Maya maya lang umalis na kami sa lugar na iyon. At sabay na kaming umuwi ni Reyven...
Sa biyahe ikwenento lahat ni Reyven kung paano niya nakilala at nakasama sila Aries at si Leomer...Sa ibang School nag-aral sila Reyven kasama sila Aries at si Leomer. Classmate ni Reyven si Leomer. Habang classmate naman ni Matthew si Aries. Kilalang Hearthrob si Leomer sa school nila noon.
Kaya sinama siya ni Reyven sa groupo nila. Para hilahin siya pababa... Habang ginawa rin ni Matthew ang kaparehong bagay kay Aries. Gusto ni Leomer si Joana pero gusto nito si Aries ang kapatid niya. At dahil hindi sinagot ni Joana si Leomer. At dahil gusto rin ni Matthew si Joana. At nagkatuluyan sila ni Aries. Si Aries ang tinaggap nila at iniwan ni Aries ang groupong binuo ni Leomer.
Isang araw, nakita ni Aries na pinagsasamantalahan ni Matthew si Joana kaya sinugod niya ito. At doon sinabi ni Matthew kay Aries ang sekretong sinabi sa kanya ni Leomer noon. At ito ay hindi niya tunay na kapatid si Leomer. Sa halip, pinsan niya lang ito. Dahil namatay na ang tunay na ina ni Aries sa pagpapanganak nito sa kanya. At hindi siya pinanindigan ng ama nito.At yun...
Pagkarating sa amin...
Magtatakip-silim nun at pumunta ulit ako sa Simbahan. Para makausap ang Diyos at pati na rin si Fr. Juarez.
Pagkatapos kausapin ang Diyos sa Pananalangin. Kinausap ko naman si Fr. Juarez. Ibinahagi ko sa kanya, ang lahat ng mga nangyari sa araw na ito. Pati na rin ang lahat ng mga nalaman ko tungkol kay Bro. Aries."Matagal ko nang alam ang mga napagdaanan ni Aries. Naalala ko na sinabi niya sa akin noon; na inaamin niyang isang pagtakas sa mga problema niya dito sa labas ang dahilan para siya mag-pursiging makapasok ng seminaryo. Pero, kahit ganun hindi niya pa rin nakakalimutan ang tunay na dahilan kaya siya pumasok. At iyon ay dahil sa Tinawag Siya ng Diyos. Lagi ko rin iyong ipinapaala sa kanya dahil tinulungan ko siya para maisakatuparan niya iyon. Kaya, ito ang naiwan ring dahilan para sa kanya na pumasok, at hindi mawalan ng bukasyon."
Sabi ni Fr. Juarez.
Sabay may mga inaabot siya sa aking isang brown envelope. Pagkatanggap ko nun at pagkabukas ko yun pala ang letter galing sa Sacred Heart Seminary. Nakalagay doon na nakapasa ako sa entrance exam at sa observance nila sa akin. Kung saan inaanyayahan na nila akong pumasok sa seminaryo nila para sumunod sa tawag ng Diyos. Paka-tanggap ko nito tinignan ko si Fr. Juarez...
"Para makapag-disisyon kang mabuti, Richmond, Discern Well!"
Sabi ni Fr. Juarez sa akin.
Nakarandam ako ng kakaibang tuwa..."Wow Father! Maraming salamat po ah..."
Pasasalamat ko naman sa kanya ng buong tuwa...
"Alamin mong mabuti at pag-isipan ang buhay na ito. At pagkaigihan mo na sumunod lagi sa Kanya. Persevere and keep on discerning."
Tila paalala niya sa akin...
Tapos nun nagpaalam na ako kay Fr. Juarez at umalis na ng Simbahan. Dala ang envelope na bigay niya ng buong saya. Parang unti unti nang naisasakatuparan ang lahat. At parang ang puso ko'y nagpupuri sa Diyos!
Pag-uwi sa bahay...
Pumunta ako sa kwarto ko at wala pa naman ang mga parents ko. Pansamantala kong iniwan sa isang lamesa ang brown envelope na dala ko.
Pagpasok ko sa kwarto ko...
May biglang tumutunong sa Cellphone ko at parang may tumatawag sa akin. At tulad ng lagi kong inaasahan si Anne iyon! Sa pagkakataong iyon, naawa ako ss kanya at sinagot ko iyon...
"Richmond! Richmond! Please... Kausapin mo ako Richmond!... Alam kong mahal mo pa rin ako!... Bigyan natin ng pagkakataon ang isa't isa ulit... Dahil hindi pa rin kita sinusukuan ngayon... Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na ipagpapatuloy natin at tutuparin ang mga sumpaan ng pagmamahal natin sa bawat isa... Sige na naman Richmond Oh! Hindi ko kase kaya... Hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko..."
