Pagpasok namin ng Conference Room. Marami rami nang mga Applicants na puro mga kabataang lalake ang nasa loob."Si Richmond Ricafort!!!"
Malakas na pag-aanunsyo ni Sem. Aries sa lahat sabay ng pagpalakpak niya ng malakas. Pumalakpak ang lahat ng nandoon at yung iba nag-hiyawan pa at malakas ang pagpalakpak. Pati na rin sa mga mukhang mga "Brother" na nandoon rin. Medyo bigla akong binalot ng hiya. Isa ba itong paraan ng pag-wewelcome sa akin.
"Mapalad tayong lahat kase may kasama tayong Artistahin!"
Sabi pa ng brother na nagsalita sa harapan nila.
"Sample! Sample! Sample!"
Sigaw nilang lahat sa pangunguna ni Sem. Aries.
"Ok lang ba dito brother?"
Tanong ko kay Bro. Aries.
"Oo naman! Minsan na nga na may nakapsok na sikat dito. Di mo pa kami pagbibigyan?"
Sabi niya.
Kaya eto na, pumuwesto na lang ako doon sa harapan nila at sampolan ko, raw sila.
"Brother ano bang gusto niyong gawin ko? Kanta o Sayaw?!"
Tanong ko sa kanila.
"Ahm, Sayaw muna!"
Sabi ng Brother na nasa harapan rin.
"Ok, I give the Floor to Richmond Ricafort!"
Kala ko wala silang music.Pero nagulat ako nang may marining ako. At si Bro. Aries pa ang nagpatungtong ng pag Hiphop na kanta. At yun sumayaw ako sa harapan nila. Bara bara na basta galaw pag hiphop at may gramping. Napa-tumbling din ako isang beses.
At yun, nang matapos ako sa kakasayaw doon ng ilang minuto. Kanta naman daw,"Anong pong kanta?" Tanong ko naman
"Bahala ka!" sabi ng brother na nasa harapan.
"One Call Away!" sigaw ng isa.
'One Call Away' daw ni Charlie Puth. Edi binigay ng isang brother ang mike at malinis kong kinanta ang One Call Away.
Habang nagkakaroon ako ng intermission number doon. Napansin ko na bigla yatang dumami ang mga tao sa loob ng Conference Room na yun.
Tapos kanya kanya silang labasan ng Cellphone at mga gadgets na pwedeng gamiting pag-picture o pag-video sa akin. Pati rin syempre yung mga brother. (Sila pa?)Pagkatapos ng lahat ng iyon. Nagpalakpakan sila at naghiyawan roon. Tapos nagkagulo na sila, para makipag-picture sa akin. Pero sinaway sila ng mga brother, hindi nga lang sila nakikinig at nagpapaawat.
Kaya si Bro. Aries na mismo ang umawat sa kanila.
Hinarang niya ako sa kanila. At unti unti niya akong prinoprotekta at nilalayo sa kaguluhan este sa kanilang lahat! Kaya tuloy naisip ko kung saan ako pupuwesto dito, ng tulad sa kanila.
Hirap kase maging sikat! At lalong mahirap maging Pogi! Buti nagpaka-bodyguard tong si Bro. Aries sa akin."Bro, saan ako pupuwesto nito?"
Tanong ko kay Bro. Aries.
"Yun nga rin problema namin eh, pero ako na lang bahala!"
Sabi niya.
Pinakalma ng Brother na nasa harapan kanina ang lahat. Hanggang sa unti unting bumalik sa normal ang lahat. At maayos na akong naka-puwesto sa kanila na nakaupo lang sa sahig. Tapos todo bantay sa akin si Bro. Aries, parang body guard lang talaga.
"Stay Puth guys hihintayin lang natin ang pagdating ni Rev. Fr. Wilfred Manzo, ang Vocation promoter ng Sacred Heart Seminary para i-announce sa inyo ang inyong groupo at ang mga brother o mga seminarians na ma-aasign sa inyo."
YOU ARE READING
One Call Away
EspiritualSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...