Chapter 27: Mga Hadlang

60 1 0
                                    

Richmond

Biglang dumating sila Sir Ashton kasama ang iba naming mga stufts at si Daphne.

"Richmond Ayos ka lang?"

Sabi sa akin ni Daphne.

"Ayos lang ako... Wala namang mga  malalaking pinsala sa akin."

Sabi ko.

"Oh Richmond... Ayos ka lang ba?!... Ahm... Yung mga kasama mo?... Sila Xander, Matthew, at si Reyven?"

Nag-aalalang sinabi sa akin ni Sir Ashton.

"Uh... Nasa ICU si Matthew pati si Andrew yung nag-drive sa amin. Si Xander nandoon po sa second floor si Reyven nasa Kwarto ni Matthew."

Sabi ko sa kanya.

"Ikaw... Mukhang ayos ka lang naman at walang nangyaring malala sa iyo?... Mabuti na lang at mas maayos ang lagay mo sa kanila..."

Sabi pa niya sa akin.

"Ahm... Sir, Mauna na po kami..." 

Pagpapaalam ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya pag nakita niya ang kalagayan ng mga kasamahan ko.

Uuwi na sana kami pero nag-aya si Mama na mamasyal muna. At samantalahin ang lahat dito sa Baguio. Masaya kaming nag-bonding na magkakapamilya. Iyon na yata ang pinakamasaya naming pamamasyal.  Dahil bibihira lang iyon At napaka-espesyal rin dahil doon ko naramdam na mahal na mahal pala ako ng pamilya ko. Halos pinuntahan namin lahat ng mga pasyalan dito sa Baguio at nang bandang hapon na, nagdasal kami sa Baguio Cathedral, bukod kay Papa.

Nagpasalamat ako sa Panginoon at binigyan niya pa ako ng pagkakataon na muling makapiling ang aking pamilya. At dahil doon, ipinakita niya sa akin na mahal pala ako ng aking pamilya.

Pagkatapos nun...
Inakyat namin ni Mama ang Grotto.

"Alam mo ba Anak, Inaakyat namin ng Papa mo itong Grotto na ito dati. At dito rin namin ipinahayag sa isa't isa ang aming pagmamahalan."

Sabi sa akin ni Mama habang umaakyat...

Unang beses ko palang na umakyat ng Grotto at habang papalapit kami sa tuktok ibang pakiramdam ang nararamdaman ko. Medyo hindi ako napagod, sumasarap pa yata ang pakiramdam ko at napuno ako ng pasasalamat!

Pagkadating sa tutok, nagtirik kami parehas ni Mama ng kandila at muling nagdasal sa harap ng Mahal na Birheng Maria. Humingi rin ako ng lakas ng loob, at gabay sa mga maaring pagbabago na mangyayari sa buhay ko. Hindi iyon impossible. Lalo't marami akong na-realize mula sa nangyayari sa akin ngayon. Isinama ko rin ang mga kasamahan ko sa dasal.
Pitong kandila ang tinirik ko; yung anim ay para sa mga nakasama ko sa aksidente. Yung isa ay para sa mga hakbang na gagawin ko para tuparin at alamin ang tunay na dahilan ng lahat lahat. Simula nang mga nangyari sa chapel sa seminaryo noong Voc Camp.

Pagkatapos nun...
Umalis na kami ng Baguio at umuwi na pabalik ng Manila.
Medyo na-truma ako sa biyahe dahil nga sa nangyari. Mabuti nahalata ni Mama ang lahat at pinagsabihan akong huwag matakot dahil nasa tabi niya lang ako. At maging kampante dahil maayos naman magmaneho si Papa. Pagdating namin sa amin dito sa Manila na medyo gabi na. Sa wakas at nakauwi na rin ako!

Sobrang saya ko!

Pagpasok na pagpasok sa loob ng bahay ay sinalubong agad ako ng mahigpit na yakap ni Nay Marci habang umiiyak...

"Salamat naman sa Diyos at ligtas kang nakauwi dito!"

Sabi pa ni Nay Marci sa akin.

Sinalubong pa kami ng iba pa naming mga kasambahay kabilang si Joan na tuwang tuwa.

One Call AwayWhere stories live. Discover now