Nang ako na lang ang mag-isa at wala na ang mga kasamahan ko.
Dinalian ko ang pag-uwi dahil hating gabi na! Kailangan ko nang dalian pag-uwi at baka nag-aalala na sa akin sina Mama at si Dad!At nang dumating na ako sa bahay namin. Pinagbuksan ako ni Nay Marci agad...
"Oh Richmond! Bakit ngayon ka lang? Hating gabi na ah? Kala ko hindi ka magpapagabi?!"
Sabi sa akin ni Nanay Marci habang pinapasok ko ang aking motor sa loob ng garage namin. At napansin niya na napainom ako...
"Parang amoy alak ka ah? Nakainom ka ba Richmond?"
"Tulog na po ba sina Mama at si Dad?"
Tanong ko kay Nanay Marci para di nila ako makita.
"Nako! Naghihintay yun sila sayo Nag-aalala na nga sila sayo eh. Tinawagan na nila si Anne at ang lahat ng mga kaibigan mo. Pero wala rin silang alam kung nasaan ka?! Tignan mo pa naman kase alas dose na ng gabi ka na dumating?! Saan ka ba galing kasi?! At nakainom ka ba? Bakit ka amoy alak?!"
Habang salita ng salita si Nanay Marci ay natataranta ako at napapaisip kung ano ang sasabihin ko kanila Mama at kay Daddd. Lalo't amoy alak ako at medyo nakainom. Tapos hating gabi na ako dumating. Hindi ko ito ginusto! Hinila lang ako ng mga kasamahan ko sa ganitong Sitwasyon! Kaya di ko alam tuloy kung ano ang gagawin ko ngayon! (Kaya Huwag Tularan si Richmond!) Wala akong choice kung hindi pumasok sa loob ng bahay namin. At pagpasok ko nandoon si Papa! Na nakaupo sa couch. Tumayo siya agad ng makita ako.
"Saan ka galing at hating gabi ka na nakauwi?!"
Galit na tinanong ni Dad sa akin. Napatahimik ako saglit at...
"Papa! Sorry, Kase..."
"Anong Sorry? Alam mo bang alalang- alala kami Sayo! Di kami makatulog sa kakahintay sayo! Saan ka ba galing?!Parang habang tumatagal, pagabi ng pagabi ang uwi mo! Baka mamaya alas-6 ka na ng umaga umuwi! Or Worst, baka di ka na umuwi dito! Sige! Doon ka na sa mga kabarkada mo! Total parang sila lang naman ang mga mas mahalaga sayo! Kaysa sa amin!!!"
Hindi ako nakasagot, at bigla akong nagtimpi sa lahat ng sinabi niya. Sinabi ko na lang sa isip ko na: Hindi ko naman ginusto na maka-uwi ng ganitong oras. Nagkamali lang ako sa pagsama sa mga kaibigan ko. At minsan nga naiisip ko na parang sila ang nakakaintindi sa akin kaysa sa inyo eh! Na puro trabaho na lang lagi ang inaatupang! Kaya nagpatuloy ako sa paglakad paakyat sa kwarto ko kahit alam kong may sasabihin pa sa akin si Papa.
"Richmond! I'm still talking on you!"
Sabi ni Papa sa akin nang makita niya akong paakyat na.
"Amoy alak ka ah? Are you drunk?! Tell me, Where have you really been?!"
Galit niyang tanong sa akin.
"Pagod na pagod na po ako Pa..."
Sabi ko.
"Answer me! Where have you been?!
Tanong ni Dad sa akin na pilit niyang pinapasagot sa akin kahit ayaw ko. Dahil alam kong magagalit siya pag sinabi ko.
"Ahm, Diyan lang!"
Mahinang sabi ko.
"Saang diyan lang? Aminin mo, pumunta ka sa Inuman noh?!"
Usisa niyang tanong sa akin.
At hindi na ako nakakibo pa dahil yun naman talaga ang pinuntuhan ko."Pero kunti lang ang..."
Mahinang sinabi ko sa kanya...
"Ano ba Richmond! Kailan ka natutong uminom?! Hindi naman kami nagkulang ng pangangaral sa iyo ha?! Siguro dahil yan sa impluwensiya ng mga kaibigan mo?! Alam mo kung ano ang dapat kong gawin sayo? Mula bukas hindi ko na ipapagamit sayo ang motor mo! At tatangalin na kita sa FIVEtastic na yan!"
YOU ARE READING
One Call Away
SpiritüelSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...