na muna kase ako dito."
"Eh bakit naman po?"
"Medyo ano kase ehh... Basta gusto ko lang muna dito. Uuwi naman din ako agad."
"Eh ikaw, anong ginagawa mo dito?"
"May pinuntahan lang ako dito. May mga kasama rin naman ako doon sa labas."
"Ahhh..."
Hindi ko inaasahan na magkikita kami dito. At napapaisip rin ako kung bakit nandito pa siya kung tapos naman rin pala yung retreat nila dito.
"Akala ko kaya ka nandito dahil nasarapan ka na dito..."
Sabi pa ni Bro. Adryl, saka ningitian ko lang ang sinabi niyang iyon.
"Hindi naman po..."
"Ang saya kaya dito!"
Bigla niyang sinabi sa akin.
Di kaya gusto niyang lumipat dito?..."Alam mo ang saya saya kaya maging isang semenarista! Yung papasukin mo ang bukasyong ito. Napakasaya at napakasarap na matawag ng Diyos!"
"Napakasaya nga po..."
Bigla kong nasabi sa kanya. Dahil tila nadala rin ako sa sinabi ni Bro. Adryl.
"Sinabi mo pa, siguro nakikita mo noh?
Umatend ka nga pala kase ng Voc Camp."Sabi niya.
Gusto kong magtanong sa kanya. Dahil sa tingin ko hindi ko pa yata masyadong maunawan itong nangyayari sa akin.
"Bro, sa tingin niyo po ba bakit mas masaya po ang maparito? Bakit masaya kayo na ito ang Bukasyo niyo? Eh marami pa namang mga bagay diyan na pwedeng makapag-pasaya sa inyo?"
"Alam mo ang dami mong tanong!"
Sabi niya na ikinagulat ko...
"Joke lang! Hindi mo masasabing masaya talaga dito kung hindi mo titignan o susubukan. Sabi nga nila, Come and See!"
Sabi niya...
"Akala ko noong una Richmond, magiging masaya na ako sa kung anong meron ako noon. Hindi pa pala! Kase may mga bagay talaga na akala natin ay para sa atin. Iyon pala mayroon pang ibang bagay na nakalaan para sa atin. Pwedeng nilaan Niya yun para sa atin. At para sa akin, kung saan ka nilaan ng Diyos iyon ang para sayo. At iyon rin ang tunay na magpapasaya sa iyo. Tulad dati, may naging Girlfriend ako noon at sobra niyang binihag ang puso ko. Kaya niligawan ko siya. Hanggang sa naging kami. Siya na yata kase ang pinakamagandang babae roon sa school namin. Pero nung makilala ko siya marami akong nalaman sa buhay niya. Marami kase siyang pinagdadaanan. At naging pariwala rin ang buhay niya. Kaya naman, lagi ko siyang dinadala sa Simbahan. Para sakaling matulungan siya sa mga problema niya at para matuwid ko yung landas niya. Tinuruan ko siyang magdasal. Sinasama ko siya sa mga Religious activities namin sa school. Dahil malapit rin kase ako sa Simbahan. Altarserver at youth din ako sa amin. At yun minsan ko na nga rin siyang ayain sa youth namin. At samahan rin siyang magsimba. Yun ang ginagawa ko para mapaayos ang buhay niya. Para baguhin siya. Pero minsan, nagmamatigas rin siya, kahit pinipilit ko siyang pasamahin sa mga Religious activities na sinasamahan ko rin. Para bang ayaw niyang mapalapit sa Diyos. Pero yun lang ang kaya kong gawin para sa kanya. Yun lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Dahil yun ang nagpapasaya sa akin, ang mapalapit sa Diyos, at gusto kong ibahagi iyon sa kanya. Dahil mahal ko siya. At siguro nga ganun ako magmahal, nagbabahagi ako ng mga bagay na nagpapasaya sa akin. At magiging masaya ako kung magiging malapit rin siya sa Diyos. Minsan nga habang kasama ko siyang magsimba, nagreklamo siya sa akin kesyo raw na puro mga date raw namin sa Simbahan-Lagi na lang raw kaming nasa Simbahan. Sinasabi ko naman na Ginagawa ko iyon para mapalapit siya sa Diyos. Pero ang sabi niya: Para saan naman?! Para maging mabuti siyang tao? Kahit anong gawin ko kahit ilang beses ko siyang ayain mag-simba, o mapalapit sa Diyos. Wala pa ring daw magbabago sa kanya. Mananatili pa rin siya sa kung ano siya. Hindi ako sumang-ayon sa sinabi niya dahil sinabi kong nandito ako at nandito rin ang Diyos para sa kanya at para tulungan siya. Pero patuloy pa rin siya sa panunumbat sa akin. Sinabi niya pang; Hindi niya na raw maintindihan ang relasyon namin dahil puro na lang raw ang Diyos ang iniisip ko at ang iniisip ko para sa kanya. Kaya pakiramdam ko nun na napapagod na siya sa akin at sa lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Pero pinaalala ko sa kanya na kung siya ay napapagod na sa mga ginagawa ko sa kanya. Ako hindi, dahil tinutulungan ko siya sa pamamagitan ng pagkakaroon rin ng relasyon sa Diyos.
Dahil mahal na mahal ko siya, at ayaw ko na maligaw siya ng landas. Pakiramdam ko rin nun na parang hindi niya na-aapreciate yung mga bagay na ginagawa ko sa kanya. Bigla ko pa ngang naitanong sa kanya na kung ano ba ang gusto niya sa buhay niya. Ipinapaalala ko lang kase sa kanya na kailangan niya lang manalig at lumapit sa Diyos. At dahil lang rin lamang doon nagkatampuhan kami, na halos ilang araw kaming walang ugnayan sa isa't isa. Hanggang sa nalaman ko na lang bigla na aalis siya, Iiwan niya ako nang hindi niya man lang ako sinabihan. Gusto ko pa sanang linawin sa kanya ang lahat. Hanggang sa sinabi ko sa kanya na kung aalis siya at iiwan ako, tatapusin ko na ang lahat sa amin. At sinabi ko rin sa kanya na magpapari na lang ako. Dahil sa tingin ko mas mabuti na lang iyon. At sa tingin ko rin ay sinayag niya lang ang lahat sa amin. At isa pa, yun din ang gusto ko nung bata pa ako. Kaya iaalay ko na lang sa Diyos ang lahat ng pagmamahal at pagsasakripisyo ko na sinikap ko namang gawin sa kanya noon. At ito na ko ngayon..."
YOU ARE READING
One Call Away
SpiritualSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...