Chapter 38: May Dahilan...

42 1 0
                                    


Maya maya...

Napatawag bigla si Reyven sa akin.
Parang sinandya ito sa gitna ng pag-iisip ko na kausapin siya sa mga nalaman ko kay Fr. Juarez. Sa gitna ng marami pa akong gustong linawin!

"Hello Reyven?"

"Rich, pwede mo ba akong samahang pumunta sa condo nila Xander? Gusto ko lang puntahan si Xander doon. Nagsabi kase yung mga parents niya sa akin na matagal na silang hindi kinakausap ni Xander."

Ngayon si Xander naman...
Si Xander na wala na kaming naririning tungkol sa kanya...
Halos di rin namin alam kung ano na ang lagay niya ngayon...

"Ah Sige, Saan tayo magkikita?"

Tanong ko kay Reyven.

"Nasaan ka ba ngayon?"

"Nasa Simbahan namin, katatapos ko lang mag-simba."

"Sige diyan na lang kita, pik-up-in... Sige kita na lang tayo mamaya ah."

Sabi niya tapos binababa niya yung tawag.

20 minutes later (Italic bold)

Dumating si Reyven sa Simbahan sakay ng motor niya. Inagkas na niya ako at pumunta sa condominium nila Xander sa Makati.
Habang nasa daan kami hindi na ako nag-alinlangang sabihin ito sa kanya...

"Reyven, ni minsan ba gumamit kayo ng droga?"

"Bakit mo naitanong yan Rich?"

"May nalaman ako sa tungkol sa bar ni Andrew, at pati sa inyo..."

"Totoo bang gumagamit kayo ng droga,
matagal niyo na bang ginagawa iyon?!"

Tanong ko sa kanya.

"Oo matagal na... Matagal na kaming nalululong sa bawal na gamot!"

Sagot ni Reyven sa akin.

"Kailan pa??"

"Mula noong hindi pa nabubuo ang groupo natin. Bago pa namin kayo makilala ni Alvin."

"Ibig sabihin nito talagang nalululong na kayo sa droga? Iniwasan niyo ba ito?"

"Oo, pero minsan hindi rin maiiwasan. Lalo na kay Matthew. Si Xander, ang talagang nalulong sa droga. Siya nga ang naghikayat sa akin na gumamit nun eh. At ginagawa na namin iyon high school pa kami. Hindi sana namin idadamay si Alvin, dahil bata pa siya masyado. Pero, nang malaman niya ito sinubukan niya dahil na rin sa pagkukunsinti ni Xander. Balak na nga naming idamay ka at ipaalam ito lahat sa iyo. Sa gitna ng matagal naming pagtatago nito sayo. Ayaw lang kase naming madamay ka dito para manatili kang malinis o malayo sa paggamit at pagkakalulong sa illegal na droga. Kase ikaw ang pinaka-iniingatan namin sa groupo natin. Dahil kase sa'yo naging sikat itong groupo natin! At baka pag natulad ka sa amin na gumagamit ng droga baka may magbago sayo."

"Anong magbabago?? Dahil ba sa epekto ng droga? Eh parang wala namang epekto sa inyo iyon eh parang hindi nga halata na gumagamit kayo nun."

"Hindi mo lang napapansin o nakikita pero meron. At ayaw naming maranasan mo iyon. Alam mo isa iyan sa mga bagay na pinagsisihan ko, ngayon. Minsan nga, hinihiling ko sa kanila na tigilan na ito kaso, hindi ko alam, parang hindi namin mapigilan, at hindi namin makontrol. At parang hindi ko rin sila magawang pigilan."

"Eh paano ito ngayon?? Paano kung malaman nila o ng lahat na may kinalaman tayo sa paggamit ng illegal na droga?"

"Bahala na! Inaasahan rin namin iyon eh na isang araw, mabubuking din kami dito. Hinihiling lang namin na sana mapigilang mangyari iyon."

One Call AwayWhere stories live. Discover now