chapter 18

63 3 0
                                    

After 7 years....

Jhace's POV

"Ma'am hindi niyo ho ba kayang tumagilid?" tanong ko sa pasyente ko. Kelangan ko kasi makuha yung lateral projection ng thigh niya. Pero mukhang hindi niya yata talaga kaya dahil in pain ang pasyente.

"Ganito na lang po ma'am..maintain niyo na lang po yung position niyo then we will put the cassette between your thighs para po makakuha po tayo ng same image kung ok lang po sa inyo?"

"Yeah..that would be better hija."

Buti pumayag ang pasyente ko kundi mahihirapan ako. Naglagay ako ng sandbags under her thigh being examined.

"Ma'am pwede ho bang isuot niyo po ito?" I gave her a protection.Triangular in shape and made of lead.

"Para saan ba ito hija?"

"For the private part po yan ma'am.Protection po yan for the genitals. Necessary po kasing maglagay niyan lalo na po lower limb ang kukuhaan natin sa inyo" paliwanag ko sa kanya.

Hindi naman na siya nagtanong ulit at isnuot na nga ang gonadal shield.

I put the cassette between her thighs. Ibinaba ko yung x-ray tube then face it to her thigh horizontally and then proceed to taking of the image.

Grabe natapos din ako.Panglimang pasyente ko na iyon ng sunod sunod

"Oh Jhace bakit andito ka pa?" si Letty. Katrabaho ko. Halos magkasabay lang kami na pumasok sa hospital na ito nauna lang ako ng 1 month.

"Kakatapos ko lang kasi sa last patient ko."

"Ganoon ba. Magsabay na tayo kumain."pag aya niya sa akin.

"Sige." May fast food malapit sa hospital kaya dun naman na kami lagi kumakain ni Letty.

Pagdating pa lang namin doon binati na agad ako ni Spade. Siya yung nagbabantay doon fast food na pinagkakainan namin ni Letty.

"Hi Jhacey!" Jhacey tawag niya sa akin para mas feminine daw pakinggan. "Anong order niyo?"

"Yung dati pa din." sagot ko sa kanya.

"Okay! I'll serve you order in 15 mins!"

Porksilog ang inoorder namin sa tuwing kakain kami dito.Sarap kasi ng pagkakaluto nila at ang timpla ng porkchop.Laging si Spade ang nagseserve sa amin ni Letty.

Pagkaupo pa lang namin kinulit agad ako ni Letty.

"Hoy friend, magtapat ka nga. Kayo na ba ni Spade?"

Napatawa ako ng bahagya. "Hindi ano ka ba naman Letty, nanliligaw lang siya"

"Ligaw pa din? Eh ang tagal ka na kayang sinusuyo niyan. Kelan mo ba balak sagutin?"

"Wala akong balak sagutin siya kaya lang siya tong mapilit talaga kaya hinayaan ko na lang siya"

"Kung ako sa'yo sasagutin ko na yan, aba big catch yan noh. Nakapagtapos ng Engineering yan"

"Duhhh! Engineer nga sa fast food nagtatrabaho? Di naman niya nagamit profession niya."

"Oo nga no? Nagtataka din ako bakit dito siya nagtatrabaho. Isa pa hindi bagay kagwapuhan niya dito. Pero Jhace sagutin mo na kasi."

"Ay nako ayoko. Wala pa naman akong nararamdaman para sa kanya noh." si Jelho pa din ang mahal ko kahit ilang taon na siyang wala.

Maya maya pa dumating na  ang order namin.

"Here's your order ma'am" napatingin kami sa nagdala ng order namin coz Spade didn't call us 'mam' ever.

Nagkatinginan pa kami ni Letty dahil hindi si Spade ang naghatid ng order namin. Anyare?

"Mukhang nagulat kayo?" napalingon kami sa pinanggalingan ng boses. Si Spade may dala din siyang pagkain. Umupo siya sa bakanteng upuan katabi ko.

Medyo nakanganga pa kami ni Letty.

"Bakit naman kayo ganyan makatingin sa akin ladies?" then he smiles.

Noon ko lang napansin hawig niya pala si Jelho. The way he smiles, his eyes, his nose, his lips. Pero may mga differences din sila. His hair, his clothings, his perfume and the dimples he have on both cheeks which Jelho doesn't have.

"Jhace?" tawag sa akin ni Letty

"H-Ha?"

"Sabi ko kumain na tayo. Ang lalim naman kasi ng iniisip mo"

"Sorry" Kumain na kaming tatlo. Di naman ako naiilang kay Spade medyo nagtaka lang ako. Ngayon lang kasi siya sumabay kumain sa amin.

"Mr. Cervantes!" galing sa isang boses sa di kalayuan.

Huh? Cervantes? Sino? Si Spade ba?

Lumingon naman si Spade sa pinanggalingan ng boses. Isang lalaki na naka formal attire ang may ari ng boses.

Lumapit ito kay Spade.

"What is it Blake?"

"Sir we urgently need you today sa company. Ang daming clients na nagpapagawa ng plano and we need both your signature and thumbmark"

"Di ba i told you to do that?"

"Eh kasi sir alam na po ni mam Beatrice"

"What?! Panong nalaman ni mama?!"

Napakamot na lang sa batok yung kausap niya.

"Fine! I'll be there around 2pm.Ihanda mo na ngayon yung mga documents na pipirmahan"

Pagkasabi nun umalis na yung lalake.

"Ladies pasensya na kung nainterrupt ang pagkain natin. Kain na tayo ulit"

"Spade, may sarili ka bang company?" tanong ni Letty. Daldal talaga neto.

"Yeah...I own an engineering and architectural consultancy building. Kaya pag magpapagawa kayo ng bahay ako na magpaplano ah."

May building pala sila. Nako kelangan ko nga pala siya matanong.

"Siya nga pala Spade can we have a dinner tonight?" medyo nagulat siya at first.

"Oh sure basta ikaw honey, but for now tatapusin ko muna yung sa office"

Pagkatapos niyang kumain nagpaalam na siya agad sa amin.Nung makaalis na ng tuluyan si Spade siniko ako ng bahagya ni Letty.

"Hoy ikaw dumadamoves ka na din ah! Sabi mo pa kanina ayaw mo sa kanya"

"Of course not Letty! Its not what you think!"

"Eh ano yung pag aya mo sa kanya just a while ago?"

"I have to find out something."

"Ano naman yang ifafind out mo ha?"

"Tsaka ko na sasabihin sa'yo pag nalaman ko na."

Kelangan ko malaman kung related si Jelho kay Spade. Coz if they do, malalaman ko na din kung nasaan si Jelho.

A/N: Tagal ko makaupdate ngayon sorry po dahil dami gawa sa school. Sinisingit singit ko lang pag may time.

Tnx nga pala kay Cherry na nagmessage dn sa akin at naappreciate dn ang story na to. Hi readers! ^^

Mikoru~~~

Kung Ako ba Siya...Mapapansin MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon