Bro. Aries
Nakita ko lahat!
At narining ang mga nasabi ni Richmond...
Hindi ko alam kung bakit siya nag-react ng ganun ganun na lamang! Pero nagbigay iyon ng patunay sa akin ng pagmamahal niya sa Diyos. Siguro ayaw niya talaga na I-trato siya na ganun, dahil mahal na mahal niya si Lord.Pinag-uusapan ang mga nasabi niya doon... Pero ngayong gabi nakakilala kami ng isang kakaibang Richmond!
"Pagpasensyahan niyo na po si Richmond. Medyo may pinagdadaanan lang siya..."
Sabi ni Xander.
"Medyo masama lang yung pakiramdam niya..."
Sabi naman nung Matthew.
Pero hayaan muna natin siya at ituloy natin ang pag-cecelebrate!"
Sabi ng Alvin.
Medyo hindi ko nagustuhan ang mga sinabi nila. Pero sa tingin ko nawala talaga si Richmond sa eksena. Kaya gusto ko siya hanapin, baka nasa pali-paligid lang siya. At may pakiramdam ako na may kakaibang nagyayari rito kay Richmond! At nagsimula ito sa Voc Camp sa Seminaryo.
Kaya nawala rin ako sa eksena at hinanap si Richmond sa paligid ng Basketball Court at ng Simbahan.May naabutan akong dalawang mga dalaga at kasama nila ang isang medyong matandang babae na hinahanap rin si Richmond.
Kaya nilapitan ko sila.
Kilala ko ang isa sa kanila, si Anne ang Girlfriend ni Richmond."Hinahanap niyo rin si Richmond?"
Tanong ko sa kanila.
"Opo, kayo rin po ba Bro. Aries?"
Sabi sa akin ni Anne.
"Oo..."
Pagkasabi ko nun.
May lumapit na isang lalake sa amin. At kilala niya si Anne, tulad pala namin siya na hinahanap si Richmond.
Nagpakilala kami sa bawat isa...Si Andrew ang nagpakilalang lalake. Habang ang isang dalaga ay si Joana, na parang pamiliar siya sa akin. At ang medyo matanda na babae ay si Marceline Espiritu. Nagpakilala silang dalawa bilang mga kasambahay nila Richmond. Habang si Andrew ay nagpakilalang kaibigan ni Richmond.
Ako pinakilala ko ang sarili ko sa kanila... At nagpakilala lang na kaibigan rin ni Richmond."Total, pare parehas lang rin tayo ng hinahanap maghiwa-hiwalay tayo."
Sabi ko.
Kaya, kami ng Andrew sa buong paligid ng Simbahan. Si Anne sa paligid ng Court. Kasama sila Joana at si Nanay.
Sa gitna ng paghahanap namin...
Sinilip mag-isa ni Andrew, ang parking lot ng simbahan. Habang doon naman ako sa likuran ng Simbahan... Nagdasal pa ako kay St. Anthony para makita si Richmond. Tinatawag ko rin si Richmond baka sakaling nandoon lang siya."Richmond! Nasaan ka na?!... Grabeh ah nakakapaos toh!"
... At biglang may natapakan akong isang bagay... Isang maliit na Wooden Cross, at isa pala iyong kwintas. At parang ito yung kwintas na sinusuot ni Richmond. Naalala ko nga! Ito nga! Kaya mas naganahan pa akong tawagin siya at hanapin siya doon. Pero wala talaga! Ilang saglit rin nagkatipon tipon ulit kami.
"Pre, wala talaga si Richmond eh! Hindi ko nakita, nilibot ko na halos ang buong paligid ng Simbahan! Wala talaga eh!"
Sabi sa akin ng Andrew.
"Hoy Andrew, Huwag mong I-Pre iyan... Hindi mo ba nakita na isa siyang brother!"
Sabi naman ni Anne.
"Hindi, Ayos lang. Kayo nakita niyo ba siya?!"
Tanong ko sa kanila...
"Hindi eh! Nasaan na kaya iyon si Richmond? Bakit bigla siyang umalis?"
YOU ARE READING
One Call Away
SpiritualSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...