"Iyon ba ang Pari niyo?..."
Tanong ni Reyven habang tinuturo niya si Fr. Ferdinand, ang dati naming parish priest na naka-itim na polo na may Roman collar sa leeg. At may suot na malaking cross. At nagmamadali pang maglakad noon.
Kilalang magaling mag-homiliya at napaka-relihiyoso at isa sa mga kinahuhumilingang Pari ng mga tao dito noon si Fr. Ferdinand Banyaga. Noong nakaraang taon lang siya na-assign dito. At naging maganda at maayos ang pakikitungo niya sa mga tao. Dahil rin sa kanya, marami ang naganahan at na-iganyong magsimba. Halos lahat ng tao, lalo't mga bata at mga mahihirap ay gustong gusto siya."Hindi lang siya, may isa pa kaming Pari si Fr. Juarez. Siya ang recent na parish priest ng parokya o ng Simbahang ito."
Sagot ko sa itinanong ni Reyven.
Ano kaya ang ginagawa ni Fr. Ferdinand dito?
"Richmond, kung iyon ang magiging buhay mo. Hindi impossible na matulad ka sa Paring iyon kanina. Nakita mo naman na medyo payat siya, mukhang puyat at pagod. Maraming mga dala, pawis na pawis at parang lagi pang nagmamadali. Pabalik balik pa halos dito sa Simbahan. Tapos mainit pa ang suot niyang pulo. Na pati leeg todo takip! Tapos malayong malayo na talaga ang itsura mo sa ngayon kung nanaisin mong maging tulad niya. Oo, para ka ngang banal pero mukhang mahirap at marami kang pagdadaanan. Makakaya mo ba iyon lahat?"
May pagpapahiwatig niyang tanong sa akin na parang gusto akong paringang matutulad ako kay Fr. Ferdinand na nakita namin kanina. Medyo ningitian ko na lang iyon.
"Kung iyon talaga ang gusto ng Diyos sa akin. Hindi ko alam... Siya na ang bahala... Alam kong gusto pa ng Diyos ng malaking bagay para sa akin."
Sagot ko kay Reyven.
"Sige, Kung ganun nga iyon, sana maisakatuparan mo. Kung iyon na talaga. Alam ko namang siya ang bahala eh..."
Sabi naman niya.
Naisip ko rin si Fr. Ferdinand pati ang iba pang mga kaparian at mga taong pinasok ang bukasyon sa relihiyosong pamumuhay. Kung naisakatuparan nila sa tulong ng Diyos ang "Tawag" na ito sa kanila. Paano pa ba kaya sa akin? Impossible nga ba??... Wala ngang impossible kung sa tulong Niya. Alam kong idedepende ko lang ito sa kung paano siya kumilos sa buhay ko.
Pagkatapos nun...
Pinili munang mauna ni Reyven. Habang pinili ko namang manatili muna dito... Mabuti at naisakatuparan ko na madala dito si Reyven. At sinubukan niyang mapag-isip at manalangin dito at nakita ko na parang naging epektibo naman iyon.Maya maya lang lumabas sila Fr. Juarez at si Fr. Ferdinand nang nag-uusap. Hindi niyo maiisip kung paano lagi nag-uusap ang dalawang mga pari na ito... Seryoso sila lagi, at paring pari talaga kung nag-uusap. At para silang galit pero hindi naman talaga. Yung alam niyo yun yung parang may mga pinaglalaban sila sa mga usapan nila na minsan pa nga para silang nagiging mga OA.
Pero hayaan mo na...
Ngayon lang kase sila nag-uusap.
Pagkatapos nilang magpalitan dito sa parokya.Pagkatapos ng medyo mahaba haba nilang pag-uusap.
Nakita ako ni Fr. Juarez saka agad akong nilapitan."Richmond, Anong ginagawa mo dito?"
Tanong niya sa akin...
Habang si Fr. Ferdinand ay lumuhod muna sa pew at nagdasal muna."Napadaan lang po, ngayon na nga lang, ako napapadaan dito eh."
Tapos nag-mano muna ako sa kanya.
Saktong natapos nang manalangin si Fr. Ferdinand. At tinawag siya ni Fr. Juarez ng pasigaw pa at rining pa sa buong Simbahan.
"Ano yun Padre bakit mo ko tinawag?"
Tanong ni Fr. Ferdinand kay Fr. Juarez.
"Kilala mo naman yata si Richmond diba?"
YOU ARE READING
One Call Away
SpiritualSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...