Jhace's POV
Its my birthday right now...actually debut ko ngayon..daddy wants me to have a fabulous party but i insisted na wag na lang..gusto pa kasi may kutilyon...yun bang may 18 roses at 18 candles na tinatawag....dagdag gastos lang yon no! wow good girl ako eh..hehe..joke lang...although kaya namin na gumastos for a party ayoko pa din.
wala pa mga friends ko ah..aba ang tagal naman nila.. pero nandito yung mga barkada ng pinsan ko...siyempre di mawawala tong mokong na Mazer na to but i treat him like a younger brother..he is a friend of mine na din..mga bata pa kasi kame magkakasama na kami..elementary ako nung lumipat sila dito. i was grade 6 by that time while him on the 4th grade..lagi ako inaasar neto eh pero carry lang ang pang aalaska niya.
im 2 years older than him but the way he treats me, its like he is the one older than i am..pero minsan tinatawag naman niya akong ate kung maisipan nya lang..yan na papalapit na ang devil hehe >:))
"hoy birthday girl!.. penge nga ako spaghetti!" ayos ah..makautos lang? kala mo katulong ako? Badtrip na lalake to.
"edi kumuha ka sa baba! feeling mo senyorito ka ah!"
"Para sa dagdag kaalaman mo bisita mo kaya ako ngayon! dapat inaasikaso bisita mo.." duhhh...bisita daw? kapalerz talaga! baka bwisita?!
"excuse me?! di naman kita inimbita ah! langya ka! Makikikain ka lang dito eh. Takaw!"
"wala akong pake kung di ako imbitado! tsaka matik na yun noh! Basta ikuha mo ko. At teka ikaw ang matakaw noh! Di ako, sugapa ka sa pagkain eh" tumaas taas pa kilay at binigyan pa ako ng ngiting aso nitong mokong na to...ewww...its so creepy..
oo aaminin ko crush ko siya talaga.Bakit nga ba?..pero hanggang dun lang yon...may boyfriend na ako and he is coming later..
Bumaba na ako para kumuha ng spag.. kumuha na din ako ng tinapay at juice...kabisado ko na yung lalake na yun eh...panigurado maghahanap ng panulak yun..dahil pag wala akong binigay malamang sa malamang katakut katakot na pang aasar na naman aabutin ko sa kanya.
Binigay ko na sa kanya yung pagkaen.
"wow..masunurin ka naman pala eh...salamat ah! kaya ma----"..
may binulong pa tong loko na to. "anong sabi mo?"
"wala naman ako sinasabi ah..baliw! Dun ka na nga! kakaen na ako"
Lecheng lalake to! Sarap sapakin...di ako manalo ng asaran -.-. Umismid ako sa kanya nakakainis kasi eh. Umalis na lang ako don baka lalo ako mabadtrip eh. Maya maya pa nagsidatingan na ang mga kaibigan ko so inentertain ko muna sila.
Ilang oras pa lumipas dumating na si Jelho ang bf ko. Naging schoolmate ko siya ng high school. After 3 months of courting me sinagot ko na siya..
He is 2 years older than I am. Yeah right 20 na siya and a fresh graduate of Engineering..Computer Engineering to be exact. My family already knew about our relationship kaya legal na kame pero di pa nila siya na-meet in person. So ngayon makikilala na nila Jelho ko. Oo sa akin lang siya hahaha.
Pumasok na kami sa loob ng bahay. Pinakilala ko siya sa mga tita at tito ko na nagkakainan..ok naman..they just asked him some questions. Alam niyo naman pag nagpapakilala ng nobyo sa family di ba. makatanong kala mo nakapatay na. Just kidding! Hahah pero medyo totoo.
Then pumunta na kami sa sala..andon si Brick yung pinsan ko pati mga barkada niya. Yung mga highschool friends ko nagsi uwi na ng makita na si Jelho. Siya lang daw talaga ang pinunta nila. Grabe! Kaibigan ko ba talaga sila? Birthday ko pero bf ko ang pinunta. Hahah anyways sanay naman na ako sa mga pang aasar nila.
"Brick! Si Jelho, boyfriend ko" pagpapakilala ko sa kanya sa pinsan ko.
Mazer's POV
Tagal namam nung babae na yon..wala ako maasar eh! Kanina pa kame dito magbabarkada sa sala. Naiinip na ako! asan ka na ba Jhace! Ilang oras na siyang hindi nakikita o nahahagip man lang ng mga mata ko.
Maya maya pa nakita ko siya paakyat ng hagdan. Tatawagin ko sana siya kaso lang nakita ko may lalakeng nakasunod sa kanya. Sino naman kaya yun? Pero may itsura ah.
"Brick! Si Jelho, boyfriend ko." pagpapakilala niya dito.
"Oh..hi!" nakipagkamay si Brick ganun din yung lalake. "Its nice meeting you kuya Jelho"
"Same here"
WHAT?! BF NYA?! BAKIT DI KO ALAM NA MAY BF NA SIYA?! ILANG TAON KAMING MAGKASAMA PERO WALA MAN LANG SIYANG NABANGGIT NA MAY NANLILIGAW SA KANYANG BAGO! DATI RATI NAMAN UNA KO PANG NALALAMAN NA MAY NANLILIGAW SA KANYA KESA SA PINSAN NIYANG SI BRICK. TAPOS NGAYON MALALAMAN KO MAY BF NA SIYA?!
Isa isa niya kaming kinamayan. Ng sa akin na niya inabot ang kamay niya para akong nagdalawang isip. Tiningnan ko siya. Tila nagtataka na dahil nakatitig lang ako sa kamay niya ganun din si Jhace.
Nang natauhan na ako inabot ko kamay niya kahit medyo pilit akong ngumiti.. "Akalain mo nagkaboyfriend tong tomboy na to! Sana matagalan mo yan pare!" nagtawanan kaming lahat kahit yung tawa ko peke lang.
"Don't worry I'll probably make her a woman" Nagtawanan din sila sa sagot niya sa akin pero ako hindi. Hindi ko nagustuhan tabas ng dila niya. Anong ibig niyang sabihin dun?
May pagka boyish ng konti si Jhace kaya di ko ineexpect na may magkakagusto sa kanya bukod sa akin. Hell yeah i really like her since we were in elementary. Bagong lipat pa kami dito noon. Mga pang aasar ko sa kanya? Way ko lang yun para mapalapit siya sa akin ng husto pero mukhang dahil dun hanggang kaibigan nalang ako sa kanya. Hirap din pala ng ganito
"Mabuti naman kung ganon para naman di tumandang bina- este dalaga pala tong babae na to" Nagbiro na lang ulit ako para maitago ang inis na nararamdaman ko sa Jelho na to. Ewan ko ba pero ang init talaga ng dugo ko sa kanya.
"Tigilan mo nga ako Mazer! Kaasar ka! Inggit ka lang palibhasa wala nagkakagusto sayo!" Ouch! Tagos naman makapagsalita sa akin tong babaeng to. Wala pala siyang gusto saken? Eh bakit ako may picture sa cp niya. Nakita ko kaya last year nung hiramin ko saglit kunwari makikitxt lang ako. Medyo chismoso so nascan ko gallery nya at yun. Boom! May folder dun na puro pictures ko lang. Pero ewan ko lang kung andun pa dahil nagpalit na siya ng cp.
"Meron kaya at madami! Dami kaya nagkakandarapa sa akin eh sayo yang si Jelho lang ata eh! Hahaha" Sige lang Mazer galingan mo pa sa pag arte mo! Mananalo ka na talaga ng best actor award.
"Ewan ko sayo!Diyan ka na nga! Tara na beb!" Umalis na sila. Nakakaasar! Why does it hurt like hell?? Beb pa tawag niya dun sa kumag na yon? Ang baduy! Kung ako yan Hon ang itatawag ko sa kanya para masarap pakinggan pang mag asawa na.
Bakit ba kasi dumating pa yang lalaki na yan. Bwiset! Ngayon may kaagaw na ako sa kanya. Mali wala na siguro akong pag asa.
A/N: pasensya na kung meron mang mali sa grammar..its not my first tym on writing some stories yet its my first tym sharing my ideas with others...
Stay tune po for my updates and thank you in advance sa mga magbabasa. Pwede pong magvote or magcomment for suggestions. Pwede niyo rin ako ifollow dito and add on my fb acct Mikzykabz@yahoo.com...salamatz ^^V
Mikoru....
BINABASA MO ANG
Kung Ako ba Siya...Mapapansin Mo
Romancewhen you're in love..age doesn't matter.... but what if... you never thought that it would be possible for you to break your standard? Would you let him enter your precious life? Find out...