Richmond
3 days earlier...
Pinuntahan ako ni Xander sa bahay. Para pilitin niya akong umatend sa Workshop namin.
Pero dahil sa mga nasabi ko noong kagabi sa fiesta nahiya akong lumabas at parang ayaw ko munang mag-Workshop sa ngayon."Bakit hindi mo sinasagot mga tawag namin sa iyo? Alam mo bang galit na galit si Sr. Ashton sa iyo. At-"
"Ugh kaya nga gusto ko munang mag-Leave. Paki sabi hindi muna ako aatend sa ngayon..."
Sabi kay Xander.
"Ano ba?! Kailangan ka doon! At parang yun lang, saka isa pa..."
"Huh! Usap-usapan nanaman ako. Parang gusto ko na ngang isuko ito eh..."
Sabi ko.
"Ano? Hindi pwede! Nandito na tayo kaya gawin na natin!.... Matagal ko nang...Este, matagal na nating itong hinihintay at yung sa mga nasabi mo..."
"Haist, Xander, pabayaan niyo muna ako!"
"Haist, Richmond!!! Segway ka ng Segway eh! Hindi ko na masabi yung dapat at kanina ko pang sasabihin sa'yo!"
Mataas na boses na niyang sinabi sa akin.
"Ano ba yun?!"
Tanong ko.
"Ang gaganda ng mga feedback sa'yo dahil sa mga nasabi mo kagabi! Iyan oh pinuri ka pa sa Social Media at marami ring mga magagandang comments at mga tweet sa'yo?! Mahihiya ka pa ba niyan?!"
Nagulat ako sa sinabi niyang iyon...Biglang nawala yung hiya at pagkadismaya sa sarili ko...Kaya nagdisisyon akong sumama na sa kanya.
Pero pagkadating sa pinag-woworkshopan namin...Agad akong binulyawan ni Sir Ashton. Dahil sa nasabi ko kagabi sa Fiesta namin. Pero lakas loob akong dinipensahan ni Xander...
"Hindi naman po masama yung nasabi niya kagabi. Siguro nabigla lang siya. At magaganda naman ang feedback ng mga netizens sa kanya eh. Hindi po ba wala na po tayong dapat ikakaproblema doon?"
"Ikaw ah, ang lakas ng loob mong sabihin iyan sa akin! Baka gusto niyong mawala sa project na ito! Kayong lahat! Basta ikaw Richmond, ayoko nang may mangyaring ganun! Kase kahit tama pa iyon. Nadismaya mo ang mga Fans niyo! Huwag niyong idismaya ang mga humahanga sa inyo kung gusto niyo pang manatili sa career na ito!"
Sabi pa sa amin ni Sir. Ashton.
"Maliit na bagay lang, Grabeh siya!"
Sabi ni Reyven nang tumalikod na si Sir Ashton sa amin...
"At lalo pa ngang dumami yung mga humahanga sa atin dahil sa sinabi ni Richmond noong gabing iyon!"
Sabi pa ni Alvin.
"Oo nga namam... Alam mo Richmond, natutuwa kami sayo.
Sabi naman ni Matthew.
"Naririning ko kayo diyan!!!"
Sabi pa ni Sir Ashton.
Sa Lunchbreak....
Tulad lagi... Sabay kaming kumain ni Daphne.
"Napakabait at napaka-makadiyos mo talaga Richmond! Grabeh ah... Isa kang W.T.F: What the Faith!"
Sabi ni Daphne sa akin.
"Ah Tungkol sa kagabi sa Fiesta... Huh, Ewan ko nga kung bakit nasabi ko iyon eh!"
Sabi ko sa kanya.
"Don't be ashmed of yourself! Natutuwa nga ako sa iyo na may mga lalaki pang tulad mo. Siguro kung sino man yung Girlfriend mo ngayon. Na ayaw mong sabihin sa akin. Napaka-Suwerte niya at nakilala ka niya. Alam mo isa kang blessing sa kanya. At pati sa lahat ng taong nagmamahal at nakapaligid sa iyo! Kaya nga napaka-Blessed mo eh!"
YOU ARE READING
One Call Away
SpiritualitéSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...