Chapter 45: Pagpapatuloy

34 1 0
                                    

Fr. Juarez

"Padre, may naghahanap sa iyo sa labas!"

Sabi ni Botchoy sa akin habang nag-kakape ako-nang pasigaw.

Iniisip ko na baka si Richmond, pero
Pagkapunta ko ng Simbahan. Laking gulat ko na hindi pala siya iyon. Pero kahit hindi sila iyon. Medyo nakakagulat. Dahil ang mga magulang mismo nila Richmond ang naghahanap sa akin sa
simbahan.

"Magandang araw po sa inyo. Anong mapaglilongkod ko sa inyo?"

Sabi ko sa kanila ng naghihinala at may masamang pakiramdam ako tungkol dito...

"Gusto lang po namin na gawin niyong ilayo si Richmond sa gusto niya na mag-Pari raw siya..."

Sabi ng Ama ni Richmond.

"Hindi ko po magagawa ang bagay na iyan. Dahil siya ang nagkaroon ng Tawag para diyan. At ang Diyos ang tumawag sa kanya."

Sabi ko sa kanila.

"Magkano kailangan niyo?"

Palaisipan at nakakagulat na tanong.

"Ano pong ibig niyong sabihin, ginoong Ricafort?" 

Tanong ko sa kanya.

"Gusto lang namin ang mas nakakabuti para sa anak namin."

"Pero tandaan niyo ginoong Ricafort. Na hindi lahat ng bagay ay kayang bilhin ng Pera. Lalo na ang bukasyon at ang pananampalataya ni Richmond. At dapat nakikining rin kayo sa kanya bilang mga magulang niya. Dapat kayo ang unang nakakaunawa nito. At isipin niyo rin kung ano ang gusto ng Diyos para sa kanya. Dahil kahit magulang niya kayo ang kalooban pa rin Niya ang masusunod sa buhay natin."

"Wala akong pake! Dahil hindi ako naniniwala sa Diyos! Ang gusto ko, ay mabalik si Richmond sa dati! Dahil kase sa mga bagay na iyan. Hindi na namin siya maiintindihan!"

"Alam ko pong hindi kayo naniniwala sa Diyos ginoong Ricafort pero mas nakakatulong sa kalagayan ni Richmond ngayon kung maniniwala kayo; Bakit hindi? At walang nagbago kay Richmond. Tinawag siya ng Diyos iyon lang. At iyon ang intindihan niyo."

"Come on! Alam kong ikaw ang nag-udyok sa kanya nun!"

"Hindi ako, kundi ang Diyos! Bakit hindi mo kaya siya tanungin?"

"Walter, umalis na tayo, tama na!"

Narining kong pakiusap ng asawa niya sa kanya.

"Dapat alam niyo ang plano Niya para sa anak niyo. Dapat handa kayong tanggapin iyon. Subukan niyong isuko siya sa Kanya. Tulad ng ginagawa ni Richmond ngayon sa buhay niya."

Sinabi ko sa kanila.

"Nagsasayag lang tayo ng oras dito!"

Sabi ni ginoong Ricafort sabay umalis na sila.

Richmond

Dali dali akong nagpunta sa Ospital.
At kagagaling ko lang nun sa bahay nila Anne. At ang sabi ng isang kasambahay nila doon na nakausap ko. Dinala nga raw kagabi si Anne sa Ospital. Matapos nilang makita na walang malay si Anne sa kwarto nito. Ngayon, hanggang doon lang ang alam ko. Kaya sobra sobra ang pag-aalala ko.

Pagkatapos kong itanong kung nasaang kwarto naka-confine si Anne halos nagmanadali akong hinanap iyon. Hanggang sa makita ko, kaso nasa labas ng kwartong iyon si Alvin at galit na galit siya ng makita ako.

"Anong ginagawa mo dito ah?!"

Sabi ng Alvin nang bigla niya akong nilapitan at hinawakan ako sa damit ko at akmang susuntukin ako. Nakahanda kong tanggapin ang suntok niya. Pero mabuti na lamang at lumabas ang mga magulang niya...

One Call AwayWhere stories live. Discover now