Ad Iesu per Mariam!
Sa Wakas!
Natapos ko na rin ang First Story na ginawa ko dito sa Wattpad!
Halos Isang Taon kung Sinulat ang Story na ito na sinimulan ko pa noong April 2016. At natapos na ngayong May 2017!... Deo Gratias!
Sa Totoo lang, Ayokong Tawaging Author's Note ang section na ito dahil feeling ko hindi pa naman Ako Author... Haha...
Gusto kong Iaalay ang Story na ito Una kay GOD. Dahil ang lahat ng tungkol at ang nakasulat sa Story na ito ay para sa Kanya... Para sa Kapurihan at Karangalan Niya... Gusto ko rin itong Iaalay sa Simbahang Katolika! Na Siyang Tunay at Totoong Tatag ng Ating Panginoong Hesuskristo... Iniaalay ko rin ito sa lahat ng mga Kristianong-Katoliko... Lalo na sa mga kapwa ko Kabataan... Iniaalay ko rin ito Lalo sa mga Tulad ko na Gustong Magpari... Pati na rin sa mga Magpapari, Malapit nang mag-Pari at sa mga Pari na!... Pati na rin sa lahat ng mga Religious at mga Consecrated Man and Women...
Particularly na Inaaalay ko rin ang Story na ito sa mga Religious Congregations na malapit sa Puso ko: Ang Rogationist of the Heart of Jesus (RCJ) at sa Oblates of the Alliance of the Two Hearts (OATH) At sa lahat ng mga Family Community nito tulad ng SMITH, LIHM, Etc... At sa Religious Cenacle Group na Mary Help of Christians Crusade (MHCC).
Bago ko isulat ang Story na ito...
Una ayaw kong Isulat ito dito sa Wattpad dahil baka walang magbasa or dahil sa Hindi nababagay ang ganitong Story sa Wattpad. At dahil na rin sa Wala Akong Hilig magbasa ng Wattpad (Hanggang sa Nahilig na rin HAHA!) at Hindi naman Ako Writter or Author.
Pero nararamdaman ko na gusto ko talaga itong isulat! Gusto kong magsulat ng isang Kwento!... May parang nag-Uudyok sa akin na Isulat ko ang Kwentong ito at Ipakita ang ganitong Story na ito dito sa Wattpad...
Pumasok sa Isip ko, ang Kantang ONE CALL AWAY ni Charlie Puth. Na patok na patok noon... Napansin ko ang lyrics na ito na para bang pang kinanta ito ni Lord eh bagay na bagay! Dahil sa Message ng Kanta... At ang title na ito na parang pwede kong I-Relate o bigyan ng kahulugan sa bagay o sa Salitang BOKASYON, (Or Bukasyon) or sa PAGPAPARI... Na parang ISANG (ONE) TAWAG (CALL) na mula sa KANYA (AWAY, binigyang kahulugan ko ito na "mula sa Langit o mula sa itaas" kung nsaan ang Diyos...)
Pumasok rin sa isipan ko na Bakit Kaya, kung ang isang ARTISTA o SIKAT NA TAO ay Talikuran niya ang kanyang pagiging SIKAT/ARTISTA para maglingkod sa DIYOS o maging isang RELIHIYOSO/RELIGIOUS PERSON na tulad ng PARI...
Actually, Magpapari rin Ako... Papasok na Ako ng Seminaryo...
Buti na lang, at bago pa mangyari iyon ay Natapos ko na rin ang Story na ito!
At noong isulat ko ito, Halos katatapos ko lang nun mag-Search in sa Rogationist... Kaya yung Part ng "Voc Camp" ay ang kwento ng buong karanasan ko sa Vocation Orientation ng Rogationist... Dahil sa Search In na yun kaya Papasok na Ako ng Seminaryo ngayon!...
Sa Katunayan rin, may mga parte ng Story na hinalaw ko sa mga naging Totoo kong karanasan, lalo na sa VOCATION ko. Pero karamihan nang nasa Story na ito ay pawang mga FICTIONAL lang...
May mga pagkakataon, na gusto ko nang isuko ang pagsusulat ng Story na ito... Siguro sa Hiya na magsusulat Ako ng isang Kwento lalo na kung Religiously Related.
Pero may mga pagkakataon rin na Ipinagdasal ko ang Story na ito... Hiningi ko ang gabay ng Diyos at ng Espiritu Santo para sa pagsusulat ng Story na ito... At sa Tulong Niya, eto at Nabuo rin!
Aaminin ko minsan na marami akong napagdaanan sa pagsusulat ng Story na ito... Dahil minsan may mga parts na nadedelete o hindi na nasasave... O kaya ay nabura dahil sa Hung, sa bagal ng Internet atbp, Hindi ko maintindihang nangyayari sa CP ko, dahilan para masira ang ilang parts ng Kwento...
Pero nalangpasan ko rin naman yun... May mga nagawa rin akong solusyon para doon...
Minsan, may mga nagiging inspiration ako sa pagsusulat ng Story na ito. At para magpatuloy Ako sa Pagsusulat ng Story na ito... Syempre number one dyan si GOD at sa lahat ng mga inalayan ko ng Story na ito... Nariyan rin yung mga Magulang ko... At mga kaibigan... Lalo na yung mga Kaibigang nagpapakita sa Akin ng kanilang katatagan sa Pananampalataya at Paglilinkod sa Diyos... Katunayan nga niyan, May mga Characters sa Kwentong ito na mga kinuha ko mula sa Totoong Tao o Personalidad... Yung iba sa kanila Sadyang Tinago ko ang Totoong Pagkakakilanlan nila (Dahil ganun naman dapat Talaga!)... Pero ang Kanilang mga Katauhan o Ugali pati na rin yung ilang pagkakakilanlan at mga nangyari sa totoong buhay; sa Storya ay Binuhay ko.
Minsan rin, sinusulat ko ang isang kwento para pagnilayan o kaya ay ang mga Pinagninilayan at mga pinag-iisipan ko, ay isinusulat ko sa Story na ito!
Pero sadyang may mga parte talaga na Fiction lang talaga... Tulad sa lugar; Walang Brgy. San Jose, San Lorenzo Ruiz at Masikap sa Parañaque City! Dahil Fiction lang ang mga iyon!
At may mga Pagkakamali ng mga Spelling, Grammar, o kaya ay mga Salita sa Story na ito kaya sana maintindihan niyo... Na minsan, dahil sa pagmamadali or dahil na rin sa Keyboard at sa Dictionary! (UGH!)
Sana rin may natutunan kayo sa Story na ito! Kahit Hindi niyo na ito Gustuhan... Ang mahalaga sa Akin ay Maipakita ko ang Pagmamahal ng Diyos at ang Halaga ng Pananampalataya at Bukasyon sa pamamagitan nito... At nagamit ko rin ito bilang pagbabahagi ko ng Kanyang Salita, Gawa, Kalooban; sa Ating lahat, At Sa Ating Buhay...
Sana rin po ay Ipagdasal niyo rin po Ako... Ipagdasal niyo po ang Aking Bukasyon at ang Aking Pagpapari...
At Sana rin po ay makasulat pa Ako ng mga kwento pa na tulad nito sa Wattpad... Kahit nasa Seminaryo na Ako... Maraming Salamat po sa Pagbabasa ng Story na ito! :)Deo Benedicat!
Shout out pala kanila decemberbackto JonnelVilleta at kay Shaneley Matthew G. Lumagod! HAHA!... Kung nabasa nyo man ang Story/Section na ito! Hahaha!!!...
YOU ARE READING
One Call Away
DuchoweSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...