Pagdating sa bahay...
"Hi Reyven, kamusta"
"Buhay ka pa pala Richmond..."
Napaisip ako sa nireply niyang iyon...
Pero baka nag-jojoke lang siya...
Ganun naman talaga...
Tapos nun, parang wala na akong maisip na sasabihin pa sa kanya..."Richmond, pwede mo ba akong samahan pumunta bukas sa opisina mismo ni Sir Ashton? May tatapusin lang tayong gagawin natin."
Napaisip yata ako sa message na isinend sa akin ni Reyven...
Pero, nagkaroon yata ako ng tiwala sa kanya na baka may magyayari sa pagpunta namin kay Sir Ashton bukas.
Kaya sinendan ko siya ng 👍Kinabukasan...
Ginawa ko ang pagkikita namin ni Reyven bilang pagsunod sa gustong magyari ni Papa sa akin.
Maaga akong nagising at umalis
Nag-Commute kami papunta sa pupuntahan namin. Sa opisina ni Sir Ashton sa Makati. Kapwa kaming may suot na mga Jacket para hindi kami makilala sa tunay naming mga pagkatao.Sa sinakyan naming PUV...
Narining namin na napatungtong ang isa naming kanta. Ang kantang pinamagatan naming "Sorry na" kinompose iyon ni Matthew at ginawa namin iyon para kay Anne dahil sa pagtatampuhan namin noon Bigla ko tuloy siyang naalala.
"Sikat na sikat raw iyan ngayon..."
Sabi ni Reyven.
"Talaga?!"
Pagkabigla kong sinabi.
"Oo, Pero wala tayo para makita nila na pinagmamalaki natin itong kanta natin."
At sa mga katabi namin...
Narining namin ang isang mahinang usapan tungkol sa kanta namin."Diba ang mga FIVEtastics ang kumanta niyan? Nasaan na sila ngayon? Bakit parang nawala sila??"
"Oo nga eh, pansin ko rin. Ang Sabi raw may teleserye raw silang gagawin na pagbibidahan pa nila. Pero nasaan na iyon ngayon?"
Nang marining namin ang usapang iyon nanatili na kaming tahimik at huwag nang mag-commento pa ng nagbubulungan. Hindi nila alam na ang mga pinag-uusapan nila ay mga katabi lang nila at kasama nila dito.
Nang dumating na kami sa pakay naming lugar...
Pumasok kami sa gusali at pinutahan ang mismong opisina ni Sir Ashton.
Laging gulat ko pa nung makita namin si Daphne na nandoon sa labas ng opisina ni Sir Ashton. Kaya medyo nailang ako..."Oh, nandito pala kayo! Buti naman at naisipan niyong mapadaan dito?"
Sabi ni Daphne na parang galit.
"Bakit ikaw, lagi kang nandito?"
Tanong ni Reyven sa kanya.
"Hindi! Pinapapunta lang ako ng hindi ko manager dito! Hindi pa rin kase siya sumusuko sa project niya eh!"
Sagot ni Daphne.
Nanatili akong tahimik. At inaya na lang si Reyven na tumuloy na.
Pagbukas ko ng pinto; Naunang pumasok sila Reyven at si Daphne...
"Buti naman nandito ka Richmond! At sinama mo pa si Reyven, magaling! Pag ganito eh magkakasundo tayo!"
Sabi ni Sir Ashton nang pumasok kami.
"Nandito kami para gawin ang dapat gawin! Magreretire na ako, kase doon na ako sa America mag-aaral! Kailangan nandoon po ako. So I have to give up this career and that project also."
Sabi ni Reyven na ikinabigla ko.
"Ugh! Diba puro retirement lang. Ayoko na!!! I quit to be the part of this project! Wala na tayong pag-uusapan pa Sir! Goodbye!"
YOU ARE READING
One Call Away
SpiritualitéSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...