Sabi ni Anne, na parang nanghihina at napaka-emosyonal...
Nag-aalala ako sa kanya at baka kung anong mangyari sa kanya dahil sa matinding emosyon niya sa kanyang pananalita..."Anne!, kumalma ka lang baka, kung anong mangyari sa'yo..."
May pag-aalala kong sinabi sa kanya...
Nang biglag, unti unti ko nang naririning na nahihirapan na siyang huminga at parang inaatake na siya..."Anne?!... Anne? Ayos ka lang ba?... Anne!"
Sabi ko kay Anne na sobrang nag-aalala at natataranta sa kanya...
Nang Biglang pumasok si Papa sa kwarto ko na galit na galit. At nagulat akong hawak hawak niya ang letter ko galing ng seminaryo na ibinigay sa akin ni Fr. Juarez. Kaya nabitawan ko bigla ang cellphone ko..."Ano itong mga toh?!!! Ito ba ang kinaabalahan mo buong maghapon ah?!"
Galit na galit na sinabi ni Papa sa akin.
Kaya tinapos ko na ang tawag kay Anne..."Pa, Akin na po iyan..."
Pagbabawi ko sa kanya ng mga iyon...
"What is the meaning of this, Richmond ah?!, Are you Desperate?!"
Pagkasabi, sabay inihagis niya sa akin yung letter na nilikot niya pa.
Hindi ko alam na si Papa ay pumasok pala sa kwarto ko..."Pa, gusto ko pong Magpari! Hindi niyo ba Nakikita?!"
Lakas loob kong sinabi kay Papa...
"Sa tingin mo kaya mo? Huh?! Hindi ito mangyayari! At sinasabi ko na sa iyo ngayon na hindi ka magpapari!!!"
Biglang dumating si Mama at inawat si Papa. Tapos lumapit na sa akin...
"Anong ginagawa mo sa Anak mo?!... Tama na!"
Sabi ni Mama...
"Bakit?! Wala naman akong ginagawa sa Anak natin ah? Pinagsasabihan ko lang siya! At ginagawa ko lang sa tingin kong dapat para sa kaniya!"
Sabay umalis na si Papa.
At niyakap si Mama ng emosyonal..."Ma, Gusto ko pong Magpari. At diba tama nsman itong ginagawa ko?"
Tanong ko kay Mama.
"Alam mo Anak, gusto lang namin para sa iyo ay isang magandang buhay sa hinaharap. Anak, hindi kase madali ang pagpapari. Mahirap magpari, at baka hindi mo ito makakaya."
Sagot ni Mama sa akin.
"Pero Ma, Kaya ko! Magtiwala kayo sa akin! Tinawag ako ng Diyos dito Ma, Sana maintindihan niyo iyon ni Papa!"
"Anak, Makining ka na lang sa amin ah... Kase mahal na mahal ka namin ng Dad mo. Gusto lang namin ang nakakabuti sa iyo."
"Pero Ma, Malaki na ako! At sawang sawa na ako sa buhay na ito! Tinawag po ako ng Diyos, kaya isusuko ko pati itong buhay ko sa Kanya!"
"Anak, Makining ka sa amin. Huwag nang matigas ang ulo mo. Pasalamat ka na nasa iyo ang mga bagay na wala ang iba na inaasam pa nila. Huwag mong pagsawaan iyon!"
"Pero Ma..."
"Tama na Anak, magpahinga ka na lang ah..."
Hinalikan pa ako sa ulo ni Mama bago siya umalis sa kwarto ko ng hindi ko man lang ipinapaintindi sa kanya ang lahat...
Si Mama ang may dahilan kung bakit nakilala ko lubusan ang Diyos...
Nasabi ko iyon dahil siya ang nagturo sa aking manalangin. Siya ang sumasama sa aking mag-simba. Sa First Communion at Sa Kumpil ko nasa tabi ko Siya. Maging noon sa Investiture ko bilang Sacristan...
Tinuro rin ni Mama sa Akin na laging manaling at lumapit sa Panginoon. Ang mahalin Siya, sumunod sa kanya at gumawa ng mabuti...
Medyo nasaktan lang ako ng hindi niya nagawang intindihin na tinawag ako ng Diyos.
Pero, mas lalong pinalakas lang nito ang paniniwala kong hindi ako dapat sumuko. Habang may humahadlang sa akin. Dapat mas lalo akong maging matibay at kumapit sa Kanya
Hindi dapat akong sumuko at matakot...Ad Iesu per Mariam!
YOU ARE READING
One Call Away
SpiritualSome parts are subject to change of grammar/words/Structure etc... (A Religious, Catholic, Vocation Story) Famous... Hearthrob... Rich Kid... at higit sa lahat... May Lovelife... Yan si Richmond Alvarez Ricafort... Ano pa bang kulang?? Nasa kanya...