Chapter 7: Holy Week

124 1 1
                                    

Richmond

Four days! Four days na kaming hindi nag-uusap at hindi nagkikita ni Anne.
Parang hindi ako sanay ng ganun. Ugh! Sinubukan ko siyang I-Message, I-Text at tawagan. Pero walang sumasagot. Hanggang sa hindi ko matiis ay tumawag ako sa kanila sa landline.
Pero matagal itong sagutin.
Hanggang sa may nag- "Hello" na parang boses babae. At siguro eto na yata si Anne! Kaya nagsalita na agad ako sa kanya.

"Hello? Anne? Anne si Richmond ito! Huy Anne! Beh?! Sorry na oh! Ang tagal na nating hindi nag-uusap, hindi nag-kikita, hindi nagkakasama! Huy! Kausapin mo naman ako oh! Mag-kabati na tayo! Kaka-Anniversary pa lang natin, tapos Ganito na katagal ang tampuhan natin? Parang dahil lang sa maliit na bagay na iyon? Kalimutan na natin yun! Masasayang lang ba ang lahat dahil doon?Huy! Magsalita ka naman oh!"

At nagsalita siya.
Pero nagulat ako na hindi pala iyon si Anne.

"Ahm, Eh Ehm,Richmond? Si Alvin ito! Wala si Ate dito! Nasa Simbahan siya ngayon! Ngayon na kase ang araw na ipeperform na nila ang senakulo nila sa Simbahan."

Sabi ni Alvin. Si Alvin pala ang nagsalita at ang kinausap ko.

"Ahh! Alvin! Oo nga! Muntikan ko nang makalimutan ngayon pala ang senakulo nila Anne!"

Sabi ko kay Alvin sa telepono.

Nakalimutan ko na ngayon pala gagawin at ipapalabas ang senakulo sa simbahan. Kung saan kasama si Anne. At matagal na rin siyang busy dahil doo. At mamayang hapon na iyon!

"Ahm, Alvin, pwedeng samahan mo ako pumunta doon mamaya?"

Pakiusap ko kay Alvin sa Telepono.

"Sige!, Oo naman! Pupunta naman talaga ako doon para panoorin siya eh!"

"Ayos! Pero, Huwag mong sasabihin kay Anne na pupunta ako ah. I-Secreto mo lang!"

"Sige! Pero diba parang gusto niya na manood ka?"

"Ah! Oo, kaya nga pupunta ako eh! Pero, Basta! huwag mo lang sabihin sa kanya! It's a surprise!"

"Oh sige! Sige! Basta 4:30 ng hapon dapat nandoon ka na! Kase, mga 5PM sila magsisimula!"

"Sige! Kita tayo mamaya! Bye!"

Saka binaba ang telepono.

Mamaya personal akong mag-sosory kay Anne. Para mag-kaayos na kami!
Hindi ko na ito kayang patagalin pa!

Kinahapunan...

Pagkadating ko doon sa may bandang gilid ng Simbahan. Nandoon ang stage na may sinaunang tema noong panahon ni Hesus. At maraming mga tao na ang nandoon para manood.
Hinahanap ko si Alvin. Bigla akong nagulat na nandoon pala siya sa likod ko.

"Nakakagulat ka naman Alvin!"

Sabi ko sa kanya.

"Ay sorry, dito na lang tayo banda sa likuran. Kita naman natin diba?"

"Sige, Ano ngang role ni Anne ulit diyan?"

"Siya si Birheng Maria diba?"

"Oo nga pala! Eh si Luz, yung girlfriend mo?"

"Siya si Maria Magdalena!"

"Seryoso?!"

"Oo nga! Tanong mo pa sa kanya!"

Maya maya nagsimula na ang senakulo.

Nakita ko doon si Anne, na naka-belo at naka-suot ng mahabang damit.
At ewan ko kung nakita niya kami dito sa kina-uupuan ko.
Sa kalagitnaan ng Senakulo, nakatulog si Alvin, at bumagsak pa sa balikat ko. Nakanganga pa siya at parang patulo na ang laway.
Pero bago ko pa hayaang magyari yun, ginising ko na siya. At mukhang nagulat siya...

One Call AwayWhere stories live. Discover now