Chapter 8: Voc Camp

99 1 0
                                    

Richmond

Sabay kami naglakad ni Anne pauwi at malapit na kami sa kanila. Nang may sinabi siya sa akin...

"Sure ka na ba next week?"

Tanong niya sa akin.

"Sa Voc Camp? Oo naman!"

Tanong ko sa kanya.

"Basta masaya raw yun! At mukhang mag-eenjoy ka naman!"

"Sa Sacred Heart yun gaganapin sa Seminaryo? Ano kayang camp ang gagawin doon sa Seminaryo?"

"Sabi nila may Sportsfest daw doon, teambuilding, Bon Fire, Party, at Tour. At up to sawang kainan."

Mukhang kakaibang klaseng camp ito. At mukhang magugustuhan ko rin.

"Are you ready to sacrifice your one Week for me?"

"Ah, Oo naman! Ilang beses na akong nakakasali sa mga ganyan! Dati akong boyscout diba?"

Dati rin akong Boyscout! At matagal tagal na rin noong huli akong makasama sa isang Camping! At sasali ako ulit.

"Sana magustuhan mo nga doon."

"Sounds Interesting and Exciting too."

"Yun!"

At saktong nasa bahay na niya kami. Kaya nag-paalam na siya sa akin at pumasok na sa loob ng bahay nila.
Pagkatapos ko nang ihatid si Anne
umuwi na ako sa amin.

Kinahapunan...

Kumatok si Anne sa pinto ng bahay namin. Agad ko naman siyang pinag-buksan at pinatuloy. Nagulat ako at maraming siyang mga dala na bala ng palabas na puro mga Action, Horror, at mga Romantic Comedy. Mga tipo ng palabas na paborito naming panoorin ni Anne.

"Movie Marathon?" aya niya.

"Dami mo namang dala!"

Sabi ko kay Anne na gulat na gulat.
Saka tinulungan ko siyang bitbitin ang mga CD na dala niya. At nilagay ko na sa maliit na mesa sa sala namin. Tapos umupo na kami ni Anne sa Sofa.

"Oh Anong una nating panonoorin dito?"

Tanong ko kay Anne.

"Ikaw?, Ano?"

Balik niya ng tanong sa akin.

"Mapapanood ba natin itong lahat ng buong maghapon?"

Tapos kinuha ni Anne ang isang CD ng Romantic Comedy na palabas.

"Ito unahin natin panoorin!"

Sabi niya sa akin.

Tapos may nakita akong isang astig na Action Movie! Kinuha ko ang bala nun...

"Ito na lang oh! Maganda toh!"

Alok ko sa kanya.

"Eto na lang! Ang ganda kaya nito kaysa diyan!"

"Eh... Ang Corny kaya niyan." 

Nag-matigas kami sa isa't isa. At ipinaglaban ang mga gusto namin...

Hanggang sa makita namin sa mesa ang CD ng isang astig na Horror Movie. Pareho naming gusto iyon at gusto panoorin. Kaya nagkasundo kaming iyon na lang ang isalang.
Sa kalagitnaan ng panonood namin. Palihim akong nag-order ng Pizza at nagpaluto kay Nay Marci ng Popcorn at nagpatipla ng Icetea sa kusina.
Ilang saglit lang. Naunang i-serve sa amin ang Popcorn at Icetea ni Nay Marci sa amin. Tapos medyo matagal tagal bago dumating ang Pizza na inorder ko. Sa tagal, nakalimutan ko pa na nag-order pala ako ng Pizza.
Kinain namin yun habang nanonood.

One Call AwayWhere stories live. Discover now