Jhace's POV
Its been two weeks after what happened between me and Jelho. Pumayag naman siyang bigyan muna ako ng space. Gusto ko munang magisip isip.
Andito ako ngayon sa school for the clearance. Bahagya akong siniko ni Allyna. Classmate ko siya since first year college.
" Huy ateng, ang lalim ng iniisip mo ah"
"Hindi naman" ngumiti naman ako sa kanya.
"About sa boyfie?"
"Medyo?"
Dalawang linggo na din siyang di nagpaparamdam. Kahit ganon ang nagawa ni Jelho, he's still my boyfriend and i really miss him.
When I'm done with my clearance i decided to go home. Pero bigla na lang ako hinila nitong si Allyna nung palabas na ako ng school.
"Girl san ka pupunta?"
"Im about to go home kaso hinila mo ako. So what is it?"
"Nuod muna tayo ng mini concert diyan sa covered court"
"Why would i? Di ko naman kilala yung kakanta eh besides marami pa akong gagawin sa bahay"
"Basta girl, pogi yung kakanta kaya manood ka na. At saka isa pa ngayon lang naman to no"
Hay nako talagang mapilit tong babae na to. Sigurado di ako tatantanan nito. Pagbigyan ko na lang kaya? Wala nmn siguro masama kung manood din ako.
"Sige na nga! Siguraduhin mong pogi nga yan ah!" hahaha medyo malandi lang peg xD.
Nung nasa covered court na kami ng school nagtaka naman ako dahil ang daming estudyante na mga manonood din. Grabe popular ba siya at ganito kadami?
"Swerte nung babae no?"
"Oo nga eh,sana lang talaga magbati na sila"
Narinig kong usapan nung mga nasa unahan ko. Di ko na lang pinansin dahil sigurado buhay na naman ng ibang estudyante pinaguusapan nitong mga tsismosang to.
Ang tagal naman magsimula. Magpapaalam na sana ako kay Allyna na uuwi na pero pagtingin ko sa tabi ko wala na siya. Wow! Inaya ako tapos iiwan din pala ako! Pambihirang babae yon. Asan na ba yon? Makauwi na nga lang.
Pagtalikod ko biglang lumiwanag sa paligid at may pamilyar na boses na nagsimulang kumanta. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"I am finding out. That maybe i was wrong"
Mali ka naman talaga eh! Di mo dapat ginawa yun.
"That i've fallen down. And i can't do this alone"
Kahit naman ako eh. Di ko kaya na ako lang mag-isa.
"Stay with me, this is what i need please."
Di ko na napigilan ang luha ko. I do really miss him. Pagharap ko nandun siya kumakanta. Sunud sunod ang pagpatak ng mga luha ko na pinigil ko sa loob ng. dalawang linggo.
"Sing us a song, and we'll sing it back to you. We could sing our own but what would it be without you."
All the memories that we shared for a year comes back to my mind.
"I am nothing now, and its been so long...since i've heard the sound..the sound of my only hope"
Lahat bumabalik sa akin ngayon. Kung pano ko siya nakilala....
"This time...i will be listening..."
..kung pano kame nagsimula...
"Sing us a song and we'll sing it back to you. We could sing our own but what would it be without you."
..kung pano ko siya minahal..
"This heart it beats, beats for only you...This heart it beats, beats for only you..oh....This heart it beats, beats for only you..my heart is yours...This heart it beats, beats for only you yours...my heart is yours...This heart it beats, beats for only you..my heart...my heart is yours..my heart is yours...my heart is...yours....ohhhh....my heart is....."
Bawat lyrics ng kanta tumatagos sa akin. Tapos na siyang kumanta pero nakatitig pa rin sa akin si Jelho habang ako nakatayo pa rin at di mapigilan ang pagiyak. Namiss ko talaga siya ng sobra.
"Beb...I know two weeks isn't long enough for you to think about what we have been through this past few weeks..pero di ko na talaga kaya. I miss you so bad...I don't know how to start my day knowing were not okay. I did this for you..to let everyone know how much i love you..to prove to you na kahit sa harap ng maraming tao i can express my feelings for you without fears and doubts. I love you so much Jhacielyn Rivera..Kung pwede nga lang pakasalan na kita ngayon makasiguro lang na di ka mapupunta sa iba gagawin ko."
Nakatingin na sa akin lahat ng nandoon. Now lang nila napansin na ako gf niya?! Duh! Ganda ko eh!
Tumakbo ako pataas ng stage habang umiiyak pa din pero hindi na dahil sa lungkot kundi dahil masaya na ako ngayon.Niyakap ko siya agad.
"I'm really sorry Beb, I promise I won't do that again."
"Sorry din kung naging selfish ako..sarili ko lang iniisip ko hindi ko muna pinakinggan ang side mo"
"Its okay, ang mahalaga maayos na tayong dalawa"
Tumingin ako sa kanya ng masama. "Not so fast Mr. Jester Lhocke Cervantes! You have to tell me the reason behind this!"
"Okay boss!" He wink at me and then smile.
"And di mo sakin sinabe marunong ka pala kumanta! Wala man lang akong alam."
"Well i reserved it for an emergency like this." he grined.
Nagtawanan kaming dalawa.
"KISS....KISS..." Kantyaw ng mga estudyante na nandun.
"I guess kelangan natin silang pagbigyan" Tumaas baba pa ang kilay ng loko.
"Hoy Jelho! Tigil tigilan mo ko! Hindi pwe-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya ako hapitin at halikan. Eto na ba yung sinasabi ni Mommy na feeling? Iba pakiramdam ngayon.
Sana di na matapos tong araw na to. Ang saya ng pakiramdam. Ng maghiwalay na ang mga labi namin nagpasalamat siya sa mga nanood. Kinuntsaba niya pala si Allyna para pilitin ako na manood ng mini concert niya kuno.
Hinatid niya ako sa bahay at dun na din siya nananghalian. Pagkatapos kumain nanood kami ng movie. Halos buong araw ko siyang kasama. Nagleave siya para lang makasama ako at makipag ayos sa akin.
I have to think of something para makabawi sa kanya. After all napatunayan na niya kung gaano niya ako kamahal. Aayain ko siya mag out of town!
A/N: Sensya na guys kung medyo late ako nakakapag update may pasok na po kasi.. But anyways yung kanta na kinanta jan ni Jelho title po MY HEART by: Paramore
Support me more guys and I'll give you the best update i can give.. yung BS? hmmm...pagiisipan ko yan basta one of these days.. abangan niyo na lang :-)..
BINABASA MO ANG
Kung Ako ba Siya...Mapapansin Mo
Romancewhen you're in love..age doesn't matter.... but what if... you never thought that it would be possible for you to break your standard? Would you let him enter your precious life? Find out...