Chapter 23

69 7 0
                                    

Leila POV

Me: thank you kuya ito bayad

Aish tama nga ako midnight nako nakarating sa bahay nya, paano to? Mag aakyat bakod nanaman ba ako? Paano ko tatapon sa kabila tung mga suitcase ko. Yes mga! Kanina isang suitcase lang dala ko ngayon naging dalawa dahil kay Ash at Jaja  may mga pasalubong kasi sila galing US tapos hindi sila satisfied na isang bagahe lang dadalhin ko kaya ito ako ngayon mukhang naglayas.

Think think think leila paano ako makaka pasok? Hmmmm 🤔🤔🤔 alam ko na . Tinapon ko muna yung bag ko sa other side para masmadali umakyat sa gate, gagawin ko iiwan ko muna mga bagahe ko sa labas kasi hello hindi ko naman kaya itapon sa kabilang side, tapos kakatok ako sa loob tapos papabukas ko ang gate diba I'm so smart. Pagkatapos kong itapon tung backpack ko ako naman ang nag umpisang umakyat, nung sa tuktuk na ako at ready ng ibukaka yung legs ko sa kabila biglang may narinig akong boses galing sa baba.

Guard: MA'AM ano pong ginagawa nyo?

Me: oh manong guard kayo pala. Oh my gosh manong hulog ka ng langit. Pabukas po ng gate 😅😅

Guard: bumaba na ho kayo dyan mukha po kayong magnanakaw.

Me: sige po 😅😅 salamat.

Grabe na sayang yung effort ko sa pag akyat ah, pero mas mabuti nato noh kesa naman iwan ko mga gamit ko sa labas. Nagpasalamat nako kay manong guard at dumiretso na sa bahay ni tristan, pinag tataka ko talaga bat ang layo layo ng gate nya sa mismong bahay nya tapos nasa tuktuk pa tapos ang paligid ng daan puro puno, nakakatakot din kaya mga 1 km ata ang layo ng gate sa bahay nya pero don't quote me on that. 

Nung nakarating nako sa bahay lahat ng ilaw patay na maliban sa labas malaki ang bahay pang mayaman talaga. Kumatok nako sa pinto para makapasok sana kaso walang sumagot, kumatok ulit ako pero wala pading sumasagot. Ito ba yung sinasabi ni tristan na walang magbubukas ng pinto sa akin? Ilang beses nako kumakatok pero wala talagang sumasagot, ayaw ko namang sumigaw makaka distorbo pako.

Pumunta akong likod ng bahay pero lahat din ng pinto doon sirado kaya bumalik nalang ako sa harap ng bahay. What am I gonna do?

Next Day

Mgrace: leila iha gising na

Me: hmmm?

Mgrace: iha gising na. Nako bat dito ka sa labas natulog?

Me: oh manang kayo pala. Kasi po wala pong nagbukas sakin kagabi 😅

Mgrace: bilisan mo na iha mag ayos kana  nako 1st day mo pa naman ngayon. 6 am ang call time ni Tristan bilisan mo na.

Me: anong oras na po ba?

Mgrace: ala sinko na ng umaga bilisan mo na maligo kana at mag ayos.

Me: may oras pa po ba? Anong oras po ba aalis si Tristan!

Mgrace: 5.30 iha may 30 minutes kapa.

Me: sige po manang thank you po.

Tumakbo na agad ako dala dala mga bagahe ko pero bigla akong napahinto teka saan pala kwarto ko? 😅

Me: manang grace saan po pala kwarto ko?

Mgrace: sa katabing kwarto ni Tristan doon kwarto mo.

Me: sige po salamat.

Haish bat ang haba haba ng hagdan? Paano ko bibitbitin lahat na bagaheng to? For sure 5kg lighter nako after this aish bat kasi ang daming steps ng hagdan kung kelan kapa nag mamadali oo, ke yaman yaman walang elevator? Pawis na pawis ako nung makarating ako sa harap ng pinto ng kwarto na tutuluyan ko, I'm not complaining ah pero sa dami dami ng kwarto dito sa bahay nato bat sa pinaka dulo pa talaga yung kwarto tapos magkatabi pa kami ni Tristan. I was gonna open the door  sana pero biglang bumukas yung pinto sa kabilang kwarto at lumabas si Tristan, tumingin sya sakin na nakakunot yung kilay  at dahan dahang pumunta sa pwesto ko.

Different TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon