uchapter 21

71 3 0
                                    

Jhace's POV

Pauwi na kami ni Spade ng bumalik sa alaala ko ang lahat. Apat na taon pa kaming nagkasama bago niya naisipang sa Amerika na magpagamot.

Flashback (3 years ago)

I went to Jelho's unit when he told me that he's leaving within this week.

"Jhace, sana naman maintindihan mo na kailangan ko magpunta ng Amerika"

"Bakit hindi pa dito Jelho? Marami namang hospital dito na kaya kang gamutin eh. Maraming nakakaligtas sa cancer na dito lang nagpapagaling."

"Beb, hindi ba napagusapan na natin to? Palagi naman akong tatawag sa'yo eh."

"Sige, babalik ka di ba?"

"Babalik ako, at pagbalik ko palagi mo na akong makakasama. Promise yan"  He gave me a silver bracelet. May mga palawit yun na dolphins."Always wear that, galing pa sa grandma namin yan"

"Then why are you giving this to me?"

"May kwento ang bracelet na yan, wanna hear it?"

Tumango naman ako para marinig ang kwento.

"Hindi ang lolo namin ang nagbigay ng bracelet na yan sa lola namin. Bigay yan ng dating kasintahan ni lola. Ang sabi kasi yang bracelet na yan noong panahon pa daw ng mga kastila ginawa. Napagpasa pasahan na sa bawat panahon."

"Ano bang ibig mong sabihin Jelho?"

"Nabasa ko sa internet ang tungkol sa bracelet na yan. Mamahalin na nga yan nung binigay sa lola ko. Ang sabi sa legend binibigay yan ng isang lalake sa kasintahan niya pag magkakalayo sila. Pag bumalik ang isa sa kanila at suot pa din yan ng babae, they are meant to be. Hindi na sila.iibig sa iba. Pero.."

"Pero ano?"

"Pero pag naiwala ang bracelet ng babae at may nakakuhang iba, kasabay non ang panibagong pagibig na uusbong sa pagitan ng babae at ng nakakuha ng bracelet"

"And do you believe in such legend?"

"Yeah I do, karamihan ng nakapamay ari niyang bracelet nakasama nila yung nagbigay sa kanila niyan. Rare event lang na maiwala yung bracelet katulad ng nangyare sa lolo at lola namin"

"You mean nawala ng lola mo yung bracelet?"

"Yeah, and ang lolo namin ang nakahanap. Tsaka lang binigay ng lolo namin yung bracelet nung maikasal na sila. Nagulat nga daw si lola na ang lolo namin ang nakakuha ng bracelet sa dami ng pwede makapulot nun sa quiapo"

END OF FLASHBACK

**********

Kinapa ko yung bracelet sa wrist ko matapos kong maalala ang sinabi noon ni Jelho. Kinabahan ako nung wala akong makapa. Tiningnan ko yung wrist ko at wala nga yung bracelet"

"Spade bumalik tayo sa sementeryo!"

"H-huh? But why?"

"Bumalik tayo!Yung bracelet na binigay sa akin ni Jelho!Baka nahulog doon!"

"S-sige" nag u-turn na si Spade pabalik. Medyo malayo na ang nadrive ni Spade mula sa sementeryo pero umaasa pa din ako na andoon pa rin yun

Mazer's POV

Kabababa ko lang sa eroplano. Hindi ko na sinabi kay Brick na ngayon ang dating ko. It feels good to be back in the Philippines

"Master Ace, isasakay ko na po sa sasakyan ang mga gamit niyo" si Butler Samuel.

"Sige po, salamat. Butler Samuel mauna na po kayong umuwi may dadaanan pa po ako. Pakisabi na lang sa mga kapatid ko."

"Pero Master Ace..."

"I'll be fine" sumunod naman na siya. Ng makaalis na ang sasakyan tinawagan ko si Brick.

[Hello?]

"Hey, Brick nasaan ka? Andito na ako sa Pilipinas. Let's meet later"

[T*ngina mo! Bakit di mo sinabing ngayon ang dating mo! Grabe yung soon mo ah! Loko ka talaga. Andito ako sa unit ni ate Jha, di pa kasi siya umuuwi, tumawag ako sa kanya kanina yung Spade ang nakasagot. Dinala niya daw sa hospital si ate dahil hinimatay]

"Hinimatay?! Bakit?! At sino naman yang Spade na yan?!"

[Mamaya ko na lang ikukwento sa' yo pag nagkita tayo. Punta ako sa bahay mo mamaya pagdating ni ate]

"Sige, may dadaanan pa kasi ako. Itetxt ko na lang yung bagong address namin."

[Pati ba naman dito may chicks ka? Next time ka na umiscore]

"G*go! Hahaha kaibigan ko yun noh! Isa pa sa sementeryo yun. Basta I'll talk to you later..Bye"

When I ended up the call pumara na ako ng taxi.

**********

Aba may nauna na pala sa akin. "Inunahan akong dumalaw sa'yo pare ah" may bulaklak at kandila na sa puntod ni Jelho. Naging magkaibigan kami sa Amerika kahit sa maikling panahon lang. Siya ang pinakaunang naging pasyente ko ng makatapos ako ng medicine 3 years ago

Aaminin ko ayoko sa kanya nung una dahil bf siya ni Jhace pero nakilala ko kung ano talaga siya at kung paano niya minahal si Jhace.

"Pare, tutuparin ko yung pangako ko sa'yo. Aalagaan ko si Jhace. Pasensya ka na pala kung dina ako nakapunta nung libing mo dahil may ooperahan ako nun."

Nagdasal ako saglit para sa kanya. "Oh pano pare, kailangan ko ng umuwi.Namimiss ko na mga kapatid ko eh." I'm about to leave ng may makita akong kumikinang sa gilid ng puntod ni Jelho.

Kinuha ko iyon.Isang silver bracelet na may palawit na dolphins. Ang ganda pagmasdan. Tingin ko may pagka antique na ito dahil iba ang kalidad sa mga alahas ngayon. I put it inside my pocket. "Tingin ko alam ko na kung kanino ko dapat ibigay to. Pero saka na kapag natupad ko na pangako ko sa'yo"

**********

Pagkarating pa lang namin sa sementeryo bumaba ako agad para hanapin yung bracelet. Halos dinaanan ko na lahat ng nadaanan namin kanina ni Spade pero di ko pa rin makita.

"Jhace, baka naman may iba ng nakapulot non. Bumili na lang tayo ng tulad non"

"Hindi pwede. Binigay sa akin ni Jelho yun. Galing pa daw sa lola niyo yun!"

"Sa dami ng taong dumadalaw dito imposibleng walang makakuha non."

"Pero.." Napatingin ako sa puntod ni Jelho. Posible kayang totoo yung legend na sinasabi mo? Napansin kong may isang pirasong iris sa puntod ni Jelho.

Nanggaling siya dito? Pero imposible. Nasa Amerika si Mazer. Baka nilipad lang galing sa ibang puntod. Nilibot ko ang mata ko pero wala akong nakitang iris sa ibang mga puntod.

"Jhace halika na. Ihahatid na kita pauwi. Hindi na natin makikita yun. "

Sino kaya nakakuha ng bracelet ko. Sana maibalik sa akin.

Kung Ako ba Siya...Mapapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon