Asan na ba yung hotel na binook ko? Ang layo layo naman, si manong kasi eh hindi nalang ako diniretso sa hotel. Kesyo hindi dw pinapasukan itong lugar nato kasi mag gagabi na like hello? Diba hotel yun for sure may mga taong nag stastay dun. Kasi naman bat naisipan ko pang mag cheap holiday wala na nga akong pera minsan talaga padalos dalos ako.
Hello readers kung nag tataka kayo kung sino man ako, at kung saan ako at kung bakit ang dami dami kong dada well let me introduce my lovely self to you all. Ako nga pala si Leila Mae Fontanilla 21 yrs old kaka graduate ko lang ng Fashion Styling nung March.
Where am I? Well nasa siquijor po ako kasi madaming reviews na maganda yung beach dito, napagisipan kong mag bakasyon kahit hindi naman ako kayamanin kasi before ako mag start ng panibagong yugto ng buhay ko eh kailangan ko munang mag relax. Kaso kailangan din mag tipid kaya eto ako ngayon hinahanap yung hotel na binook ko yung hotel MALAYO. Infairness sa name malayo nga talaga itong hotel nato. Mura lang kasi, di nga umabot ng 200 per night kaso pahirapan naman yung papunta dun.
Yung tricycle driver kasi parang shunga actually sya lang yung nagiisang driver na pumayag na ihatid ako, lahat sila ayaw, ewan ko ba pero hindi naman ako binaba ni manong sa destinasyon ko dun lang sa kanto sabi nya kasi
'' Iha wala talagang pumupunta dito paglampas alas sinko ng hapon, hindi na kita maihahatid mismo dun sa destinasyon mo kasi mag alas sais na ng gabi pero hindi naman na kalayuan yun diretsuhin mo lang yang daan at yung malaking bahay yun na yung Hotel Malayo''.
Nung magbabayad pa nga ako hindi nya tinanggap ang weird sabi nya pa dapat sa ibang lugar nalang dw ako mag stay at mag ingat dw talaga ako. Ambait ni manong pero ang weird. Eto ako ngayon mag 30 minutes ng naglalakad daladala ang bag at suitcase ko, akala ko ba malapit lang.
Napatingin ako sa paligid ang creepy ang dilim na at puro puno lang ang madadaanan wala kang maririnig kundi ang hangin at mga ibon tapos medyo foggy pa. Full moon pala ngayon ang daming bituin ang ganda mag camping pag ganito. Ginagamit ko lang yung flashlight sa cellphone ko para pang ilaw. Biglang humangin ng malakas brrrrrr ang lamig tumaas yung balahibo ko sa batok.
After 1 hour
Eto na siguro yun nasa tapat ako ng isang malaking bahay kakaiba ata to sa normal na hotel? Baka naman hostel to? Bakit ang dilim? Don't tell me walang tao?!!! 😲😲😲. Baka naman brownout lang. Walang doorbell so kakatok nalang ako.
Tok Tok Tok
Ang tagal naman sumagot ang pangit ng customer service ah porket mura lang accomodation dito nako. Ilang beses nakong kumatok katok wala padin, sinubukan ko ding buksan yung pinto pero parang naka lock sya. May napansin akong usok na nanggagaling sa likuran ng bahay. Aaaah baka naman may garden party sila.
Nung nakarating nako sa back garden ng bahay wala namang tao. Medyo nakakatakot na ah! Napansin ko na bukas yung pinto sa likod kaya walang alinlangan na pumasok ako. Bat ang dilim? Puro kandila na pula ang nakasindi? Lakad lang ako ng lakad ng napansin ko sosyal ang hotel na to ah don't judge the book by its cover ika nga. Nakita ko yung entrance door kanina na naka lock, so pagpumasok ka dun bubungad agad sayo itong napakasosyal na hagdanan ang daming steps parang cardio for the day mo na ang pag akyat baba sa hagdanan na yan. Bat walang ka tao tao?
Tapos ang dilim dilim pa kandila lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Ilang minuto pa maynarinig akong boses parang nagmumula sa right side ko, merong kwarto dun so nilapitan ko kasi baka nandun yung receptionist medyo nakabukas onti yung pintuan.
Sumilip ako kasi parang importante yung pinaguusapan nila ayaw ko namang kumatok agad tapos hindi pala receptionist yung nandun nagmukhang epal naman ako nun, so check muna natin. Pagtingin ko maynakita akong lalake nakaupo sa bonggang upuan parang nasa stage sya amputi ni kuya ah tapos naka blackrobe sya ang tangos ng ilong ang unfair di man lang nag share ng katangusan tapos mahaba ang buhok hanggang leeg naka sleek back ang peg nya.
Maykausap sya mga lalakeng naka barong tapos may mga baril ito, hindi ko marinig ng maigi yung pinaguusapan nila kasi medyo malayo yung pintuan sa kanila. Hindi naman ata receptionist to si kuya baka kwarto nya to.
Umalis na yung dalawang lalake na may dala dalang baril meron palang pinto dun sa pinakadulo ng kwarto ang cool. Si kuyang pogi tumayo tapos yung lalake sa harap nya biglang lumuhod parang nagmamakaawa ata? Oh My Gosh anong nangyayare? Role play ba to?
Naka barong yung isang lalake na naka luhod. Tapos in one blink nakita ko na nag iba ang kulay ng mata ni kuyang pogi tapos yung ngipin nya parang may pangil. Kinuha nya yung lalake at bigla nya itong kinagat sa leeg , sumigaw ng pagkalakas si manong na naka barong. WTF????? napa cover ako ng bibig ko, hindi naman ata tototoo to noh? Pag katapos nyang kagatin bigla nya nalang tinapon yung katawan ni manong tapos pinunasan nya yung bibig nya. Totoong dugo bayun? Pero tinapon nya si manong hindi naman siguro roleplay to?
Don't tell me he's a VAMPIRE? bigla akong nanginig sa naisip ko aalis na sana ako kasi baka mapansin nya pako pero bigla syang nag salita.
" ALAM KONG ANDYAN KA AT NAKITA MO ANG LAHAT NG PANGYAYARE".I froze on my spot fudge Leila deadma lang alis kana step by step. Naglakad lang ako paalis nakayuko pako sinisigurado ko na hindi maingay yung paa ko. Biglang may malamig na hangin akong naramdaman pag angat ng ulo ko bumungad ang mukha ng pinaka gwapong nilalang na nakita ko sa buong buhay ko, may naiwan pang dugo sa mga labi nya. Bigla nalang nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyare.
BINABASA MO ANG
Different Time
FantasyAnong Taon ang gusto nyong puntahan? Gusto nyo bang pumuntang future or gusto nyong bumalik sa past? Pano kong bigla kang nakabalik sa nakalipas ng hindi mo man lang namamalayan? At sa panahon na yun merong isang Bampira na kinakatakutan ng lahat...