Chapter 12: VC Day 2

72 1 0
                                    


Kinabukasan...

Hindi ko pala namalayan na nakatulog pala ako pero nagising agad. At parang ang aga aga ko nagising ngayon ng kusa. Ganito yata ako, na naninibaguhan. Sumilip ako sa kama ni Kenneth at wala na siya doon. Sumilip rin ako sa kama ni Bro. Stephen pati rin siya ay wala na rin siya doon. At napapansin ko na marami nang pumupunta ng banyo para maligo.
Kaya kinuha ko na yung mga gamit ko panligo at pumunta na sa banyo para maligo.

Pagkatapos, pinababa na kami sa Chapel. Nakita ko doon si Kevin kasama si Arnold. At sabay na kaming pumunta sa Chapel. Umupo kami sa parehong pew sa medyo harapan. Ilang saglit rin dumating sina Kenneth at si Kuya Albert. At naki-upo rin sa amin. Ilang saglit lang rin, nagsimula nang manalangin na pinangunahan ni Bro. Aries tapos sinundan ito ng Misa.
Pagkatapos ng Misa, pumunta kami ng refectory para kumain ng agahan.

Pagkatapos nun, syempre kanya kanyang usapan pagkatapos ng pagkain. At syempre ang naririning namin na maliit na bell ang sumisira sa masarap na usapan ng lahat. Na pinapatunog ng pari na nasa kabilang mesa. Hudyat iyon na tapos na ang kwentuhan. Kung kahapon kami ang washers ang groupo naman nila Kenneth ngayon.

Pagkatapos nun, pumunta kami kay Fr. Aernest para i-claim ang aming cellphone. Ang aming susunod na sched ay makikining ng isang talk sa Conference Room. Na aabot ng ilang oras. At ilang saglit rin ay pinapunta na kami sa Conference Room. At nakinig sa  Speaker na si Fr. Carlos Santos ang Rector ng Seminaryo. Tungkol sa Vocation o Bokasyon. Tulad ng kung ano ang nakasulat sa Schedule.

"Ok let's rise and let's us begin with a prayer. In the name of the father..."

Pagsisimula ni Fr. Carlos at
pagkatapos magdasal ay tumambad sa screen ang salitang Vocation.

"Ano ang naiisip niyo pag nakita niyo o narining ang salitang iyan."

Tanong sa amin ni Father habang tinuturo ang salitang Vocation sa screen.

"Panawagan po." Sagot ni Kenneth.

"Paglilingkod po sa Diyos." Sagot naman ni Kevin.

"Eh ikaw hijo, ano sa tingin mo ang Vocation?"

Tanong sa akin ni Fads.

"Ahm, Pagpapari po." Sagot ko.

"Pagpapari! Lahat ng mga sinagot niyo ay tama. Pero bago natin malaman ang tunay na kahulugan ng isang salita. Alamin muna natin ang etymology nito. Ang salitang Vocation ay galing sa latin na Vocaré na ibig sabihin ay To Call o tumawag. At mayroon tayong tinatawag na three kinds of vocations. Una ang Single Blessedness ito ang mga taong hindi na nag-aasawa dahil inilaan na nila ang buhay nila para sa paglilingkod. Tulad ng iba ninyong mga teachers na tumanda nang binata o dalaga. Dahil mas gusto nilang ituon ang atensyon nila sa pagtuturo kaysa sa pagkakaroon ng pamilya. Ang sunod ay ang Married Life, ito yung kung saan tayo pamilyar lahat. Dahil dito tayo galing. Isang halimbawa nito ay ang mga magulang natin na tinawag ng Diyos para bumuo ng pamilya. At ang huli ay ang Priestly and Religious Life. Ito naman ang mga taong tinawag ng Diyos para maging pari o madre. Na maglilingkod sa Simbahan para sa Diyos at para rin sa Tao. Walang nakakahigit sa mga ito. Lahat ito ay pantay pantay at kailangan sa Simbahan. Dahil lahat ito ay Bukasyon na nangangailangan ng Discernment dahil ito ay isang Tawag na bukas para sa lahat. Yung iba sa inyo ninanais pasukin ang bukasyon ng pagpapari pero hindi lahat ay makakamit iyon. At hindi rin lahat ng hindi nagnanais para dito ay hindi matatawag para dito. Lahat tayo ay maaring tawagin ng Diyos sa Bukasyon ng pagpapari. Dahil ang Diyos ay walang pinipili kung sino ang tatawagin niya. Malay mo baka tinatawag ka para pasukin itong bukasyon na ito.
Ang kailangan mo lang ay manalangin at magnilay-nilay at pakingan ang tawag ng Diyos diyan sa puso mo. At tandaan niyo lang lagi na, Manny were Called but few were Choosen."

One Call AwayWhere stories live. Discover now