Fr. Juarez
"Wala na akong magagawa Anne, kung iyon na ang gusto niya ngayon. Sa tingin ko ginagawang niya lang ang sa tingin niyang dapat niyang gawin."
Sinabi ko kay Anne nang lumapit sa akin para pag-usapan si Richmond...
"Father, Paano ito?? Mahal ko si Richmond! hindi ko siya kayang mawala sa akin!"
"Bakit hindi mo na lang tanggapin na tinawag nga siya ng Diyos o kaya hayaan mo siyang ibigay ang sarili niya sa Diyos?"
"Ayoko Father! Hindi! Hindi ko hahayaan yang mangyari hindi ako susuko!"
"Pero ano pang magagawa natin? Ito ang plano ng Diyos! Alam mo Anne, mula noong kausapin kita na mag-imbita ka ng kahit isang lalake sa Voc Camp. Hindi ko aakalain at hindi ko talaga inaasahan na si Richmond ang pipiliin mo na pumunuta doon. Hindi ko nga rin inaasahan na papayag siya at lalong hindi ko inaasahan na magiging ganun siya. Pagkatapos ng Camp na iyon, nakita ko at naramdaman ko sa kanya na may kakaibang nangyayari sa kanya. Kaya, hinayaan ko yun sa kanya. At nakita ko rin na parang may pilit siyang iniiwasan. At alam kong may kinalaman iyon sa pagdala mo sa kanya sa Voc Camp. At dahil siguro doon kaya siya nangkakaganyan ngayon. Hindi ko dapat siyang pigilan lalo na kung ang Diyos ang siyang may gawa nito. Dahil iniisip na mayroon siyang Calling, at gusto niyang tumungon sa calling na iyon. "
"Pinagsisihan ko na po! Pinagsisihan kong siya pa ang napili kong pumunta doon! Ang gusto ko lang kase ay matanggap niyo na ang pag-alis ko bilang isang Usheret at Flower Decorator dito sa Simbahan. Kaya sinubukan kong ayain si Richmond, kahit hindi ako siguradong papayag siya. At ine-expect kong hindi siya magiging ganito ngayon!"
"Pero, Anne hindi ko rin ineexpect ito! Ang akala ko ay mananalo ka na sa akin. Ang akala ko ay matatanggap ko na lahat ang disisyon mo. Pasensya na Anne, hindi ko sinasadya kung naging ganito. Ang hangad ko lang kase ay may isa ka pang kunin mula dito sa atin sa Voc Camp at sa dami pang mga kabataang lalaki dito, siya pa ang pinili mo. At Siya rin ang tinawag ng Diyos."
"Hindi po ito usapan tungkol sa pagreretire ko. Pag-ibig po ang pinag-uusapan dito
Hindi rin nagtagal at maluha luhang umiyak na umalis si Anne sa akin. Doon naman, biglang lumapit si Richmond. Kung saan papunta na sana ako sa likod...
Napansin niya yata sa itsura ko na apektado ako sa pag-uusap sa amin ni Anne. Na hindi ko rin naman matatangihan."Ayos lang po kayo Padre?"
Tanong niya sa akin.
"Ayos lang ako, parang ngayon ko lang naramdaman ito. Parang pakiramdam ko may nagawa akong mali kahit sa tingin ko naman ay wala."
Sagot ko sa kanya.
"Si Anne po ba Padre?"
Nakakabiglang tinanong niya.
"May itatanong ako sa iyo Richmond, Alam mo ba kung bakit ka inimbita ni Anne sa Voc Camp?"
"Padre, sa katunayan po, pumayag ako sa inalok ni Anne sa akin dahil gusto kong makabawi sa kanya. Dahil kababati pa lang namin halos noon mula sa ilang araw naming tampuhan. Pero isinalang-alang ko rin po ang pagreretire niya bilang usher at decorator, at ang pakiusap niyo sa kanya na mag-imbita ng sumama sa Voc Camp."
"Hindi ko pinakiusapan sa kanya na pumunta ka sa Voc Camp. Ginawa ko iyon una, para may kahit isa man lang mula dito sa Parokya natin ang makapunta doon. At isa pa, nagkaroon kami ng kasunduan ni Anne, kasunduan na kung saan hindi ko kikilalanin ang kanyang pagreretiro bilang isang usheret hanggang wala siyang nadadala doon. Kaya ka niya ipinadala doon para tanggapin ko ang pagreretiro niya. Ang akala ko pa noon dahil ikaw ang napili niya ay nagwagi na siya kaso. Hindi, dahil pag may dinala siya doon na naisipang pasukin ang bukasyon. Mananatili pa rin siyang taga-ayos ng bulaklak kapag may espesyal na okasyon sa Simbahan."
YOU ARE READING
One Call Away
SpiritualSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...