Matapos akong kausapin ni Nay Marci nun. Ay nandoon pala si Joan at nakikining sa pinag-uusapan namin ni Nay Marci. Sinamantalahan yata ni Joan na kausapin ako nang umalis na si Nay Marci para tapusin ang iba pang mga gawain sa bahay."Tama ba ang narining ko?"
Tanong sa akin ni Joan.
"Tama lahat ng narining mo. Balak kong pasukin ang bukasyon ng pagpapari gusto ko pang makita ang lahat."
"Pero paano yung buhay mo?? Yung kasikatan mo? Itong yaman niyo?? Ang lahat ng bagay na meron ka?"
"Hindi ko na dapat isipin ang mga ito. Kaya nga dapat kung isuko ang lahat at ang sarili ko sa Diyos para magawa ko nang sumunod sa kanya."
"Hindi ko akalain na may mga taong pang tulad niyo. Lalo't hindi ko aakalain na pati ikaw isang araw ay magiging isa sa kanila."
Mukhang may gusto siyang sabihin sa akin.
"May kilala kase ako na tulad mo. Matalino siya, masayahin, talented at mabait. Parang malayo ang mararating niya sa buhay niya. Bukod rin doon, parang kasing-gwapo mo rin siya. Pero sa gitna ng lahat ng iyon. Pagka-graduate namin, pumasok siya ng Seminaryo. Kase gustong niyang iaalay ang sarili niya sa Diyos. Kaya iyon, tumuloy nga siya. Hindi mo nga aakalain sa kanya eh. Pero may makikita ka rin sa kanya na parang para sa kanya talaga iyon."
Kwento ni Joan sa akin.
"Kakaiba rin pag tumawag ang Diyos... Kung sino pa yung may malayo ang mararating, yung matalino, yung Gwapo. Parang iyon pa yata ang tinatawag Niya."
Dagdag pa ni Joan. Na parang sinang-ayunan ko naman.
"Siguro nga ganun, iba rin kase gumalaw ang Diyos. God Moves in mysterious way."
Tapos nun bumalik na ulit si Nay Marci at inutusan si Joan na patayin na ang mga ilaw sa bahay. Habang umakyat na ako ng kwarto ko para matulog.
Kinabukasan...
Bumalik ako ng Sacred Heart Seminary.
Para siguro mag-inquire ng ako lang mag-isa...
Bumalik din ako doon para magkaalaman na talaga.
Pero bago ako tumuloy sa loob, tinatanong ko muna ang sarili ko kung sigurado na ba ako...
Sa pag-iisip ko, napadaan ako sa Chapel nila na bukas ang pinto at tanaw na tanaw ang altar. Napatingin ako doon at bumalik sa ala-ala ko ang nangyari sa akin sa chapel na ito...
Kaya tumuloy ako sa paglalakad patungo sa mismong loob ng seminaryo.
Sa Seminaryo kung saan ko naranasang tumira ng isang linggo na rin at dito ko pala makikita ang isang bagay na makakapagbago sa akin.THIRD PERSON:
Bumalik si Richmond sa Sacred Heart Seminary para mag-inquire. Kinausap siya ni Fr. Carlos ang rector ng seminaryo. Sinabi ni Richmond ang lahat kay Fr. Carlos, kung bakit siya bumalik sa seminaryo at kung bakit niya balak mag-inquire. Ikinatuwa ito ni Fr. Carlos, at agad siyang pina-inquire sa seminaryo sa tulong ni Fr. Wilfred. Pinakuha rin siya ng Entrance Exam. At dahil sa umatend naman siya ng Voc Camp, ay agad namang natapos ang pag-iinquire niya.
Pinayuhan siya ni Fr. Wilfred na mag-discern at manalangin. At sinabihan rin nila si Richmond na mag-hintay sa mga resulta ng exam niya at ng kanyang pag-iinquire.
Pagkatapos nun, ay nagdasal si Richmond sa chapel. Para hingin ang grasya at gabay ng Panginoon."Panginoon tulungan niyo po ako. Ito po nakapag-inquire na rin po ako. At pinayuhan pa po akong mag-discern pa at hayaan kang pumasok sa kalooban ko. Handa ko na pong iaalay ang lahat. Handa rin po akong sumunod sa inyo. Umaasa na lang po ako sa inyong gabay at sa inyong grasya..."
Balik sa POV ni Richmond...
Pagkauwi ko ng buhay...
May hindi inaasahang bisita akong nakita Si Alvin pala iyon! Na nasa dapat ng gate ng bahay namin. Bigla niya kong sinugod, hinila niya na lang ako bigla at idinikit pader ng bahay namin, hinawakan niya pa ako ng mahigpit sa damit.
YOU ARE READING
One Call Away
SpiritualSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...