Gising ulit ng umaga, tapos shower. Saka baba, punta ng chapel at magsimba. Tapos balik Refectory, kain at usap tapos kami naman ngayon ang naka-assign para maging Collectors.
Tpos nun.
Talk ulit sa Conference Room tungkol naman sa "Calling" o Pagtawag. At nagulat ako at hindi makapaniwala kung sino ang mag-tatalk nun. Yung Parish Priest namin na si Fr. Luke Juarez! At maya maya lang nakasalubong ko siya. At nag-mano na lang ako sa kanya."Anong ginagawa niyo po dito Padre?!"
Tanong ko.
"Bakit Richmond, hindi mo pa ba alam? Ako ang Guest Speaker niyo ngayon! So, kamusta naman ang pag-stay mo dito?"
Tanong niya sa akin
Magsasalita na sana ako, nang
biglang dumating si Bro. Aries.
At masayang masayang binati si Fr. Juarez. At si Fr. Juarez pa ang tila nag-mano kay Bro. Aries."Richmond, si Fr. Juarez, isa sa mga dahilan kung bakit nandito ako ngayon."
Sabi ni Bro. Aries.
"Ahm, sa totoo po niyan, Parish Priest po namin si Fr. Juarez."
Sabi ko.
"At sacristan ko naman si Richmond dati."
"Ah, Ganun ba?!"
Nanamanghang sinabi Bro. Aries.
Tapos sinamahan niya si Fr. Juarez papuntang Conference Room. At maya maya susunod na kami doon. Si Fr. Juarez ang magtatalk! Baka ako nanaman ang makita niya! Ugh.
Tapos nakinig kami sa talk ni Fr. Juarez.
"Please rise and let us put ourselves into the presence of God..."
Nakakaba kase ako ang bukod tanging kilala niya ng lubos.A Iniisip ko rin na baka madamay ako sa talk niya.
"Naranasan niyo na bang tumawag... Ikaw Richmond?"
Sabi ko sa inyo diba!
"...O tinawagan, marahil ng isang kaibigan, kapamilya, kapatid o kasintahan. Halimbawa tinawagan ni Richmond, si Kevin. Sinabi ni Richmond, Kevin pwede ka ba sa Sunday? Sumagot namam si Kevin, Oo Richmond pwede ako saan ba tayo pupunta Richmond. Ipaparanas ko sa'yo ang langit sabi ni Richmond. -sa Simbahan. Yun pala nagpapaaya si Richmond mag-simba kay Kevin. Kaya ano sa tingin niyo ang dahilan bakit may tumatawag?... Tumatawag tayo dahil merong dahilan. Ganun din ang tawag ng Diyos. Lahat tayo ay tinawag ng Diyos dahil may dahilan at yun ay para tayo ay maging masaya. Dahil kung hindi natin sasagutin ang tawag ng Diyos kailan man ay hindi tayo magiging masaya. At doon nagsisimula ang tinatawag nating Bukasyon. Dahil ang tawag ng Diyos ay ang kalooban rin ng Diyos sa iyo. Na kung saan kailangan nating tumungon at kailangan nating tanggapin..."
Paglalahad ni Fr. Juarez sa talk niya.
Kung saan napaisip ako ng kunti.
Pagkatapos nun, nilapitan ako ni Fr. Juarez."Richmond!"
"Ano po yun Father?"
Sabi ko.
"Kinakamusta ka pala ni Anne sa akin sana nagustuhan mo raw dito."
Sabi niya.
"Ah, Hehe, nagustuhan ko naman po kahit papaano, paki sabi po sa kanya na, masaya pala dito."
"Pwede mo rin namang ipasabi mo sa akin na na-mimiss mo na siya."
"Ahahaha, Si Padre talaga!"
Tapos nakita siya nina Fr. Carlos at ni Fr. Wilfred at kinausap siya. Tapos balik Refectory ulit kami para mag-tanghalian, At yun as ussual, Siesta.
YOU ARE READING
One Call Away
EspiritualSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...