Bro. Aries
Magdarasal na kami ng Banal na Santo Rosario. Tulad ng nasa Schedule.Kanina ko pa napapansin si Richmond na tahimik at parang wala sa Sarili at may malalim na iniisip.
Siguro may pinagdadaanan...
Pero mukhang di naman...
Ewan ko! Bakit naging ganun siya? Masaya siya kanina bago ko pa siya makita sa Chapel na iba na ang itsura! Mukhang naging Santo mula sa isang pagiging Astigin at Artistahin na Heartthrob.Habang nagdarasal, napansin ko na mataintim na mataintim siyang nagdarasal ng Rosario. Parang kada dasal dinarama niya. Hindi kaya naka-usap nitong si Richmond ang Diyos? O kaya nagpakita ito sa kanya? Kung hindi man ang Panginoon baka ang Mahal na Birhen? O kung ano pang mga vissions o apirasyon na nagyari dito sa chapel mula nang makita namin siya doon. Angelus pa naman din noong mga oras na iyon.
Siguro kailangan ko siyang kausapin
Mamaya...Mamaya...
Pagkatapos ng pagdarasal ng Rosario. Tulad ng pagkaraniwan, deretsyo ng Refectory para mag-hapunan.
Susubukan kong alamin kung anong nagyayari sa kanya at bakit parang iba siya ngayon...
Nang magsimula na kaming kumain, parang wala siyang gana.At nang matapos naman, wala rin yata siyang ganang
makipag-kwentuhan di tulad noong mga nakaraang araw..."Uy, Richmond! Ok ka lang? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa sarili at may iniisip?"
Biglang kong pag-tanong sa kanya.
"Ayos lang ako bro.Aries..."
Sagot niya sa akin.
"Sigurado ka?! Parang iba pakiramdam mo ngayon? Masama ba pakiramdam mo?"
"Hindi naman brother, may iniisip lang ako. Pero mamawala na rin ito mamaya."
Biglang lumapit sa akin si Bro. Tom kay Richmond.
"May nag-hahanap sayo, Richmond nasa may desk siya ngayon."
Sabi ni Bro. Tom kay Richmond.
"Sino raw po?" Singit ko ng tanong.
"Bakit mo ba tinatanong?"
Balik lang sa akin ng tanong ni Bro. Tom.
"Hindi po yata maganda ang pakiramdam niya eh."
Pag-aalala kong sinabi.
"Hindi po brad ayos lang po ako, ahm nasa labas po ba siya?"
Sabi ni Richmond.
"Oo nandoon siya sa desk. Mas mabuti kung pupuntahan mo na lang siya doon Richmond." Sabi ni Bro. Tom.
Tumayo si Richmond at pansamatalang iniwan ang pagkain niya para sumama kay Bro. Tom...
"Diyan ka lang Aries at kumain ka lang diyan"
Sabi pa ni Bro. Tom sa akin. Habang akbay akbay si Richmond kasama siya palabas ng Refectory.
Maya maya lang, bumalik na si Richmond..."Sino yung dumalaw sayo?"
Tanong ko sa kanya.
"Ah si Sr. Ian Romero po yun yung assistant ng manager ko at yung producer namin. Huh, gusto akong pabalikin ng Maynila nun eh. Kase may dapat kaming gawin."
Sabi niya.
"Edi, ano?, uuwi ka?!"
Tanong ko.
"Hindi brother! Naayos ko na po yun!"
"Nasaan na siya ngayon?"
"Umalis na po, noong Pagkatapos ko kausapin."
Sa tingin ko umayos na yata siya.
YOU ARE READING
One Call Away
SpiritualSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...