Pagdating sa Prinsinto.
Agad akong pinagreport ng mga nangyari. Kinuha rin ang statement ni Aries, at sinama niya na rin dito ang statement ni Fr. Abe na naiwan sa monasteryo dahil nga sa first profession.Pagkatapos nun...
Dinala ako sa Ospital kung nasaan ang mga kasamahan ko. At para ma-check up din ako
Maayos naman ang mga lagay nila Alvin at ni Reyven.Sobrang nalungkot at nag-aalala naman ako sa kalagayan nila Andrew at ni Matthew. Dahil parehas silang na-comma at nasa ICU.
Si Xander ay hindi pa bumabangon mula ng dalhin siya sa Ospital. At nanganganib na baka matulad rin siya kanila Andrew at kay Matthew. Kaya binabatayan siyang mabuti.
Wala pa yung pamilya namin ni Alvin.Nandoon na si Sir Henry Goya, ang tiyuhin nila Matthew at ni Reyven. Habang nandito ako nakahiga at patuloy na binabantayan ang kalagayan ko. Dito ko siguro hihintayin ang mga magulang ko. Bigla akong pinuntahan ni Aries.
"Ok ka na ba? Anong sabi sayo ng mga doktor?"
Tanong niya.
"Ok lang naman ako. Wala namang masyadong na-damage sa katawan ko. Kunting sugat at pasa lang sa ulo. Tapos sa katawan. Pati yung sugat sa hita ko. Yun lang naman ang nasuri nila sa akin. Kaya ginamot lang nila ako ng unti at yun, ok na ako..."
"Ipagdarasal ko kayong lahat. Ano, mukhang kailangan ko nang bumalik muna ngayon sa monasteryo..."
"Ah, Oo sige! Sorry at naabala pa kita sa pagdalo ng first profession..."
"Ano ba wala yun. Mas importante ang kalingtasan mo."
"Ipaabot mo ulit ang taos puso kong pasasalamat kanila Fr. Abe sa mga kasamahan niya roon sa monasteryo..."
"Oo naman. Sige na mag-iingat ka..."
At kinamayan naman ang isa't isa at tumuloy na si Aries.
Pagkalipas ng 4 na oras...
Dumating sina Mama at si Dad, niyakap nila ako agad ng makita ako. Lalo na si Dad na parang ngayon lang ako muling nakaranas sa kanya ng ganung yakap na may halik pa sa ulo ko.
At si Mama na mangiyakngiyak na parang di niya aakalain na makikita niya pa ako ulit...
May halong alala at tuwa nila akong pinagmasdan at kinausap sa higaan ko. Tila laking pasasalamat na lang nila na buhay ako at nasa maayos na kondisyon kumpara sa iba kong mga kasamahan.Napagtanto ko rin ang mga sinabi ni Aries sa akin. Napagtanto ko na lahat ng iyon ay tama. Kaya gusto kong ikahingi ng tawad ang lahat ng sinabi ko sa Diyos. Ang lahat ng aking pagkabagot at pagka-galit sa Kanya. Inaamin kong hindi ko dapat sinabi ang lahat ng iyon. Sa halip ay tignan pa rin ang mga bagay bagay sa magandang paraan, gaano man ito kadilim. Gaano man kasama ang mga pagdurusang naranasan ko...
Napag-isip isip ko rin ang lahat. Ang lahat ng tila panunuyo ng Diyos sa akin. Sa gitna ng lahat ng ito. Gusto ba talaga ako ng Diyos, sa kabila ng lahat ng mga inasal ko sa Kanya. At sa gitna nitong kinalalagyan ko sa buhay ko? Tila pinipigilan niya kong maging artista. At may iba pang bagay na kung saan Niya ko gustong dalhin? Sasabay ba ako?... Paano...?
Kinabukasan...
Binisita ko sila Andrew nakikita ko na malala talaga ang lagay niya. Ganun rin nang puntuhan ko si Matthew. Pareho silang wala pang katiyakan kung kailan magigising, dahil parehas silang nasa Comma.
Nakausap ko si Reyven, Ikwenento niya na noong maiwasan ni Andrew ang sasakyan. Nagising sila bigla at nang makikita namin na masasagasaan kami sa isang puno, hinirang raw ni Matthew ang sarili niyang katawan para protektahan siya. Kaya natamaan ng matindi ang ulo ni Matthew dahil sa impact ng Van sa harapan. At iyon ang dahilan kung bakit siya na-comatose."Magiging maayos rin sila Matthew, at si Amdrew. Kailangan lang nating manaling at huwag mawalan ng pag-asa."
Sabi ko kay Reyven.
Sinunod kong pinuntahan si Xander, na nanatili pa rin sa kwarto niya...
"Xander, Ayos ka lang?"
Tanong ko siya habang nakikita ko siyang tuliro. At hindi niya ako inimikan...
"Balita ko na hindi ka na raw makakalad?"
Sinabi ko na lang sa kanya.
Pero nanatili siyang tahimik..."Alam kong hindi mo tanggap iyon. Pero kailangan nating tanggapin ang lahat. Magiging maayos rin ang lahat!"
At biglang...
"Maayos?! Sa tingin mo magiging maayos ito?!!! Sinabi na sa akin ng Doktor na wala nang pag-asa! Wala na Richmond! Wala na! Hindi na ako makakalakad pa!!! Hindi ito magiging maayos Richmond! Hindi na!!!"
May galit niyang sinabi...
"Pero Xander, Huwag pa rin tayong mawalan ng Pag-asa. Manaling lang tayo..."
"Hindi ko nga alam kung dapat pa ba akong manaling eh?! Bakit hinayaang mangyari sa atin ito?!!! Paano na lang ang lahat?! Ang project natin? Ang mga nasimulan natin? Yung career natin?? Tuluyan pa ba nating iiwan iyon lahat?!"
Sa sinabi niyang iyon...
"Pero Xander, kailangan muna nating isipin ang sarili natin bago iyan. Marami pang bagay ang dapat mong pasalamatan."
"Shut up Richmond, you do not talk like that! Parang hindi na ikaw ang dati! Ano bang nangyayari sayo Richmond??... Sa tono ng pananalita mo parang gusto mo nang balewalain ang pag-aartista natin ah?!"
"Di naman sa ganun, Xander, ang gusto ko lang sabihin ay magiging ok din ang lahat..."
"Pero paano? Paano sa sitwasyon ko? Sa sitwasyon ng iba sa atin?! Paano na?... Paano na ang lahat!!!"
Pilit ko siyang pinapakalma sa galit niya Pero tila ayaw niya nang makining. At pinaalis niya na ako dahil sa hindi raw ako nakakatulong sa kanya. Nag-alala ako kay Xander. Bukod sa pisikal niyang lagay, kundi pati na rin sa kawalan niya ng pag-asa at pagtitiwala.
Samantala...
Si Alvin ay nauna nang umalis sa Baguio. Pero maayos naman siya, nagkaroon lang siya ng mga maliit na sugat sa ulo at sa kamay.
Habang iniimpake ang mga gamit namin at hinahanda na ang mga sarili namin na lumabas ng Ospital.
YOU ARE READING
One Call Away
SpirituellesSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...