Chapter 37: Pagtitiwala

47 0 0
                                    

Third Person

Nanatili si Geronima sa piling ng kanyang mga anak. Kahit pinagtatabuyan siya ng isa niyang anak na si Peter. Kinalaunan, hindi na kinaya ni Geronima ang mga masasakit na pananalita sa kanya ng kanyang anak. Kaya nagdesisyon siyang umalis na lang muna. Wala siyang alam na mapupuntahan. Kaya bumalik na lang siya ng Manila. Bumalik siya sa Simbahan ng San Jose, kung nasaan si Fr. Juarez at habang nasa Pilipinas pa ang kapatid nitong si Teresita. Na balak umuwi sa kanila, sa Bataan kinabukasan.

Malakas ang ulan nung gabi na iyon ng makarating siya sa simbahan ni Fr. Juarez. Kumatok siya ng malakas mula sa kumbento.
Nang marining ni Fr. Juarez ang katok sa pinto. Agad siyang pumunta sa pintuan ng kumbento para pagbuksan ang kumakatok.
At nakita niya nga si Geronima na basang basa sa ulan.
Agad siyang pinapasok ni Fr. Juarez...

Pagkapasok ni Geronima,...

"Anong nangyari-"

...dala ng emosyon ay napayakap siya kay Fr. Juarez.

Di rin nagtagal eh inalis ni Fr. Juarez ang pagkayakap at umakyat silang dalawa sa Rectory Room.
Pinaupo ni Fr. Juarez si Geronima at binigyan ng tuwalya saka pinagtimpla pa siya ng mainit na kape.

"Kamusta? Anong nangyari?" Tanong ni Fr. Juarez.

"Ang totoo, father hindi naging maayos ang lahat... ayaw makining ni Peter sa akin. Puro masasakit na salita ang naririning ko mula sa kanya. Habang pinakikiusap ko siya ng ilang beses na patawarin ako. Pero, pinaaalis niya ako.
Naaawa rin ako kay Andrew, mukha kaseng lumalala ang lagay niya. At wala akong magawa para gumaling siya agad. Lalo na nung nakausap ko yung mga doctor doon. Na baka lumalala pa ang lagay ni Andrew dahil sa mga pinsalang natamo niya. At marami na rin kaming gastos sa ospital. Tapos, nadiskubre kong nagtutulak ng ilegal na gamot si Peter. Para lang may paggastos sa kapatid niya. Yun ang dahilan ng mainit naming sagutan. At inamin niya sa akin na matagal na nila itong ginagawa ni Andrew, kasama ng tito nila yung kapatid ng asawa ko. At dahil rin dito, nakapagtayo sila ng isang bar sa Manila. At doon mas pinagpatuloy nila ang pagbebenta at pagtutulak ng ilegal na droga. Lalo na sa mga kabataan, at sa ilang mga malalaking tao at mga personalidad na pumupunta sa bar nila.
Doon naglumo ako, dahil sinisi ako ni Peter kaya naging ganun ang buhay nila dito. Masakit bilang isang ina na marining ang mga masasakit na salita mula sa anak mo. Hindi ko rin ito kinaya lalo't napag-isip isip ko rin ang mga sinsbi niya sa akin..."

At naging emosyonal lalo si Geronima...
Desperado na siya dahil sa sitwasyon niya ngayon.
Nakikining si Fr. Juarez sa kanya at napuno ng matinding habang dahil sa mga nararanasan niya.

"Geronima naniniwala akong magiging maayos rin ang lahat. Huwag kang mangamba. Nandito Ako, at kasama mo ang Diyos sa lahat ng mga pinagdadaanan mo ngayon. Tama ang ginawa mong maparito muna para mabigyan ng oras ang anak mo sa'yo. At kailangan mo rin yun, alang alang na rin sa kanila. Pero huwag kang susuko at huwang mo silang bibitawan. Kumapit ka lang. Kahit ano pa yang narining mo o nakita mo sa kanila, isuko mo lang sa Diyos, at magiging ayos rin ang lahat. Siya ang bahala sa iyo. Manalig ka lang."

"Luke... Paano kung hindi kita pinigilan noon? Siguro hindi ganito ang buhay ko ngayon. Siguro mas magiging maayos at maganda ang nangyayari sa akin. Alam mo Luke, sayag na sayag ka talaga. Ikaw ang matino at maayos na lalake na nakilala ko, nakasama ko at higit sa lahat ang minahal ko ng minsan. Ilang beses ko ring napagtanto na kung paano kung hindi nga kita pinigilan, edi sana minahal pa kita, sana hindi ito..." 

Nasabi ito ni Geronima sa harap ng taong pagmamay-ari na ng Diyos at minahal niya rin ng sobra.

"Ano bang sinasabi mo Geronima? Ang lahat ng iyon ay hindi mangyayari. At kailan man, hindi mangyayari. Dahil nung panahon na nagkakilala tayo iyon ay dumaan lamang sa mga buhay natin. Dahil may plano ang Diyos sa akin at sa'yo Geronima. Na mas maganda, at mas nakakabuti sa ating dalawa..."

One Call AwayWhere stories live. Discover now